"H-hey t-tangina get off m-"
Sobrang lakas ng kapit nya, wala akong lakas para tulakin sya ng malakas. Ilang beses ko sya sinisipa pero 'di pa din sya tumitigil. Gusto ko lang naman magbanlaw, pa'no umabot sa ganito!?
Tangina naiiyak ako.
POV: Riki
Parang gusto ko na magbanlaw. Kanina 'ko pa gusto kumawala sa mga kuya ko kaso grabe sila makabakod. Kala mo naman para akong tatakas na kriminal sa kulungan eh. Pero ngayong busy sila sa pagkanta, pwede na siguro ako pumunta sa banyo.
Tatayo na sana ako nang bigla ko nakita si Sunoo na naghahanda ng towel, shampoo at sabon. Magbabanlaw din siguro sya.
Nung umalis na sya, nagcellphone muna ako saglit para kausapin sina Jay, Heeseung, at Sunghoon.
Maya-maya ako susunod baka isipin pa ni Sunoo na sinusundan ko sya.
Nung tumingin ako sa C.R kung saan sya pumasok kanina, nakita ko ulit yung lalakeng "nagligtas" kay Sunoo kanina sa pool. Kita kong nagttingin-tingin pa sya sa kaliwa't-kanan. Weirdo din pala 'tong lalakeng 'to. Tsk.
Napakunot noo ko. Isang segundo ko lang inalis yung mata ko sa kanya tapos wala na agad sya sa kinakatayuan nya kanina?! Huh? Siguro pumasok sya sa C.R.
Wait.
Napatayo agad ako sa inuupuan ko at tumakbo agad papunta sa C.R.
Shit.
Shit.
Andun nga pala si Sunoo ngayon.. puta baka kung ano pa gawin nung bwiset na 'yon sa kanya.
Hindi naman sa judgemental ako pero kasi kanina ko pa din napapansin sa pool 'yung kinikilos ng lalakeng iyon. Halatang may pinaplanong masama.
'Di ko alam kung ba't galit na galit ako habang iniimagine kung anong kabalastugan ang pwedeng gawin ng gagong 'yon kay Sunoo.
Pagkarating ko sa banyo, nakarinig agad ako ng sigaw. Kaboses nya. Lumapit agad ako sa source ng boses na 'yon at bumungad sa 'kin ang nagpadilim ng paningin ko.
Tanginang manyak 'to.
'Di na ako nagsayang pa ng oras at agad kong sinuntok yung lalake sa mukha.
Tangina galit na galit ako. Ngayon pa lang ata ako nagalit ng ganito.
"Get the fuck out!" Sinigawan ko sya ng malakas at napatakbo naman sya palabas ng C.R.
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang stress at galit. Kasalanan ko din kasing nagpahuli pa ako bago pumunta, edi sana hindi nangyari 'to sa kanya diba?!
Nakita ko si Sunoo sa harapan kong medyo nanginginig kaya sinubukan kong kumalma para 'di pa sya matakot.
"Fucking hell," i muttered to myself.
Kung dumating lang ako ng mas maaga.
POV: Sunoo
Sobrang bigat ng paghinga ni Riki ngayon, 'di ko alam kung dahil sa stress, galit o hingal. Basta ang alam ko lang, sobrang nakakatakot nya ngayon.
Parang ayaw ko tuloy magsalita at baka masuntok pa nya ako ng 'di oras. Nakakatakot naman kasi sobra!
"Ba't nandito ka?" Nagsalita pa din ako.
BINABASA MO ANG
simula bata pa - a sunki tagalog fic
Hayran Kurgusimula high school pa lang ay magkaibigan na yung mga magulang nina sunoo at riki. however, kahit magkakilala at madalas magkasama yung dalawa since birth, parang strangers lang din yung turingan nila sa isa't-isa. little did they know na may pinapl...