Chapter 3

935 25 0
                                    

Dhana's POV

It's finally night time.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa buhangin habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin at pinapakinggan ang paghampas ng mga alon.

Medyo nakakatakot na ang paligid dahil medyo madilim pero mabuti na lang ay may ilang mga ilaw na nakakalat sa paligid kaya kahit papaano ay hindi ganun kadilim sa pwesto ko.

Walang kaulap-ulap ang kalangitan kaya naman kitang-kita ang mga kumikinang na mga bituin at ang bilog na bilog na buwan.

I hugged my knees so tight when I felt a cold wind brushed through my skin.

Gosh, it's quite cold.

Gustong-gusto ko na bumalik sa kwarto ko dahil medyo malamig na dito pero tila ayaw pa ng katawan ko na umalis at gustong manatili dito para pagmasdan ang tanawin.

When another cold wind touches my skin, I shivered a bit, but then I felt a warm cloth being put on me. I turned around to see who's behind me and saw him standing there.

"Are you an idiot or something? Nilalamig ka na't lahat-lahat, hindi ka pa rin tumatayo diyan?" nakakunot ang kanyang noo habang seryosong nakatingin sa akin.

Only then did I realized that it was his jacket which is laying on my back.

"Uh, I'm not that cold," I lied and I'm sure he didn't believe that.

Naupo siya sa tabi ko at walang sinabing inangat ang braso ko kaya nakita ang nagtataasan kong mga balahibo.

"Iyan ba ang hindi nilalamig?" seryoso niyang tanong.

"Okay, fine!" pagsuko ko at binawi na sa kanya ang kamay ko. "Jeez, do you always have to prove you're right?" I asked.

"Yes. 'Cause I hate if I'm wrong," sagot niya at tumingin na rin sa tanawin.

"Ayaw mong nagkakamali ka?"

"Ayaw ko nang may mali sa paligid ko. That includes myself. Ayokong nagkakamali ako, ayokong may mali akong ginagawa. Ayoko ng mali," he looked straight into my eyes as if he was about to kill me with those stares.

I gulped.

"U-uh, w-why are you still up?" I tried to change the subject.

"I can't sleep. Nung tumambay ako sa balcony ng kwarto ko, I saw a little idiot who's trying to freeze herself to death," paliwanag niya habang nakatingin na sa dalampasigan.

"No, I'm not!" pagtanggi ko pero tinignan niya lang ako.

Ano ba! Nakakatakot 'yung tingin niya! 'Yung para bang ilang saglit lang ay malulusaw na ako na parang kandila dahil sa mga titig niya.

"What about you? What are you doing here?" paglipat niya ng tanong sa akin.

"Night routine ko na ito, I usually spend my time with the sky at night until I fall asleep," sagot ko at wala siyang ibang sagot kundi tango lamang.

We just sat there for a few minutes, silence is filling the whole atmosphere, nothing is being heard besides the waves and some birds flying around.

"I'm going back to my room," basag niya sa katahimikan at tumayo.

"Sama ako," tila natigilan naman kaming dalawa dahil sa nasabi ko.

"What?" naguguluhan niyang tanong.

"I-I mean, sasama na'ko sayo papasok sa loob. Nilalamig na rin ako eh," pagtatama ko at tuluyang tumayo.

"Buti nilinaw mo," giit niya at nauna nang maglakad.

Secret Love Affair✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon