POV: Riki
Nagdecide mga magulang ko na kumain daw muna kami sa labas para i-celebrate yung last day of classes ko and para din siguro i-celebrate yung awards na napanalunan ko noong recent season ng UAAP last month.
Habang kumakain na kami sa Kenny Rogers, nagulat ako nang bigla na lang sumigaw si Ate Yeji.
"HYUUUUUNJIIIINNNN! Why are you so clumsy ba!" Reklamo nya habang pinupunasan yung damit nya. Natapunan kasi sya ng softdrinks na iniinom ni Kuya Hyunjin.
Nagtawanan naman kami lahat kasi nakakatuwa naman talaga si Ate pag nagagalit sya.
"Napakaiyakin mo naman punasan mo na lang yan," sabi ni Kuya Hyunjin habang si Jeongin naman ay tawa lang ng tawa sa tabi nya. Kahit na mas matanda sa 'kin si Jeongin ng isang taon, hindi ko sya tinatawag na 'kuya'. Ganun na din nakasanayan ko kaya nagiging weird pag kinukuya ko sya.
Pagkatingin ko sa tapat ko, nakatitig lang si Ate Hoyeon sa kanilang tatlo. Kahit kapatid ko sya, 'di ko idedeny na natatakot kaming lahat sa kanya. She's really quite intimidating and kahit yung mga nasa showbiz ay sinasabi din 'yon.
Sa aming limang magkakapatid, sina ate Yeji, Kuya Hyunjin, at Jeongin yung cheerful at maingay. Kami naman ni Ate Hoyeon yung tahimik at cold. Parang si Jeongin pa nga yung nag-aastang bunso sa 'min sa sobrang masayahin nya eh.
"Oh tama na yan. Where are your manners? Nasa harap tayo ng food and yet nagtatalo pa kayo jan," halata sa boses ni Dad na nagagalit na sya sa kinikilos namin kaya naman napatahimik na lang yung tatlo.
'Di naman terror yung parents namin, sadyang sobrang ingay lang talaga nilang tatlo.
"'Nga pala, since next week tapos nina Yeji at Hyunjin sa ADMU, we'll be having a 3-day vacation after that!" Excited na pagkasabi ni Mom.
Every vacation or every other special occation ay pumapasyal talaga buong pamilya namin sa iba't-ibang places kaya 'di na ako masyado nagugulat kapag nagaannounce sila ng mga ganitong bagay.
Pero, di ganun ang case para sa tatlong bibe dito (Yeji, Hyunjin, Jeongin).
"YONNNNN! Sa wakas naman makakagala na rin."
"Maghahanap ka lang naman ng chicks dun, Hyun."
"Oo nga! Bakit 'di mo tularan mo si Riki oh super duper loyal kay Winter," pangaasar sa 'kin ni ate Yeji.
Napangisi naman ako sa sinabi nya. 'Pag binabanggit talaga ng pamilya ko si Winter, sobra akong natutuwa.
4 years na kaming nagsasama at kami daw yung naturingang "power sports couple" sa mundo ng UAAP.
I'm from the UST Volleyball team and she's from the ADMU Swimming team.
I think we look perfect together.
Naputol yung pag-iisip ko nang biglang sabihin ni Mom yung mga susunod na mga salita.
"Kasama natin pamilya nina Ford at Rosa! Matagal-tagal na din tayong 'di nagkkita-kita noh kaya magbehave kayo ah."
Lahat kami napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya. Pati si Ate Hoyeon na 'di masyado nagrreact sa mga bagay-bagay ay nagulat doon.
Since parang reunion na din naman 'to, gusto kong itanong kung pwede sumama si Winter sa'min.
Para sa 'kin, parte na sya ng pamilya namin pero yun nga lang, 'di ko maintindihan kung ba't hindi sang-ayon mga magulang ko sa relasyon namin.
At dahil mahal na mahal ko sya, lagi ko syang ipinaglaban, ipinapaglaban, at patuloy pa ding ipapaglaban.
"Then can I invite Winter?"
Nanlaki mata ni Ate Yeji sa sinabi ko. Alam nyang 'di sila boto sa relasyon namin kaya alam kong concerned sya.
"Riki, special na reunion 'to ng pamilya natin at ng pamilya nina Tita Rosa mo, and alam mo namang only our family members can come."
'Di ko ineexpect na sasagot si Ate Hoyeon. She's usually quiet.
"Pero magkaibigan naman po si Ate Yeji at Winter diba? I don't see what's wrong with inviting her"
Medyo nagagalit na 'ko. Alam kong nagiging selfish na ako pero ni minsan man lang 'di nila isinasama si Winter sa mga pinupuntahan namin.
One time nga pumunta kaming Baguio kasama friends ni Kuya Hyunjin at fiancé ni Ate Hoyeon pero pinagbawalan nilang isama si Winter.
I don't understand them at all.
Pagkatapos ng ilang beses na pagtatalo namin, eventually sumuko na 'ko. Para kasing pader lang kausap ko. Sa bawat pagbbring-up ko kay Winter, cinucut off lang nila ako. Nakakagago lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/312340795-288-k423111.jpg)
BINABASA MO ANG
simula bata pa - a sunki tagalog fic
أدب الهواةsimula high school pa lang ay magkaibigan na yung mga magulang nina sunoo at riki. however, kahit magkakilala at madalas magkasama yung dalawa since birth, parang strangers lang din yung turingan nila sa isa't-isa. little did they know na may pinapl...