Chapter 1

2.5K 38 1
                                    

Dhana's POV

"Mom, overtime ako ngayon. Hindi ako makakahabol sa family dinner mamaya."

"What?! Diba ang sabi ko sayo ay magpaalam ka!" halos mabasag ang pandinig ko sa lakas ng boses ni mommy.

Kahit kailan talaga, bungangera si mother dear...

"Mommy, ngayon lang ako mags-skip ng family dinner! Hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan?" tanong ko. Hula ko, nakabusangot na siya at nakataas na ang kilay.

I can imagine it.

"But, Dhana. Sila Tita Kisha mo ang kasama mamaya," tita who?

"Tita Kisha?"

"See? You don't even know her."

"Mom, just explain it to me. Who is she?" nakakunot ang aking noo habang nagtatanong.

"She's my sister," panimula niya. "Sa States sila nakatira at ngayon lang sila uuwi ng Pinas kasama ang mga pinsan mo."

"Mom, you have a sister?!" gulat kong tanong. "I thought, si Tito Allen lang ang kapatid mo."

"Long story, anak. Basta, umattend ka mamaya. I'll just explain it later."

"Pero---"

"Tss. Just come home, Dhana. She's excited to see you. They're excited to see you," why do I have so many relatives that I don't personally know?!

"But mom---" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay binabaan na niya ako ng tawag.

Well, I guess that's a no for what I was suppose to say.

Damn, mom...

Napatingin naman ako sa tumunog na landline na konektado sa opisina ng boss ko.

"Yes, ma'am?" tanong ko nang sagutin ko ang tawag.

"Please come in my office."

"Yes, ma'am."

Pagbaba ko ng tawag ay tinabi ko muna ang cellphone ko sa bag ko tsaka mabilis na tinungo ang opisina niya.

"Come in," rinig kong sabi niya nang kumatok ako sa pinto.

"Yes po, ma'am?" tanong ko at tumayo sa tapat niya.

Abala siya sa mga papeles na pinipirmahan niya at isabay mo pa 'yung ginagawa niya sa kanyang laptop.

"Nevermind your overtime later. May emergency kasi ako mamaya kaya bukas ka na lang mag-overtime," giit niya habang papalit-palit ang tingin sa akin at sa laptop niya.

Oh, pwedeng overtime pa rin ako ngayon? Ayoko kasing pumunta sa family dinner na 'yan, tsk!

Alam kasi ng pamilya ko na karaniwang nagugustuhan ko ay mga babae. Masyado silang dramatic pagdating dun at pinipilit ako na makipagdate sa mga lalaki.

Hindi rin naman big deal sa akin 'yon kaso 'yung mga nirereto nila ang may problema. Basta, ayoko!

"Dhana?" muli akong napatingin kay ma'am na ngayon ay nakatingin sa akin at tinigil ang ginagawa.

"Are you okay?"

"Y-yes, ma'am. 'Yon lang po ba?" tanong ko.

"Yes, you may go." Tumango ako at lumabas na ng opisina niya.

Great, looks like I'm attending my family dinner.

...

"Finally! You came---" natigil si mommy sa sinasabi niya at sinuri ang buong katawan ko.

"Really, Dhana? A hoodie and some jogging pants on a family dinner?!" giit niya at palihim naman akong natawa.

"It's just a family dinner, mom. Anong pinagkaiba nito sa ginagawa nating dinner sa bahay? Buti nga hindi ako nakapambahay eh," pilosopo kong sabi kaya naman nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran ko.

Secret Love Affair✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon