POV: Sunoo
Last day na ng pasok namin for this school year. Jusko, salamat naman at tapos na din. Ilang buwan din akong nangiyak-iyak sa course ko noh, deserve ko ng rest!
Mabait naman akong estudyante at laging nasa top ng class ko and as a good student, nagsulat ako ng mga farewell letters para sa mga prof ko. Iba na kasi magiging prof namin next year.
Patapos na ako magsulat then biglang nagsalita adviser namin.
"Class, proceed kayo lahat sa Quad Pav after nyo maglunch."
Onga pala, may parang farewell speech na gagawin para sa mga teachers, students, staff, and syempre sa mga nagbubuhat ng pangalan ng school namin... the athletes.
Binilisan ko na magsulat at magligpit ng mga gamit ko para maibigay ko na din 'tong mga letters. Tamang abot abot lang, para lang akong mangangampanya sa eleksyon ganon.
Time check: 12:04pm
Lunch time na para sa lahat ng school sa bansa. Nagusap-usap kami nina Jungwon at Jake na magkita sa nearby McDo sa UST. May event kasi sa amin kaya syempre sila magaadjust.
Pagkalabas ko ng main building, grabeng ingay yung sumalubong sa'kin. Kaliwa't-kanang Thomasians ang pagala-gala sa Plaza Mayor. Syempre last day of school so lahat ganado na ule mabuhay.
Binilisan kong pumunta sa McDo kasi sure akong nakarating na yung dalawa, hinatid ba naman sila ng manliligaw ni Jungwon gamit yung Mercedez Benz nya. DLSU student pa, i already know na sobrang yaman nya. Nakakainggit ha, respeto naman.
"Tagal mo teh oh mamamatay na kami sa gutom dito," bati sa'kin ni Jungwon na nakapamewang.
Puno ng Thomasians yung lugar at sobrang haba ng pila sa counter, buti na lang nakahanap pa ng upuan 'tong mga 'to.
Binalik ko naman ang tingin ko kay Jungwon na nagtataray pa din. "Sana all kasi may tagahatid diba, 'di sana ako natagalan papunta dito!"
Gumitna naman sa 'min si Jake. "Omg stop na nga mukha kayong eng eng! It's already so siksikan here and nagtatalo pa din kayo?" Odiba, halatang Lasallian.
"Eto namang conyong 'to ang arte-arte! Order ka na nga dun Sunoo, alam mo na oorderin namin ah!" Aba ako pa talaga yung na-target na bumili ha, ang kakapal!
"Fine, libre ko na. Go na, go na, baka malate ka pa for later eh," sambit ng isa naming kaibigan. Kaya mas paborito ko 'tong si Jake kesa sa isa jan eh.
Hays, sige na nga. Libre na yun oh, sino ba namang aayaw sa blessing 'di ba? 'Di rin naman ako makakapagprotesta kasi tinulak na nila ako papunta sa pilahan.
"Hey! Grabe makatulak Jungwon ha!" Inirapan ko sya. Ganto talaga kami magbonding. Kilala na namin isa't-isa simula pa nung elementary kami so sanay na ako sa lahat ng mga kinikilos nila.
Sobrang haba talaga ng pila, para na kaming naglalaro ng caterpillar dito! Wala akong patience para dito pero libre naman na 'to ni Jake kaya sige lang, kakayanin!
After ko magorder ng mga usual na kinakain namin dito, nag-C.R muna ako kasi ihing-ihi na talaga ako. 15 minutes ba naman nakatayo sa hindi umuunsad na pila, sinong 'di maiihi?!
Pabalik na sana ako ng upuan namin ng biglang may nakabunggo akong lalake. Nakasuot sya ng architecture uniform ng UST so syempre Thomasian din sya, mga ka-age ko din... yun nga lang, nakaface mask sya kaya di ko nakita mukha nya. Binaliwala ko na lang at nagdali-dali papunta kina Jungwon at Jake. Oh? Andito na pala agad yung mga pagkain namin?
BINABASA MO ANG
simula bata pa - a sunki tagalog fic
Fiksi Penggemarsimula high school pa lang ay magkaibigan na yung mga magulang nina sunoo at riki. however, kahit magkakilala at madalas magkasama yung dalawa since birth, parang strangers lang din yung turingan nila sa isa't-isa. little did they know na may pinapl...