Bianca's POV
Mukhang hindi inaasahan ni Gian na maaga akong papasok kaya inuhan ko na siya. Ayoko siyang makita. Para lang akong tangang nag-aabang ng susi dito. Nakaupo lang ako ng padekwatro sa sahig habang nakasandal ang ulo ko sa pader.
"Oyy! Ang aga mo ah," sabi ng kadadating lang na si Chaira.
Siguro naging maaga din siya dahil ayaw niyang magkita sila ni Gian. Mukhang nagtataka nga siya na hindi kami magkasama. Kapag kasi nag iintay ako dito ng susi, sinasamahan niya pa rin ako.
Pero siguro iniisip niya ngayon na iniiwasan na rin siya ni Gian. Hindi ko naman narinig ng full ang usapan nila. Baka may mga rule-rule na sila.
"Para naman lagi akong nalelate ah. Fyi, never akong nalate noh," pagmamayabang ko. Never naman talaga akong nalelate. Syempre, nakakahiya naman sa nag-aabang sa akin.
Actually, ayaw ko siyang kausapin. Gusto ko siyang iwasan. Hindi ko alam kung bakit pero kapag nakikita ko ang mukha niya, may iba akong nararamdaman. Parang naninikip ang dibdib ko.
Pero ayaw ko naman siyang iwasan. Lagi-lagi kaming magkasama. Siya ang pinakaclose kong tao bukod sa mga magulang ko. Ayaw ko rin siyang magtaka. Ayaw kong isipin niya na may nagawa siyang mali. Ang unfair naman kung iiwan ko siyang nakatunganga sa ere habang iniisip ang mali niya. Mas mabuti na lang na kimkimin ko 'to.
"Wow ha! Edi ikaw na ang never nalate," biro niya.
Halatang may iniisip siya pero tinatry niyang hindi ipahalata. Kaibigan ko siya kaya alam ko na ang mga reaksyon na ibinibigay niya. Alam kong nahihirapan din siya. Katulad ko, ayaw niya ring mabuwag ang pagkakaibigan namin. Never naman kasi naming inaasahang mangyayari ang bagay na 'to.
"Baka kasi puro ka chat kay Jeff kaya ka nalelate," biro ko na parang hindi ko napapansin ang medyo pagiging awkward niya.
Ngumiti naman siya pero alam kong pilit lang 'yun. Hindi niya na rin mapakita 'yung kilig niya na dapat nararamdaman niya ngayon. Imbes na ganun, napapaoverthink lang siya sa mga nangyayari.
Mag-uuwian na. Hindi kami nagkita ni Gian nung nagbreaktime. Hindi ko alam kung umiiwas na rin siya o baka katulad ng dati, may tinapos na naman siyang activity. Hindi ko na siya chineck sa classroom dahil ayaw ko nga siyang makita.
May mga sundo ang mga kaibigan ko kaya mag-isa akong nag-iintay sa paradahan ng tricycle. Nagulat naman ako nang biglang may tumabi sa tabi ko.
"Ikaw ha, nagtatampo ako sa'yo. Bakit hindi mo ko inintay? Dalawang beses na 'to sa isang araw ha. Lagi na lang kitang hindi maintindihan kapag iniiwasan mo ko," sabi niya.
Hindi ko siya pinansin. Bakit nandito pa siya? Bakit kailangang lagi kaming magkasabay? Ano bang nasa isip niya? Pinagtitripan niya ba ko? Gusto niya ba kong maging tanga?
"Akin na bag mo, wala naman ako masyadong dala ngayon," sabi niya sabay akmang kukuhanin 'yung bag ko pero nakipagmatigasan akong hindi ipakuha 'to sa kanya.
"Ano ba!?" inis na sabi ko. Mukhang nagulat naman siya sa inasta ko.
Hindi ko na mapigilan ang galit ko sa kanya. Naiinis na ako kapag pinapakakealaman niya ko na parang akala mo may care siya sa akin. Naiinis ako na nakakaramdam pa ko ng kakaiba sa tyan ko habang ginagawa niya sa akin 'yun dati.
"Oh! Init na init na ata. Tanghali na eh! Sakay na kayo ate at kuya, total alam ko na bahay niyo," sabi ni manong driver na halos palagi naming nasasakyan.
Sumakay na ako dahil gusto ko na rin namang umalis. Sumunod na rin naman 'yung isa. Tahimik lang kaming magkatabi habang bumabyahe.
Nang makababa na kami, bigla niyang hinawakan ang kamay ko bago pa ako makapasok sa bahay namin.
"Sige, aalis na ako para makapag-usap na kayo," sabi ni manong driver sabay alis na nga.
