After learning the truth, Glenn immediately called his brother, Akiro, to tell him everything.
They also tried to contact Jerome and Dhana but couldn't get a hold of them.
"Puntahan na lang kaya natin sila? You're free for the next two weeks, right?" tanong ni Akiro at tumango naman ang kanyang kapatid bilang sagot.
"Isasama natin sila mommy?" tanong ni Glenn.
"Oo, para pagdating natin dun, malaman na agad ng dalawa. Para din matuloy na 'yung matagal nilang inaasam na kasal, kahit dito sa Pilipinas ay pwedeng ganapin 'yon," paliwanag naman ni Akiro at napalingon sa kanilang mga magulang na ngayon ay naiyak.
After they found out the truth, they cannot hold their tears as they remembers every word they had said to the couple before they left.
Regret is now eating them alive.
...
After the 15 hour trip, they finally arrived in Canada.
They didn't waste anymore time and went straight to the couple's home to meet them and tell them everything but only a nanny greeted them at the door.
"Good afternoon, sir," bati ng kasambahay nila kay Glenn at kay Akiro sapagkat kilala na niya ang mga ito simula pa nung unang kaarawan ni Jena.
"Where's our brother, Alice?" tanong ni Akiro sa kanya.
"Umalis po, sir. Mamayang gabi pa po ang dating nila," magalang na sagot ni Alice sa kanila.
"Kasama nila si Jen-Jen?" tanong naman ni Glenn.
"Hindi po, sir. Nasa sala po si Jena. Pasok po kayo," pag-imbita nito sa kanila.
"Sino si Jena?" takang tanong ni Kisha habang papasok sila sa loob ng bahay.
"Anak nila kuya, mom. Apo niyo," sagot ni Akiro at saglit na nilingon ang mga kasama nila na ngayon ay gulat na gulat sa narinig.
Nang marating nila ang sala ng bahay, kaagad nilang natanaw ang munting prinsesa na masayang naglalaro sa carpet samantalang ang mga laruan ay nagkalat sa paligid.
Lumapit ang magkapatid para gulatin ang kanilang pamangkin ngunit hindi pa man din sila nakakalapit sa bata nang bigla itong lumingon.
"Surprise!" iyan na lang nag nasabi ng dalawa na labis namang ikinatuwa ng bata.
Mabilis itong gumapang papunta kay Glenn para yakapin ito at sumunod naman si Akiro tsaka siya umupo siya hita nito.
"Did you missed us, baby?" tanong ni Akiro habang kalong ang bata.
Sunod-sunod naman itong tumango habang nakangiti sa kanilang dalawa ngunit agad nawala ang ngiti nito nang mapansing may ibang tao pa sa likod nila.
Napansin naman 'yon ng dalawa kaya naman ay tumayo muna sila habang kalong pa rin ni Akiro ang bata.
"Mommy, tita. Si Jena po, ang anak nila Kuya Jerome at Dhana," pakilala ni Glenn sa bata.
"Jen-Jen, sila ang lola at lolo mo," sambit naman ni Akiro kay Jena.
Saglit na tinitigan ng bata ang mga lolo at lola niya na tila ba sinusuri ang mga ito.
"Down, please," pakiusap niya kay Akiro na agad naman nitong sinunod.
Nang makababa si Jena mula sa bisig ng kanyang tiyuhin ay agad itong gumapang papunta sa binti ng Lola Millet niya tsaka ito niyakap sabay ngiti sa kanya.
"Hi," maamo nitong bati sa kanyang lola habang nakatingala siya dito.
Tila nanlambot naman ang puso ng mag-anak sa sobrang kakyutan ng kanilang apo.

BINABASA MO ANG
Secret Love Affair✓
General FictionCOMPLETED STORY Love has no boundaries. We can love anyone without someone stopping us. Nothing is wrong with falling in love. It's not a sin and it's not against the rule but for Dhana, it's a sin and it's against the rule because the man she loves...