DESCRITO II

38 7 7
                                    

NAIMULAT ko ang mga mata nang makarinig ng kaluskos. Naabutan ko na lang ang pagpasok ng kasambahay sa kuwarto ko habang malaki pa ang ngiti sa akin.

Unti-unti kong naramdaman ang pagsakit ng ulo ko dahil sa istorbong iyon. Nailibot ko pa ang tingin sa paligid at nang maalala ang mga nangyari kagabi ay naibagsak ko na lang muli ang sarili sa hinihigaan.

Ugh. I don't know kung saan ba ako matutuwa sa araw na 'to. Tatalon sa saya dahil nagdaan ang gabi na virgin pa ako? O magwawala dahil lumipas ang gabing kasama ko si Klev without being fucked?

Nang gabing 'yon, matapos niya akong ihiga, iniwan lang ako ng mokong! Pasalamat talaga siya at lumpo ako.

Inis kong ibinato sa kung saan ang napulot kong unan. Geez! How I wish that I just take that man who had my kiss last night instead of Klev! Sayang. Ang guwapo pa naman niya.

Bigla akong napangisi sa sunod-sunod na kalokohang naisip. I wonder who is him.

"Zen..." tawag-pansin ng kasambahay dahilan para tingnan ko na siya nang masama.

"I don't wanna see your face. Leave," utos ko.

Hindi niya ako pinansin at ipinagpatuloy niya lang ang pagpasok sa loob. Doon ay napaikot na ang mga mata ko kasabay ng paghalukipkip ng mga braso. Here we go again. Another palabas ng maharot. 'Di ba siya aware na nagsasawa na 'ko sa galawan niya? Geez.

Nang makalapit siya ay napakunot-noo na lang ako sa napansin kong hawak-hawak niya. She lifting unfamiliar canvas. Wait. Nang-iinsulto ba siya?!

Binalingan niya ako, she helped me to sit but I didn't give her an at least look, I just rolled my eyes instead. Matapos ay marahan niya pang inilapag ang canvas na 'yon sa sandalan ng kama sa may paanan ko dahilan para bumungad sa akin ang painting.

"May nag-iwan niyan sa harap ng bahay," ngiting paliwanag niya. "Naisip ko na baka advance gift 'yan para sa 28th birthday mo bukas."

Napatitig ako sa canvas. It's a wedding painting. With a groom and a bride.

Doon ay singhal na napatawa ako. "A wedding painting on a birthday, huh?"

"Nabasa ko lang ang pagbati sa 'yo," tugon niya na mas ikinakunot ko.

Bigla niyang inabot sa akin ang isang sobre na kinuha ko namang agad, binuksan, at binasa ang sulat na nilalaman nito.

Dear Zen,

Sorry. Ang akala ko talaga, maaalala mo ako kahapon pero okay lang, inaasahan ko nang hindi. Matagal-tagal na pala ang mga panahong 'yon, bakit pa ako umasa.

Gusto ko lang ibalik sa 'yo 'tong painting. Ikaw ang gumawa niyan, no'ng mga bata tayo at iniregalo mo sa akin.

Hiling ko lang na sana, mabago mo ang love story nilang dalawa. Sana si Carolina at Leonardo na lang talaga. Hanggang ngayon kasi, tanda ko pa ang kuwento mo sa painting na 'to. Naaalala mo pa?

Kung hindi mo na matandaan, okay lang, huwag mo nang alalahanin. Pasensya kung hindi na ako makakapunta sa party mo. Happy birthday.

Best wishes,
Alli

Nang matapos ay dahan-dahang bumalik ang tingin ko sa painting. Naka-portrait ang malaking painting na ito at detalyadong-detalyado ang hubog ng groom at bride. Sa gitna ng altar, magkaharap sila sa isa't isa.

Nang mapansin ko naman ang kislap sa mga mata ng babae dahil sa namuong luha sa kaniyang mga mata ay bigla akong natigilan.

Dahan-dahang gumapang ang tingin ko sa kaharap niyang lalaki. Nakatingin ito pabalik sa babae at sa likod ng kislap sa mga titig niyang 'yon, nakikita ko ang nagkukubling kadiliman sa mga mata niya.

Painted HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon