Para syang excited na batang nagpupumilit sa amin na bilisan maglakad papunta dun.
"Saglit lang naman 'nak, maiikli mga biyas namin maawa ka naman," pabirong sabi ni Tito Stephen sa kanya. Oo nga tito! Louder po!
Habang pinapanood namin yung mga nakasakay ngayon sa Disk-O-Magic, natakot na yung mga kasama ko. 'Di daw kaya ng mga matatanda na sumakay sa ganyan kaya nagbackout muna sila.
Mahilig ako sa mga extreme na rides pero aaminin ko, medyo kinakabahan na 'ko sa sasakyan namin ngayon.
Uminom muna ako ng tubig at bumulong sa sarili ko. "Luh pinagpapawisan na kamay ko"
Akala ko mahina lang pagkakasabi ko pero I heard Riki chuckle sa likod ko.
"Wag ka kabahan, it's not that scary," natatawang sabi nya habang nakatingin sa ongoing na ride.
"Kahit na! Baka mahulog pa 'ko jan eh"
Napatingin sa 'kin si Riki sa sinabi ko at agad ding binalik yung tingin nya sa tinitignan nya kanina.
He smiled softly. "Di yan"
Tumigil na sa kakaikot yung ride kaya naman naghanda na kami para sumakay.
Tabi-tabi uli kaming magkakasama at 'di ko alam kung sadya ba ng tadhana or ano, pero katabi ko nanaman si Riki. Okay lang 'yan, more bonding time siguro.
"Ready na ba kayo paikut-ikutin?" Tanong na malakas ng staff sa amin.
"Humawak kayo ng mabuti sa hawakan ah baka mahulog kayo hahaha," pabirong asar ni Ate Hoyeon sa mga kapatid nyang katabi nya.
"Sanay naman na akong paikut-ikutin kaya go!" Ang cringe non pero nagawa ko pa talagang magbiro ngayong kinakabahan ako ha!
Nagsisimula nang umandar yung ride at naririnig ko na hiyawan ng mga kasama ko.
Nagulat naman ako nung biglang kunin ni Riki yung kamay ko.
"Huy anong ginagawa mo!?" Medyo malakas yung boses ko kasi sa sobrang daming nagsisigawan, baka 'di nya marinig yung sinabi ko.
BINABASA MO ANG
simula bata pa - a sunki tagalog fic
Fanficsimula high school pa lang ay magkaibigan na yung mga magulang nina sunoo at riki. however, kahit magkakilala at madalas magkasama yung dalawa since birth, parang strangers lang din yung turingan nila sa isa't-isa. little did they know na may pinapl...