Inabangan ko naman na makalayo na 'yung driver sabay harap kay Gian. Ano bang gusto niyang sabihin? Wala naman siyang kailangang ipaliwanag.
"May nagawa ba akong masama?"
Naiinis ako! Bakit kung kausapin niya ako kailangang nasa pasweet tone pa? Hindi ko alam kung napapacute siya pero nakakabwesit 'yung ginagawa niya. Parang pabebeng ewan!
Ginulo niya naman ang buhok ko.
"Sorry na. Yieee! Ngingiti na 'yan," sabi niya habang pinipisil ang pisnge ko.
Bakit niya ba ginagawa sa akin 'to? Hindi ko maintindihan kung bakit tinatrato niya akong ganito. T*ngina para akong tangang binibaby niya.
Inis ko namang tinanggal ang mga kamay niya sabay sabing, "Gian, hindi ako bata okay."
Nagulat naman siya pero unti-unti niyang pinoreso ang sitwasyon.
"T*ngina para kang bata, ang oa mo!" inis kong sabi.
Alam kong masakit na salita na ang nilabas ko pero hindi ko makontrol ang emosyon ko. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit ko 'to nararamdaman nung una eh.
Pero ngayon alam ko na kung bakit.
Hindi kasi ako makapaniwala na hindi niya ako gusto. Pero hindi naman talaga dapat big deal 'yun. Pero nung simula na nakikita ko na 'yung pagtrato niya sa akin, para may special part na 'yun sa puso ko. Parang gusto niya nang icherish 'yun.
Kaya siguro ganun na lang ang pagmamayabang kong may gusto siya sa akin. 'Yun ang sagot para hindi ko maamin na nagugustuhan ko 'yung idea na gusto niya ako.
Huminga ako nang malalim. Gusto ko rin namang kausapin siya nang matino dahil marami akong tanong. Ang hirap lang talaga kontrolin nung damdamin ko.
"Bakit mo ba ko tinatrato ng ganito? Para ano? Sabihin ng mga magulang ko na mabuting ihemplo ka sa akin? Bakit? Kasi wala akong matinong nagagawa sa buhay ko?"
Baka ganun talaga ang turing niya sa akin. Gusto niyang magbida-bida na magbabago sa buhay ko para purihin siya ng mga tao.
"Sorry kung nararamdaman mo 'yan pero hindi ganun ang rason kung bakit nagiging ganito ako sa'yo."
"Eh ano!?"
Sabihin mo na para matapos na 'yung pag-aassume ko.
"Natatandaan mo na lagi kayong pinagcocompare ni Gail?" Si Gail 'yung namatay niyang kapatid nung nasa elementary pa kami. "Simula nung namatay siya, lagi ko na siyang nakikita siya sa'yo."
Parang natauhan naman ako sa sinabi niya. Napaliwanag nun lahat ng pagtataka ko kahit hindi pa tapos. Kilala kasi si Gian na alagang-alaga sa kapatid niya. So sa akin na pala napunta lahat ng 'yun.
"Alam mo bang magdadalaga na ako?" sabi ko. "Ang weird lang na makita na magkasama tayo tapos puro ganyan ang mga galawan mo."
"Wala naman akong pake sa iniisip ng iba kasi parang halos magkapatid lang naman turing natin sa isa't isa."
Magkapatid? Akala ko mapifriendzone lang ako pero kinapatid pa pala ako ng g*gong 'to.
"'Wag mo naman puro isipin ang sarili mo. Ang selfish mo! May pake ako noh."
Putik! Gusto ko nang tapusin 'to. Ayokong iyakan ang bwesit na 'to
"Goal kong magkaboyfriend. Paano ko magagawa 'yun kung puro ikaw ang kasama ko at lapit ka nang lapit?" pagsisinunghaling ko.
Hindi ko alam ang ipapalusot ko basta ang gusto ko lang ay iwasan niya na ako. Kapag sinabi kong ayoko nang makita ang pagmumukha niya, pangforever na 'yun.
"Gian, highschool na tayo. Maghanap ka na rin ng sariling tropa o grupo mo. Nakakasawa na rin 'yung dikit ka nang dikit sa akin. Nakakairita na kaya! Gusto ko na rin ng may sariling mundo, okay?"
Sinabi ko na lahat ng words na dahilan para umiwas na siya sa akin.
BINABASA MO ANG
I've loved you since we were in high school
Genç KurguSubaybayan natin ang buhay ni Bianca mula nung makatapak siya sa highschool hanggang sa matapos ang pagyapak niya dito. Ang istorya na ito ay kung paano nagustuhan ni Bianca ang mga lalaking dumating sa buhay niya at kung sino sa mga lalaking ito an...