[Dennis]
"Ngiting-ngiti ka, ah?" bati ko kay Roxanne na mukhang masaya sa first day of class niya.
Buti pa siya masaya, samantalang ako badtrip agad do'n sa prof naming panot.
"Ah, oo. Sobrang productive kasi ng day na 'to at may na-discover pa 'kong pwedeng pagkakitaan."
Hindi naman siya singkit, pero halos mawala ang mga mata niya sa lapad ng ngiti niya.
"Ano bang nangyari?" curious kong tanong.
Pagkabukas niya sa pinto ng apartment niya kulang na lang tumalon siya habang papasok kami. Excited niya 'kong pinaupo at buti na lang hindi ko naibagsak ang sarili ko, kundi ay basag-basag mga buto ko sa tigas nitong mahabang upuan niya. Sinabi ko na kasing bibilhan ko siya ng sofa pero ayaw niya! Kaya next time dapat hindi na lang ako nagpapaalam.
Na-curious ako lalo sa magandang nangyari sa kanya dahil hindi siya makapagsalita sa kangingiti. Di kaya nakakita 'to ng maraming pogi ro'n? Tapos feeling niya sobrang bait ko kaya okay lang na i-share niya sa 'kin?! Sumama agad ang pakiramdam ko sa naisip ko. Kaso naisip ko rin na imposible 'yon dahil ako lang naman ang pinakagwapo sa lahat. Hayst. Stop overthinking, my handsome self.
"Hindi ko kasi akalain na uso rin pala rito sa Maynila 'yung mga estudyanteng walang papel sa klase," panimulang kwento niya na medyo natatawa pa. "Akala ko sa amin lang sa probinsya 'yung naghihingian ng papel. Buti na lang pala bumili talaga tayo ng isang pad!"
"Anong ibig mong sabihin, Love?"
Inakbayan ko siya kahit dalawang beses niyang tinanggal. Nabibigatan siguro siya sa muscles ko? Pffft. Pero sa pangatlong attempt ko hinayaan niya na 'ko.
"Noong elem at high school kasi ako sa probinsya, laging walang papel ang mga estudyante ro'n," pagpapatuloy niya sa kwento niya. "Akala ko dahil mahirap lang talaga ang buhay sa lugar namin kaya gano'n. Hindi ko inexpect na pati pala rito sa Maynila kahit sa kolehiyo--uso ang walang papel"
Tuwang-tuwa siya sa pagkukwento habang ako eh medyo naguguluhan sa sinasabi niya. Hindi ko maintindihan.
"Nag-pa-papel kayo sa klase?"
"Ha? Oo naman. May school ba na hindi gumagamit ng papel?" tanong niya pabalik sa 'kin na para bang ako ang weird at may maling sinabi. "Ikaw talaga, para kang hindi dumaan sa elementarya."
Napaisip ako habang nakatitig sa kanya. Inalala kong mabuti kung gumamit nga ba ako ng papel noong elem ako.
"Para saan ba 'yong papel?" tanong ko. Na-wi-weirdo-han na naman siyang tumingin sa 'kin. Bakit parang laging may mali sa sinasabi ko?!
"Malamang sinusulatan. Ano ba 'yang mga tanong mo? Bakit parang hindi ka gumamit ng papel simula pagkabata?"
"Gumamit naman ako!" depensa ko.
"Talaga? O sige nga..." Pinaningkitan niya 'ko ng mata. "Saan mo ginamit ang papel mo noon?"
Ngumisi ako pagkaalala kung saan namin ito ginamit noon ng mga siraulo kong kaibigan.
"Gumawa kami ng mga paperboat. Sa sobrang pagka-amaze nga namin muntik naming mapuno ng paperboat 'yung buong classroom. Nagpaunahan at nagparamihan kasi kami."
Sayang-saya ako sa pagkukwento, pero hindi siya mukhang natutuwa kaya tinigil ko rin. Tinanong ko siya kung anong problema at nagkaintindihan lang kami nang sabihin ko na hindi talaga kami gumamit ng papel since pre-school dahil naka iPad kami.
"Putangina! Hahahahahaha!"
Malakas na hinampas ako ng gagong Jasper pagkatapos kong ikwento sa kanila 'yung napag-usapan namin ni Roxanne. Nasa klase kami ngayon at naka 30-minute break lang kami kaya may time kaming mag-chismisan.
