Dhana's POV
Day three and I still have a fever. Ever since I got sick, he was the one who had been taking care of me.
Kahit laging siyang masungit, natutuwa ako sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin.
"I'm bringing you to the hospital," sambit niya habang sinusubuan ako ng pagkain.
Yes, he's helping me eat my food.
May katangahan kasi akong nagawa kahapon kaya hindi ako masyadong makagalaw.
Nahulog ako sa hagdan at ngayon, masakit ang buo kong katawan.
Si Kuya Jerome naman ay halos sumabog na sa galit nang malaman ang nangyari sa akin. Mahigit isang oras yata ako nitong sinumbatan at pinagalitan eh.
"You don't have to---"
"One more word and you're dead," banta niya na ikinalaki naman ng mga mata ko.
Ito naman, 'di mabiro. Sabi ko nga, mananahimik na.
Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko at nang matapos na ako ay inalalayan ako ni kuya papunta sa kwarto ko para makapagpalit ako ng damit.
Seryoso talaga siya na dadalhin niya ako sa ospital...
Nang iwan na niya ako sa kwarto ay nagsimula na akong maghanap ng pwedeng masuot hanggang sa naisipan kong mag-hoodie na lang at leggings.
Nang makabalik ako sa sala ay naabutan ko siyang nakaupo dun sa sofa habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.
"Tara na," pag-aaya ko.
Tumango naman siya at nauna nang lumabas ng bahay habang ako ay nakasunod sa kanya.
Nilock ko muna ang pinto ng bahay bago dumeretso sa kotse niya.
He still wouldn't let me seat at the back.
Nang makapasok na rin siya sa loob ng kotse ay tahimik lang kaming dalawa habang siya naman ay nagmamaneho na papunta sa ospital.
I really don't need to be hospitalized, to be honest.
Ilang beses na rin naman akong nahuhulog sa hagdan at hindi naman malala ang natatamo ko. Kahit ngayon, hindi naman malala 'yung nangyari sa akin.
Pero itong ugok na katabi ko, ayaw magpaawat.
The way he takes care of me, makes me fall harder. This is all his fault!
Finally, we arrived at the hospital.
Inalalayan niya akong makalabas ng kotse hanggang sa pagpasok sa ospital.
"I already booked you an appointment dun sa kakilala kong doktor, she will take care of you," she?
I just nodded as a response and followed him to the doctor's office.
He knocked a few times before opening the door.
"Hi, Jerome! It's nice to see you again!" Nakangiting bati nung doktor sa kanya at nakipagbeso pa ito.
"Hey, Serene. This is Dhana, siya 'yung magpapacheck-up sayo," pakilala nito sa akin.
"Hi, Dhana!" bati niya at nakipagkamay sa akin.
I shook her hands and just smiled at her.
"So, what seems to be the problem?"
"She has a fever that started a few days ago and it isn't going down then yesterday, she fell down the stairs. I just want to check if she has a sprain," paliwanag ni kuya at tumango-tango naman 'yung doktor.
"Okay, sumama ka muna sa'kin, Dhana," aya niya at inalalayan ako papunta sa kabilang side ng kwarto.
Pinaupo niya ako dun sa may higaan at chineck ang body temperature ko.
"Medyo maiinit ka nga, kailan ito nagsimula?" tanong niya.
"Nung lunes po, dok. Naulanan po kasi ako," sagot ko at tumango naman siya.
"Reresatahan na lang kita ng gamot sa lagnat at inumin mo 'yon pagkatapos mong kumain," utos niya habang may sinusulat sa papel. "Now, let's see kung may pilay ka."
She atarted doing physical exam on me and through out the whole process, I didn't feel any pain.
"Mukhang hindi naman malala ang nangyari sayo. Ilang palapag ba 'yon pababa nung nahulog ka?"
"Mga lima na lang yata 'yon, dok. I swear, okay lang ako, dok. Masyadong OA lang talaga 'yung kasama ko," giit ko at binulong 'yung huli kong sinabi.
"Yeah, I can see that," she chuckled. "Well, you seemed fine. No bruises, no sprains, 'yung lagnat mo hindi naman ganun kataas. You're good to go," mungkahi niya na ikinatango ko naman at tumayo na mula sa kinauupuan ko.
Hinawi niya ulit paalis 'yung kurtina na nagsisilbing harang sa amin at bumungad sa amin si kuya na nakaupo lang dun sa mini sofa habang nagbabasa ng magazine yata.
"She's fine, Jerome. Wala naman akong nakitang pilay or mga pasa tapos 'yung lagnat niya, hindi naman ganun kataas at kaya 'yon ng gamot," paliwanag ni dok at tumango naman siya.
"Thank you for the assistance, Serene," sabi naman ni kuya at tumayo mula sa kinauupuan niya.
"No problem. Stay in love, you two," gusto kong matawa sa huli niyang sinabi samantalang si Kuya Jerome naman ay seryoso lang na nakatingin sa kanya.
"We're cousins, dummy," pagtatama nito sa kanya.
"Oh," she laughed awkwardly. "Well, how am I supposed to know that? You two act like a couple," she explained and he just scoffed.
Well, that was awkward...
...
It's been a week ever since the doctor's visit and finally, I'm okay now.
Bumaba na 'yung lagnat ko at hindi na rin masakit 'yung katawan ko kaya naman ay naghahanda na ako para pumasok dahil malamang ay marami akong kailangang gawin na trabaho.
Nang makarating ako dun ay naabutan kong kausap ni ma'am si Kuya Jerome.
Actually, pagpasok ko ng kompanya ay naabutan ko silang nag-uusap habang patungo sa elevator.
They didn't even noticed my presence and just continued chatting while walking.
"Thank you so much for taking care of my employee, sir," masayang sabi ng boss ko kay kuya.
"It's not a problem, ma'am. She's my cousin anyway and no one is there to take care of her," paliwanag naman ni kuya habang diretso ang tingin.
Literal na hindi talaga nila ako napapansin...
"You know, Dhana is lucky to have a cousin like you. Ngayon ko lang siya nakitang malapit sa relative niya eh," giit ni ma'am at palihim akong napatango nang mapagtanto kong tama nga siya. "Dhana is someone, you know, not too close to her family. But you, iba 'yung closeness niyong dalawa eh," dagdag niya pa.
Ganito kasi 'yan ma'am, may gusto ako sa sarili kong kadugo, oo.
My cousin just chuckled at what my boss had said and continued walking.
Ako naman ay nag-iba na ng daan nang makapasok na sila ng elevator kasi malamang ay magiging awkward ang lahat kung magkita-kita kaming tatlo tapos pinag-uusapan pa nila ako.
To be continued

BINABASA MO ANG
Secret Love Affair✓
Ficción GeneralCOMPLETED STORY Love has no boundaries. We can love anyone without someone stopping us. Nothing is wrong with falling in love. It's not a sin and it's not against the rule but for Dhana, it's a sin and it's against the rule because the man she loves...