Kabanata 7

418 27 1
                                        

[Roxanne]

"Ingat po kayo d'yan, Nay!"

Nakangiting kinawayan ko sina Inay at Itay pati na ang mga kapatid ko bago ini-end ang video call. Tinawagan ko kasi sila pagkatapos kong maipadala 'yung sobra sa kinita ko sa mga paninda ko.

"Nakaka-proud ka talaga, Love ko."

Nagulat ako sa dalawang braso na bigla na lang yumakap sa likuran ko. Natatawa kong nilingon si Dennis na nakapikit pa.

"Akala ko tulog ka?"

Nakahiga lang siya sa sahig na may sapin habang ako naman ay nakaupo sa tabi niya dahil ka-video call ko kanina ang pamilya ko gamit 'tong laptop niya. Ito lang kasi 'yung space dito sa apartment ko na pwede siyang makahiga ng maayos.

"Nakapikit lang ako, pero 'di ako tulog." Bumangon siya pero para siyang tuko na nakayakap sa 'kin. Sobrang clingy! "I am so proud of you, Love. Napakagaling mo sa lahat ng bagay. Bagay na bagay ka talaga sa 'kin."

"Compliment ba 'yan sa 'kin o sa 'yo?"

"Sa ating dalawa s'yempre." Nakangiti niyang pinatong ang baba niya sa balikat ko. Sobrang lapit tuloy ng mukha niya sa 'kin. "Excited na 'kong ipakilala ka sa pamilya ko."

Kinabahan ako bigla. Sa totoo lang kanina pa 'ko kabado dahil birthday na ng mama niya today at pupunta kami sa kanila. May dinner daw sa bahay nila kasama ang iba pa nilang kamag-anak, pero pakiramdam ko hindi na 'ko aabot hanggang mamaya. Mamamatay na 'ko sa nerbyos.

"Kinakabahan ako, Love," sabi ko at saka napahawak sa tapat ng dibdib ko. "Hindi naman nila alam itsura ko 'di ba? Eh kung magdala ka na lang kaya ng kaibigang babae tapos kunwari na lang ako 'yon?"

"Kilala ka nila at alam nila ang itsura mo. Hindi ko ba nabanggit sa 'yo na may portrait kang dinisplay ko sa living room namin? Sa sobrang laki no'n, mukhang ikaw na ang nagmamay-ari ng bahay namin."

Napalayo ako sa kanya. Hindi ko alam kung inaasar lang ako o seryoso ba, dahil ang hilig niya 'kong i-bully!

"Sabihin mo sa 'king nagbibiro ka lang, Dennis."

"Seryoso nga 'yon, Love. Heto tignan mo."

Kinuha niya ang cellphone niya at pinakita sa 'kin 'yung picture. Picture niya na naka-peace sign sa harapan ng portrait ko na dinisplay nga niya sa bahay nila. Parang bigla kong gustong lumubog sa kahihiyan. Ano na lang ang iisipin sa 'kin ng parents niya sa tuwing nakikita 'yon?!

"Bwisit ka!! Bwisit ka! Bakit mo ginawa 'yan?! Nakakahiya! Ipatanggal mo 'yan ngayon din!!"

Pinaghahampas ko siya mula balikat hanggang likod, pero tawa lang siya ng tawa. Itinaas niya ang mga braso para sanggain ang mga kamay ko.

"Ayaw mo ba n'on? Hindi pa kita pinakikilala sa kanila ng personal, kilalang-kilala ka na nila. At saka pantaboy din 'yon sa mga kaibigan ni mama na walang sawang nag-rereto ng mga anak nila sa 'kin kada pupunta sila sa bahay. At least kapag nakita nila 'yong portrait mo malalaman agad nilang sold out na 'ko!!"

"Nakakainis kaaa!!"

"Nakaka-inlove kaaa!" pamimilosopo niyang sagot at humahalakhak na hinuli ang mga kamay ko.

"Ipatanggal mo nga kasi 'yon!!"

"Ayoko nga kase. Hahahahaha!"

Pagod na pagod ako sa paghampas sa kanya dahil napakatigas ng ulo niya—literal! Buti na lang sa huli pumayag din siyang alisin 'yon, pero may kondisyon pa ang bruho! Ilalagay niya raw sa kwarto niya 'yung malaki at magpapagawa siya ng maliit na ididisplay pa rin niya sa living room nila!

BGS #4: Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon