Chapter 10

540 31 4
                                    

[Roxanne]

“Sorry, Love. Hindi ko lang talaga matiis na panoorin kang nahihirapan, lalo’t kaya ko namang tulungan ka. Promise, hindi na mauulit. Magpapaalam na ‘ko sa susunod.”

Pinagkrus ko ang mga braso ko, habang nakayuko pa rin siya. Nakaupo siya sa mahabang upuan sa aking sala at ako naman ay nakatayo. Kinumpronta ko kasi siya pagkatapos naming mag-breakfast. Sabado ngayon kaya maaga siya sa apartment ko. Kapag weekend kasi, dito siya madalas kung wala rin naman siyang lakad.

“Ilang beses mo ng sinabi ‘yan, Dennis. Nakikita mo ba ‘yang TV? Eh ‘yang electric fan? At saka ‘yang microwave oven. Pinigilan kitang ipamili ako ng mga gamit, pero anong ginawa mo? Idinaan mo sa paisa isa hanggang sa ayan, kumpleto na.”

“Wala pa namang sofa at couch.”

“At may balak ka pa?!”

“Wala akong sinasabi!” Napatayo siya at lumapit sa ‘kin. “Ako rin lang naman ang gumagamit ng mga ‘yan kapag nandito ako. Isipin mo na lang na pinapakilagay ko lang sila rito tapos pwedeng mong hiramin kapag umaalis na ‘ko gano’n.”

“At talagang umisip ka pa ng magandang idadahilan?”

“Hindi sa gano’n, Love.” Nakanguso siyang yumakap sa gilid ko. “Ayoko lang na sayangin natin ‘yung araw na ‘to sa pag-aaway dahil lang sa mga ‘yan. It’s Saturday. Quality time natin ‘to.”

Napabuntonghininga ako dahil tama naman siya. So, for the last time, inulit ko na lang sa kanya ‘yung paalala ko para hindi na talaga niya gawin pa sa susunod. Sinubukan kong bayaran na lang sa kanya ‘yung binayad niya sa upa, but guess what he did? Idagdag ko na lang daw sa investment niya. Naku talaga!

“Saan mo gusto pumunta after?” tanong niya habang nagkakabit ako ng seatbelt.

Manonood kami ng sine ngayon dahil showing ‘yung inaabangan niyang action movie. Kaso wala akong maisip na sunod naming pupuntahan pagkatapos nito.

“Uwi na lang siguro tayo after?”

“Wag... sayang naman ‘yung date natin.”

Niliitan niya ang mga matang singkit at tumingin sa kawalan. Tumahimik siya ng mga sampung segundo at mukha talaga siyang nag-iisip para lang hindi kami umuwi agad.

“Alam ko na!” Nagliwanag ang mga mata niya. “Punta tayo sa zoo! Sabi mo dati gusto mong pumunta ro’n, ‘di ba?”

“Talaga?!” Hindi ko naitago ang excitement ko sa sinabi niya.

Totoo kasi na gusto kong pumunta sa zoo. Alam kong mababaw para sa iba, pero isa ito sa mga pangarap kong puntahan mula pa noong bata ako. Hindi kasi namin afford at ang pamamasyal doon ay para lang sa mga may kaya.

Kaagad na bumili si Dennis ng ticket online at kahit nasa sinehan pa kami, hindi na ‘ko mapakali sa kinauupuan ko. Nag-enjoy kami pareho ni Dennis sa pinanood namin, pero nang matapos na, mabilis akong tumayo at hinatak na siya palabas.

“Di ka naman masyadong excited, Love?” asar niya sa ‘kin habang hinahatak siya. Binagalan ko tuloy ng kaunti.

“Hindi naman.”

“Kain muna tayo para tuloy tuloy ang bonding natin later sa mga kaibigan ko.” Inakbayan niya ‘ko at saktong nakaramdam na rin ako ng gutom. “Saan mo gusto kumain?”

“Ako magbabayad ng lunch natin,” sabi ko.

Napatigil siya kaya pati ako, napatigil sa paglalakad.

“Bakit? Ayoko, hindi pwede. Basta kapag kasama mo ‘ko, ako lahat gagastos. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-exist.”

BGS #4: Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon