Dhana's POV
"So, Dhana. What do you do for a living? Do you run your father's company?" tanong ni tita habang nags-sunbathing kasama si mommy.
Pagkatapos ng dinner namin kagabi ay napag-isipan nila na mag out-of-town para makapagbonding daw kaming lahat.
I had to leave work for five days because of this vacation.
Mabuti na lang ay pinayagan ako ng boss ko kahit medyo hectic ngayon sa kompanya.
"No po. Sa ibang kompanya po ako nagt-trabaho as a secretary po," magalang ko sagot habang patingin-tingin sa phone ko.
Wala kasing internet connection o service man lang. Saang lupalop ba kasi ng Pilipinas kami naroroon?!
"Oh, why?" tanong niya at tinignan si mommy.
"Ayaw niya. Anak daw kasi siya ng may-ari." Natatawang sagot ni mommy.
True.
"Eh 'yung mga anak niyo? Anong trabaho?" tanong ni mommy at bumalik mula sa pagkakahiga.
"Si Glenn, nagtayo ng sariling negosyo. Si Akiro naman, doktor at nagpagawa na ng sarili niyang ospital habang si Jerome, architect at may sarili na ring kompanya."
"Edi wala palang nagmana ng mga negosyo niyo?" tanong ni mommy at umiling naman si tita.
"Iba-iba ang ginusto ng mga anak namin eh kaya naisip ni Raphael na ibigay na lang ang mga kompanya sa mga future apo namin. At least, hindi sayang ang pinaghirapan naming mag-asawa," kwento niya pa at naupo na sa pwesto niya. "'Yon nga lang ay kung magkakaroon kami." Tumatawa niyang saad.
"Bakit po?" hindi ko mapigilang tanong.
Chismosa ako eh, ba't ba?
"Nako, hija. Workaholic ang mga 'yon. Tignan niyo ngayon, nandun sa mga kwarto nila para asikasuhin 'yung mga naiwan nilang trabaho," oo nga 'no.
Kaya pala wala ang mga ugok--- este mga pinsan ko dito.
Actually, sa kanilang tatlo, si Glenn pa lang ang nakakasundo ko.
"Teka, maiba ako. Ikaw ba, hija? May boyfriend ka na ba?" pag-iiba ni tita ng usapan. Wow ha, ako pa ang nakita!
"Wala po, tita."
"Kahit ka-fling?" what?!
"Uh, I guess?" 'di ko siguradong sagot. "There's this girl I'm into---"
"Wait, what? Girl?" singit niya at papalit-palit ang tingin sa amin ni mommy.
"Dhana's not really into boys, Kisha," sagot ni mommy.
"Yes I am, mom. I'm into both genders. Depende kung sino ang magugustuhan ko," depensa ko.
"Bisexual?" tanong ni tita.
Thank goodness she knows that word!
"Yes, tita. And I am currently into a girl right now," pero mukhang magbabago 'yon.
I know it sounds wrong but I think I have a crush on my freaking cousin!
"Have you ever been attracted to a boy?" she asked.
"Yeah, kay Jerome---" Napalingon ako sa kanilang dalawa na ngayon ang nakatingin sa akin.
"Kanino?" tanong ni mommy.
"Kay Jerome? My son?" tanong naman ni tita.
Uh oh...
"No, tita! Dati 'yon. Nung nasa high school kasi ako, may kaklase akong Jerome din ang pangalan at 'yon," pag-iimbento ko.

BINABASA MO ANG
Secret Love Affair✓
General FictionCOMPLETED STORY Love has no boundaries. We can love anyone without someone stopping us. Nothing is wrong with falling in love. It's not a sin and it's not against the rule but for Dhana, it's a sin and it's against the rule because the man she loves...