[Roxanne]
“Sino ‘yung Trey Reese David na ‘yon?” tanong ni Dennis as soon as I ended my live.
Nakalahati naman ‘yung gusto kong ibenta, kaso hindi na ‘ko nagtagal dahil sa kakulitan ng mga kaklase ko sa comment section. Inaasar nila ako sa mga comment ni Trey.
“Irregular student sa block namin.”
“May gusto sa ‘yo?”
Kunot noo na medyo natatawa akong humarap sa kanya. Pero ang totoo ay kabado na ‘ko sa tono niya.
“Hindi, ‘no! Makulit lang talaga ‘yon. Alam mo bang dapat same year niyo na siya? Kaso bulakbol, kaya hanggang ngayon may minor subjects sa lower year.”
Kinuha ko ang cellphone ko sa patungan, at sinimulan ko nang tanggalin ‘yung plain cloth na ginamit ko pang-background.
“Ayoko ng mga biro niya sa ‘yo, Love. Baka kapag ako nagbiro ro’n, hindi siya matawa.”
“Wag na lang natin siyang pansinin, Love. Naninibago ako sa aura mo. Feeling ko ngayon, gangster na gangster ang dating mo.”
His eyes were suddenly scary dark. Hindi ako sanay na gano’n ang mga mata niya, kaya minsan, nalilimutan kong miyembro siya ng isang gang. I've never seen him turn violent, despite the fact that I know it's half of his true personality. Pero ngayong, ang mga kamao niya, parang anytime ay handang mamisikal.
“Angas ko ba, Love?”
Ngumisi siya at naglakad palapit sa ‘kin. Daig ko pa ang nabunutan ng tinik sa dibdib pagkakita sa ngisi niyang iyon. Hambog na ulit siya.
Si Dennis kasi, siya ang tipo ng tao na sobrang gaan kasama dahil sa kayabangan niyang hindi nakakapikon. Wala ngang mag-aakala na sa amo ng mukha niya, nasasangkot siya sa iba’t ibang gulo nang dahil sa gang. Pero at the same time, nakakatakot talaga siya kapag nagiging seryoso. He’s like turning into a different person. He’s like turning into a real gangster.
“Hindi mo kinagwapo ‘yang angas mo, tigilan mo ‘yan,” natatawa kong sinabi.
Nagsimula na akong magligpit ng mga natirang products, at kumilos na rin si Dennis para tulungan ako.
“Ah baka kase dati na ‘kong gwapo, Love? Gano’n siguro talaga kapag sobrang gwapo ka na, hindi na pwedeng dagdagan kasi magiging sobra sobrang gwapo na ‘ko no’n?”
Naiiling na pinagsama-sama ko ang mga nabakanteng kahon.
“Ewan ko sa ‘yo.” Itinabi ko ang mga ito. “Ihiwalay mo na lang muna ‘yang mga benta. Magluluto na ‘ko ng dinner at dito ka na kumain.”
His stares suddenly bacame playful.
“Are you asking me for a dinner date?”
“Dinner lang. Walang date.”
Bigo siyang tumingin sa ‘kin at tumatawa akong naglakad na papuntang kusina. Mga three steps lang naman nasa kusina na ‘ko. Oo nga pala’t kailangan kong lagyan ng linoleum ang banggerahan ko.
After namin kumain, pinauwi ko na si Dennis para makapagpahinga na siya. Kung hindi ko kasi siya pauuwiin, hindi siya magkukusang umuwi. Ang akala nga ng landlady ko noong una, dalawa kaming umuupa rito sa bahay. Paano ba naman? Bago matulog ang landlady ko nakikita na nito si Dennis, tapos paggising, nandito na ulit siya!
“Hindi kasya....” stressed na pagkausap ko sa sarili. Dadalhin ko kasi ‘yung mga na-mine ng. mga kaklase ko kagabi. Kaso hindi kasya sa dalawang eco bag ko.
“Love!! Nandito na ‘ko!!”
Kunot noo akong napalingon sa pintuan. Pagbukas nito ay iniluwa ang naka-sunglasses na si Dennis. Pagtingin ko sa nakasabit na orasan sa dingding, 5AM pa lang, wala pang araw.