Dhana's POV
It's raining.
Wala akong payong, sira pa 'yung kotse ko. Paano na'ko makakapunta nito sa kompanya?! May kailangan pa man din akong ibigay sa pinsan ko!
Lintek naman oh!
Nagtungo muna ako sa kwarto ko at naghanap ng jacket na pwedeng suotin at tanging 'yung jacket lang ni Kuya Jerome ang nahanap ko na makapal. 'Yung ibang jacket na pagmamay-ari ko ay hindi na kasya sa akin samantalang ang iba ay medyo manipis.
Wala akong nagawa kundi suotin 'yung jacket ng pinsan ko at lumabas na ng bahay para magtawag ng taxi.
Mabuti na lang ay may pumara agad sa harapan ko kaya nakasakay na agad ako pero nabasa pa rin ako ng ulan.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay nakarating na kami sa kompanya at kamalas-malasan nga naman dahil medyo malayo ang pinaradahan nung driver mula sa main entrance ng gusali.
Bawal kasi 'yung mga public trasport dun sa area ng kompanya.
Ilang lakad lang naman ang layo namin mula dun sa main entrance pero ang kaso, malakas ang ulan at parehas kaming walang payong nung driver.
No choice na naman ako kundi tumakbo na lang papunta dun at halos madulas pa ako sa bilis ng takbo ko.
Nang makita ako ng mga gwardya na tumatakbo ay agad silang kumuha ng payong at lumapit sa akin.
"Okay lang kayo, ma'am?" tanong nung isa habang pinapayungan ako.
"Oo. Salamat, kuya," sambit ko at medyo binagalan na ang kilos.
Natapilok din kasi ako kanina kaya heto, medyo kumikirot ang paa ko.
Nang makapasok kami sa loob ng gusali ay hinubad ko na ang jacket at mabuti na lang ay hindi ganun kabasa ang damit ko pero 'yung ulo ko ay naulanan talaga.
Wow, this is probably the worst day of my life...
Nagtungo muna ako sa restroom para mag-ayos at para patuyuin na rin ang ulo ko dahil baka magkasakit pa ako.
Tinignan ko din 'yung paa ko at medyo namumula ito dahil nga kanina kaya medyo hirap akong maglakad lalo na't nakasuot pa ako ng takong.
Medyo basa pa ang buhok ko pero dahil nga malalate na ako ay agad na akong kumaripas ng takbo papunta dun sa floor kung nasaan ang desk ko.
Nang makarating ako sa opisina ng boss ko ay saktong nandun na rin 'yung pinsan ko.
"Dhana, what happened to you?" nag-aalalang tanong ni ma'am sabay lapit sa akin.
"It's nothing, ma'am. Naulanan lang po ng konti. Anyway, ito na po 'yung report na kailangan niyo ni sir," pag-iiba ko ng usapan at inabot sa kanya ang hawak kong USB.
"Okay, thank you, hija. Patuyuin mo muna 'yang ulo mo at baka magkasakit ka. May dala ka bang extra clothes?" tanong niya pero umiling lang ako.
"Hindi naman po ako ganun kabasa, ma'am. Okay lang po ako." Nakangiti kong sabi.
"Naulanan ka lang ng konti? Are you sure about that? Mukha kang basang aso," singit ng pinsan ko sa aming dalawa tsaka tumayo mula sa kinauupuan niya.
"He's right, hija," pagsang-ayon ng boss ko.
"Sige po, parang may damit po ako dun sa locker ko, titignan ko na lang po," pagdadahilan ko.
"Alright." Tumango na lang ako at iniwan na silang dalawa dun tsaka bumalik sa desk ko.
Wala naman talaga akong damit sa locker ko kasi hindi naman ako nag-iiwan ng damit dun.
Kinuha ko 'yung dala kong panyo at pinagpatuloy ang pagtutuyo ng aking ulo habang nagt-trabaho.
...
"May lagnat ka 'no?" tanong niya habang direktang nakatingin sa akin samantalang ako ay nakayuko lang.
"Wala ah," pagtanggi ko habang iniiwas ang medyo namumutla kong mukha.
I saw him glared at me.
Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin tsaka hinaplos ang leeg at noo ko.
Gosh, ang lambot ng kamay niya!
"See? I'm right," giit niya.
I rolled my eyes.
"Whatever. I'm fine, sir," taas noo kong sabi.
"You're not. Come on, I'll take you home," utos niya at nauna nang maglakad pero agad ko siyang pinigilan.
"I'm fine! Tsaka marami pa akong gagawin," pagdadahilan ko.
"I'm in-charge of you, Dhana. Plus, you're my cousin. I can't just let you work like this. Now come on, ayoko nang sinusuway ako," mariin niyang sabi at halos kaladkarin ako papunta sa kotse niya.
Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya kaysa naman tuluyan akong masubsob sa sahig dahil sa ginagawa niyang paghila sa akin.
Nang makarating kami sa tapat ng kotse niya ay akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng backseat nang pigilan niya ako at buksan 'yung pinto ng passenger seat.
"May nakalagay diyan sa likod. Dito ka na sa harap," utos niya habang hawak ang pinto.
Tumango na lamang ako at pumasok na sa loob. Nang isara niya ang pinto ay bahagya akong sumilip sa likod at walang ibang laman 'yon kundi isang maliit na bag.
Wow naman...
Nang umandar ang kotse ay medyo nahilo ako dulot na rin siguro ng sakit ng ulo na kanina ko pa iniinda kaya naman pinikit ko muna ang mga mata ko.
Makaraan ang ilang minuto at medyo mababaw lang ang tulog ko kaya ramdam na ramdam ko pa ang mga nangyayari sa paligid.
Bigla namang tumigil ang sasakyan at narinig ko ang pagbukas ng pinto. Gusto ko na sanang buksan ang mga mata ko pero tila may sarili itong mga mundo at ayaw sumunod sa gusto ko.
Ilang sandali pa ay bumukas na rin 'yung pinto na nasa tabi. Nakikiramdam lang ako sa paligid at naramdaman ko namang may kumuha ng bag ko at narinig kong parang kinalkal pa iyon.
Makaraan ang ilang minuto ay dahan-dahan akong lumutang sa ere hanggang sa mapagtanto kong buhat ako ni Kuya Jerome.
I'm too tired to fully wake up, gosh.
Naramdaman ko namang tumigil siya sa paglalakad at narinig ko na rin ang pagbukas ng pintuan ng bahay.
"Ang bigat naman ng babaeng 'to," bulong niya.
Excuse me? Pwede naman kasing gisingin mo na lang ako 'no? Pero ayoko rin naman magising at inaantok talaga ako.
Naramdaman ko naman dahan-dahang pagbaba sa akin ni kuya sa sofa at nang tumama ang ulo ko sa unan ay muli akong nakaramdaman ng antok hanggang sa tuluyan na talaga akong nakatulog.
To be continued
![](https://img.wattpad.com/cover/312135856-288-k497789.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Love Affair✓
Ficção GeralCOMPLETED STORY Love has no boundaries. We can love anyone without someone stopping us. Nothing is wrong with falling in love. It's not a sin and it's not against the rule but for Dhana, it's a sin and it's against the rule because the man she loves...