Chapter 1

126 70 13
                                    

When he introduced himself, I couldn't take my eyes off of him. He was a work of art. But that's it. I am not interested in him. Iniwas ko ang tingin sakanya. Medyo sanay na ako na maraming nakikitang gwapo dito sa Hawaii at ilan sakanila ay type ko pero hindi ko manlang malapitan at kapag may lumapit naman sakin hindi ko naman type. Puro trabaho nalang ang inaatupag ko dito sa Hawaii. For seven years hindi man lang ako nag ka jowa o hindi kaya ay nag ka MU. Grabedad!


"Sorry, I'm taken." 


"So?" anong 'so?' sosowin ko yang pag-mumukha mo! Hindi nga kita type! Sho!


"Sorry, but my two boyfriends are enough." nginitian ko siya at nilagpasan. Nagulat yata sa sinabi ko. Akala niya, ah.


"So, uuwi ka na sa Lunes?"


Nginitian ko si Kate. Sadly, I need to go back to my home. Kahit gaano man kasaya ang pagtra-trabaho ko dito hindi nandito ang pamilya ko. Saka tama na yata ang naipon ko para makapag tayo ng iba na namang negosyo. Nakapag patayo na ako ng iilang rentahan sa Pilipinas, ngayon naman ay gusto ko ng mag simula sa gusto ko talagang negosyo, isang library cafe.


"Oo, sasama ka?"


"Hindi pa puwede! Mag re-resign ka akala mo puwede agad na mag resign din ako? Feel ko 'di ako papayagan ni Sir."


"Bakit? Hindi ka talaga no'n papayagan, gusto ka no'n." ngumiwi siya sa sinabi ko. Akala mo hindi totoo, saka hindi naman matanda at pangit ang boss namin. Sa katunayan ay medyo type ko si Sir, pero no agad ako matapos malamang may gusto siya kay Kate. Well, sino bang hindi ang ganda kaya ni Kate pero para sakin lang 'to, ah, mas maganda talaga ako.


"Ayaw ko do'n. Hindi ko mauuwi 'yon sa Pinas." napangisi ako.


"So kung puwede mong mauwi, sasagutin mo na si Sir?"


Namula siya sa sinabi ko at iniwan ako sa kusina. Ayon, nadulas kasi, natawa nalang ako. Nang gumabi inayos ko na ang iba kung damit at inilagay sa maleta ko. Uuwi na din ako sa wakas. Sa iisiping uuwi na ako na e-excite ako at kinakabahan at the same time, hindi ko alam kung bakit. Maya-maya matapos kung mag arrange ng mga damit humiga na ako.


Nagising ako dahil sa iyak ng bata sa eroplano. Ngumuso ako at pinikit nalang ulit ang mga mata ko. Sa hindi ko malamang dahilan subrang kinakabahan ako. Minsan ay naiisip ko kung anong sasabihin ko kapag nakita ko ulit sa personal ang mga kaibigan ko na sa video call ko lang minsan nakikita at sa pamilya ko, paano ako aakto sa harap nila? Sure akong may special treatment agad ako pag-uwi ko dahil ang alam nila mayaman na ako dahil lang galing akong ibang bansa. Napapadyak ako. Hindi pa po ako mayaman! Yayaman palang! Napabungisngis ako.


Wala na yata akong lakas ng makauwi na kami nina mama sa bahay. Hangover ba this?! Agad akong dinaluhan ng mga kamag-anak ko ng lumabas ako sa taxi. Ang rami ko ng pamangkin! 'Yan agad ang nasabi ko ng makita ang mga kamag-anak ko sa labas ng bahay namin. Napangiti nalang ako. Niyakap nila ako isa-isa at matapos ay ang raming kwento! Pati sex life ko pinapa kuwento sakin, e, wala ako noon! Virgin pa po ako sa edad kong ito. 


"Grabe naman! Wala kang naging jowa doon?!" 


After The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon