Chapter 12

694 25 2
                                        

BGS4: Stuck On You - Chapter 12
#SOYKofi

[Roxanne]

“Grabe hindi ako makapaniwala sa kinita natin kahapon! Nakita niyo ba ‘yung mukha nung katapat nating booth? Kulang na lang matunaw ako sa sama ng tingin nila habang pinagkakaguluhan tayo!” Pumapalakpak at tumatawa si Rica habang nagkukwento.

“Hayaan mo lang silang tumingin. Hindi naman nila mapipigilan ang mga customer na bumili sa atin kahit ano pang sama ng tingin nila,” sagot ko lang habang naglalakad kami.

Papasok na kami ngayon at sabay kami ni Rica dahil sa apartment ko siya nagpalipas ng gabi. Kinailangan kasi namin gumawa ulit ng mga paninda dahil naubos ‘yung kahapon. Kumpleto kami kagabi sa apartment, pero umuwi rin sina Trey, Lovely, at Rowena kahit late na. Itong si Rica ay sinapian ng katamaran kaya nakitulog na lang.

“Oo naman lalo’t kung pupunta ulit ang Dennis mo; ang ating lucky charm.”

“Rica,” may pagbabanta kong tawag.

“Bakit? Totoo namang lucky charm natin siya. Malamang kung for sale din ‘yon kahapon, unang una siyang na-sold!”

“Ikaw talaga kung ano ano ang pinagsasabi mo.” Natatawa na naiiling ako. Nasa loob na kami ng campus at panay pa rin siya sa kasasalita tungkol kay Dennis.

“Siya naman kasi talaga ang pakay ng mga mahaharot nating customer kahapon! Tapos dagdag pa ‘yung mga die-hard fans ni Trey.”

“Grabe ang sikat pala talaga rito ni Trey, ‘no?” pag-iiba ko sa usapan.

“Hay naku oo. At dahil nakailang ulit na siya ng mga minor subjects niya, dumarami nang dumarami ang mga freshman na nagkakagusto sa kanya. Yung iba nga graduating na, tapos siya, irregular student pa rin.”

“Sa tingin ko inaayos naman na niya ang pag-aaral niya ngayon. Pansin ko ang galing niya sa mga klase natin. Dinadaan lang talaga niya sa kalokohan, pero tingin ko ay nagseseryoso na siya this time.”

“Hay sana nga!”

Speaking of Trey, dinatnan namin siya sa booth na nag-aayos na roon. Nagkakabit siya ng mga panabing na tela dahil kahapon ay medyo mainit sa bahaging likod ng tent pagsapit ng tanghali.

“Good morning, Trey,” bati ko at inilapag ang bag ko katabi ng kanila.

“Morning. May pagkain d’yan kung ‘di pa kayo nag-aalmusal,” anito habang patuloy pa rin sa pag-aayos. Pare-pareho kaming naka-org shirt ng college namin maliban kay Trey na naka-white T-shirt. Siguro ay dahil dito sa inaayos niya at ayaw niyang pagpawisan agad ang org shirt kung isusuot na niya ito.

“Wow anong meron?!” bulalas ni Rica na kaagad binuklat ‘yung paperbag na nakapatong sa lamesa. “Taray may pa-burger! Thank you, Trey!”

“Wag mong ubusin ‘yan. Bigyan mo si Roxanne.”

“Luh s’yempre bibigyan ko siya! Ano akala mo sa ‘kin patay gutom?!”

Natatawa ko silang tinignan at lumapit ako kay Trey para tulungan siya.

“Wag na, ako na rito. Mayamaya lang marami nang tao kaya mag-almusal ka muna.”

“Sigurado ka?”

“Anong nakain mo ngayon at ang bait mo bigla?” sabat na tanong ni Rica habang ngumunguya ng burger niya.

“Pwede namang ‘wag mo kainin.”

“Ay kakainin ko at binabawi ko na ‘yung sinabi ko. Hindi ka pala mabait. Moody ka lang.” Inirapan nito si Trey at saka bumubulong bulong na nagpatuloy sa pagkain. Napaka pikon talaga ng dalawang ‘to.

BGS #4: Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon