[Roxanne]
"Aray ko!"
Napaupo ako sa semento. Bigla na lang kasing may lalakeng tumilapon sa harapan ko. Naku 'yung mga gamit ko!
Nag-aalalang sinuyod ko ng tingin ang mga ito na nagkalat sa lapag at inisa-isa kong pulutin.
"Ayos ka lang, Miss?"
Tinignan ko ito saglit.
"Ayos lang," sagot ko. "Pero sa susunod mag-ingat ka naman."
Nagmamadali kong pinulot ang mga gamit ko at tinulungan naman ako nito. Katatapos ko lang magpa-enrol at kasalukuyan pa lang ang pagdami ng mga estudyante. Maaga kasi akong naihatid ni Dennis kaya maaga rin akong natapos.
"I'm really sorry, Miss, hindi ko sinasadya." Inabot nito sa 'kin ang mga gamit ko at tumayo na rin ako nang mapulot na namin lahat. "Hindi ka ba nasaktan?"
Umiling ako at kinuha ang mga gamit ko sa kanya. Kinailangan ko pa siyang tingalain dahil sobrang tangkad niya. Siguro ay magkasing-height sila ni Dennis. May nakasukbit itong backpack sa isang balikat at napansin ko rin na sobrang gulo ng buhok nito.
"Uso naman kasi ang magdahan-dahan, Kuya. Para kang bola na bigla na lang tumalbog sa harapan ko."
Hindi ko intensyon na magalit dahil alam kong aksidente kaya dinaan ko na lang sa biro. Mahinang napatawa siya.
"Sorry hindi ko talaga sadya," nakangising anito. Di ko tuloy alam kung sincere siya. "4th year?"
"Freshman."
"Oh. I thought we're on the same age."
Nag-sorry ulit ito at sinabing babawi na lang daw next time. Hindi ko naman gets kung anong ibig niyang sabihin dahil nagmamadaling tumakbo na siya paalis. Pagtingin ko sa paligid ay napansin kong nakatingin ang lahat sa direksyon ko. Bakit nila 'ko tinitignan? May mali ba sa suot ko? Napayuko ako sa damit ko at mukhang okay naman kahit hindi katulad ang style sa mga porma nila. Hindi ko na lang sila pinansin dahil tumawag na si Dennis at nasa labas na raw siya. Excited akong lumabas at ipinakita sa kanya ang certificate of enrollment ko.
"Wow! Napakagaling naman talaga!" malakas na bulalas niya at kinuha ang COE ko sa 'kin. Itinaas niya ito at hiyang-hiya ko naman itong pilit binabawi.
"Akin na nga 'yan. Nakakahiya para namang napakalaking bagay niyan."
Inabot ko kaso ayaw niyang ibigay.
"Anong hindi? Eh officially enrolled ka na sa pang-matalinong university as a scholar! At dahil d'yan, let me give you a reward."
"Tumigil ka nga," natatawang saway ko at mabilis na hinablot ang COE ko sa kanya. "Para nakapag-enrol lang ako may reward na?"
"Oo naman. Ganyan ako ka-proud sa 'yo."
Malokong nginitian niya 'ko bago siya may kinuha sa may backseat. Hindi ko agad 'yon napansin dahil focus ako sa excitement ko kanina.
"Bulaklak para sa pinakamagandang bulaklak sa paningin ko."
Buti na lang ay hindi ko pa naiinom 'yung dala niyang drinks dahil baka naibuga ko rin 'yon sa kanya. Pakiramdam ko nag-stop sa pagtibok saglit ang puso ko habang nakatitig ako sa mga bulaklak na hawak niya. Napakaganda nila. Para sa 'kin talaga sila?
Huminahon ka, Roxanne, pakiusap.
"Bakit ba ang hilig mo 'kong bigyan ng bulaklak?" kunwari'y reklamo ko kahit sa loob ko ay parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa!
Hindi ako sana'y sa ganito. Lumaki ako sa pinaka-simpleng klase ng pamumuhay at kailanman ay hindi ko naranasan lahat ng pinaparanas sa 'kin ngayon ni Dennis. Bago sa 'kin lahat ng 'to. Masaya ako pero at the same time...natatakot ako sa mga nangyayari. Nakikita ko lalo kung gaano kalayo ang agwat naming dalawa. sa isa't isa.
