POV: Sunoo
"Sunoo, tulungan mo muna ako dito. Kunin mo bags ni Lia 'doon"
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon ay kinakarga na namin sa sasakyan ang lahat ng dadalhin.
Pagkalipas ng isang oras na pagbubuhat at pag-aayos ng mga dadalhin, sa wakas ay naikarga na din lahat sa sasakyan. Karamihan talaga ng mga bagahe ay kay Ate, apat ata yung mga bags na dinala nya tapos may isa pang malaking maleta na puro lang damit at accessories. Ako naman, dalawang bag lang dinala ko, isang bag para sa mga damit at isang bag naman para sa mga iba pang necessities.
Time check: 4pm
Nasa sasakyan na kaming lahat at paalis na. Napagsunduan nina Mama at Tita Romina na susunduin namin sila sa bahay nila.
Halos 30 mins din ang byahe papunta sa bahay nila sa Katipunan kaya nagpatugtog muna ako sa Spotify para 'di mabored.
5 mins na lang bago ko ule makita si Riki. 'Di mawala yung kaba sa dibdib ko. Pasmado na nga yung kamay ko sa sobrang kaba. Para naman akong makikipagmeet-up sa pangulo ng Pinas.
"Pagkarating natin doon tumulong kayo sa pagbubuhat ng mga baggages nila"
'Di ko namalayan ang oras. Andito na pala kami sa street nila.
Tumigil na yung sasakyan namin at pagtingin ko sa bintana, pinagmasdan ko ang bahay nila. Mas malaki ng konti yung bahay nila kumpara sa 'min. Kahit hindi ko first time pumunta dito, namangha ako sa ganda ng lugar nila. Parang 'yung mga bahay lang sa movies, ganoon.
Nakita kong bumababa na sila sa van kaya naman sumunod na din ako. Nasa pinakalikod ako kaya syempre ako yung pinakahuli na bumaba, pero ang 'di ko inaasahan...
Pagkababa ko ng kotse, nakalabas na pala agad ang pamilya nila. Nakahilera sila at dala-dala na nila ang mga bagahe nila.
Tuwang-tuwa naman yung mga magulang ko kaya naman agad silang nagkumustahan, nagyakapan, at nagtawanan. Ang wholesome talaga ng friendship nila.
Sinundan ko si Kuya Inyeop at lumapit kami sa magkakapatid na naguusap-usap lang sa tabi. Nakatungo lang ako kasi ako lang yung mahiyain sa 'ming magkakapatid. Ako lang din yung introvert sa amin kaya hirap ako makipagsalamuha sa iba. Chos! Nakadepende 'yon sa mood ko.
Close sina Kuya Inyeop at Hoyeon kasi lagi silang magkasama sa showbiz. 'Di pa din talaga ako makapaniwala na may kakilala akong dalawang artista at kapatid ko pa talaga yung isa.
Si Ate Lia naman ay sobrang close din sa tatlong bibe kasi halos lahat sila ay same age lang naman.
Kami naman ni Riki..... hahaha.. next question please.
Oo nga pala speaking of Riki, 'di sya kasama ng mga kapatid nya. Asan kaya iyon? Hindi ba sya sasama? Nag-alala pa ako buong linggo tapos 'di rin naman pala sya kasama sa pupuntahan namin?! Napairap na lang ako at pinagkrus yung kamay ko sa dibdib.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at 'di ko naman alam kung bakit.
"Tara na! Buhat buhat time!" Tuwang sambit ni Jeongin kaya nagsimula na kaming ilagay sa van ang mga bagahe nila. Marami-raming binuhat kasi walo ba naman sila sa pamilya.
Ay. Pito lang siguro. 'Di naman ata kasama si Riki.
Hindi ako nagffocus sa ginagawa ko kaya 'di ko din namalayang may nabangga ako. Aray ha! Para akong bumangga sa pader.
Hinawakan nya ako sa balikat para 'di ako mahulog.
"Sorry," sambit nya.
'Di ko naman nakita ang mukha nya kasi nagmadali na syang tumakbo palayo. Grabe, literal na hit and run ha?!
Hindi ko alam kung tama ba yung pangrinig ko pero-
"Riki! Antagal mo naman, saan ka galing!?"
Oh.
Kay Riki ngang boses yung kanina.
"May kinuha lang ako sa kwarto," mahinang sabi nya kasi halatang nahihiya sya sa pamilya namin. Medyo napangiti naman ako doon.
Shit.
'Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya kaya dali-dali kong nilagay yung dala-dala ko sa sasakyan para makaiwas sa kanya.
Success naman yung pag-iwas ko sa kanya kaya 'di ko na sya nakita uli habang nagiimpake sa sasakyan. Heh. Pumasok muna ako sa loob ng bahay nila para uminom ng tubig kasi nakakapagod din kaya magbuhat noh.
Nakasakay na siguro silang lahat sa kotse, ako na lang din ata hinihintay.Pagpunta ko ng van, nakita kong natayo pa sa labas sina Yeji, Lia, Hyunjin, Jeongin, at Riki. Ay, hindi pa pala sila nakakasakay.
Inaassign ni Tito Stephen yung 'sitting arrangement' namin. Oh diba para lang din kaming nasa school.
"Yeji, Lia, magtabi na lang kayo sa likod nina Hoyeon at Inyeop"
"Tapos kayong apat sa likod." Tinuro nya kaming mga lalaki.
"Yun oh tabi-tabi F4!" Sigaw ni Hyunjin habang papasok si Riki sa van.
"Oh pasok na Sunoo ano tinatayo-tayo mo jan"
Huh? Batas ka? Charot lang, mas matanda 'yan Sunoo, habaan mo pasensya mo.
Wala na akong magawa kundi sundin na lang sila kasi mas matanda naman sila sa 'kin pero...
PUTANGINA BA'T KATABI KO SI ANO??!?!?!?
Naalala ko ule yung sinabi nina Jungwon at Jake kaya hindi ko pinahalatang kinakabahan ako nung katabi ko sya. Mas nakakatense pa pala ito kaysa sa recitation.
Nakasakay na din sina Hyunjin at Jeongin kaya umandar na sa wakas yung sasakyan.
Kinuha ko cellphone ko at nagscroll sa Twitter para 'di ako magmukhang awkward pero nadistract naman ako kasi ang bango bango ni Riki. Ano bang pabango nito? Mabili nga din.
Lumingon ako sa kanya para tignan kung anong ginagawa nya pero syempre 'di pahalata noh! Nakasandal yung siko nya sa bintana at nakahawak sa ulo nya tapos nakapikit.
Ang gwapo naman ng side profile nya, halatang paborito ni Lord. Siguro sobrang focused ni Lord habang ginagawa sya tapos sa akin parang crinam lang nya. Joke, alam kong may itsura ako kahit papaano noh!
Alam ko namang gwapo sya pero has he always looked this fine? Kaya pala crush na crush 'to ng bayan. Okay tama na baka kung ano pa maramdaman ko.
Medyo maingay silang lahat maliban sa aming dalawa. Nagkkwentuhan, nagaasaran, at nagkkantahan sila. Parang magttropa lang.
Kaming dalawa lang ni Riki yung 'di naimik dito. Nakapikit pa din sya at nakikinig na ng music ngayon. Medyo naririnig ko nga yung kanta sa earphones nya sa sobrang lapit namin eh.
Hmmm. Wildest Dreams pala ha. Isa din yun sa favorite kong kanta kaya pumikit na din ako at 'di ko namalayang nakatulog na ako sa byahe.
![](https://img.wattpad.com/cover/312340795-288-k423111.jpg)
BINABASA MO ANG
simula bata pa - a sunki tagalog fic
Fanfictionsimula high school pa lang ay magkaibigan na yung mga magulang nina sunoo at riki. however, kahit magkakilala at madalas magkasama yung dalawa since birth, parang strangers lang din yung turingan nila sa isa't-isa. little did they know na may pinapl...