Huminga ako nang malalim at marahas na iminulat ang mga mata. Humigpit ang hawak ko sa paint brush kasabay ng paglapat ko niyon sa canvas. Sa bawat pagdausdos ko ng brush dito ay mas nagsasalubong ang dalawang kilay ko dahil sa inis.
I'm currently using Tan to shade the lower part while White in the upper as I blend them together that made it look a total gradient. I tilt my brush to the pallete and harshly put Brown as the shadow of dessert sand I was trying to describe in this painting. Sa kawalan ko ng pag-iingat ay parang hindi na ako nagpipinta, mukha na akong nananadtad ng bawang dito dahil sa gigil.
Oras ng siyesta at maririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng balkonaheng tinatapatan ko. Kasalukuyan akong nasa Art Room habang nadadala pa sa pakikinig sa Voi Che Sapete.
Sa apat na sulok ng kuwartong 'to ay nakatapon lang sa paligid ang iba't ibang klasi ng kagamitan sa pagpinta, naninigas na mga pintura sa sahig, at punit-punit na paintings na buong ingat ko noon pero gano'n na lang kadaling ibasura ngayon.
Can't deal with this frustration right now. I cancelled the party right after kong umuwi kanina galing sa restobar. Kung hindi pa sumapit ang birthday ko ay hindi ko malalaman na matagal na palang may sama ng loob sa 'kin si Yana. Gusto ko siyang sabunutan sa pagtulak niya sa 'kin kanina, but no thanks na lang dahil iyon na ang huli. I'm maybe brat but I'm not tanga para magpaka-martir sa relationship na gusto niya. Bahala silang magpaka-adik sa paghithit ng katol do'n.
Bumuga ako ng hangin at inis na tinitigan ang ipinipinta ko. Pero sa isang iglap ay napatigil ako sa kawalan dahilan para unti-unting bumaba ang kamay ko. Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang hindi ko inaasahang makita sa ipinipinta ko ang painting na ginawa ko noon para kina Dad at Martha.
1st day of August. It's my 28th birthday. Sixteen years... Sixteen years na pala ang lumipas mula nang gamitin ko ang sariling mga kamay sa pagpinta para lang ipamukha sa ama ko na isa siyang makasalanang tao.
Mabilis akong umiling. Itutuloy ko na sana ang pagpipinta ko nang bigla kong maramdaman ang pagpintig ng ulo dahilan para mabitawan ko ang mga hawak na ikinahulog nila sa sahig. Napakapit ako sa wheelchair ko at nasapo ang sentido.
"Look, Dad. I almost draw two devilish rats in this nude art."
"Z-Zenaida, please..."
Sa inis ay tinulak ko ang easel na pinapatungan ng painting na hindi ko na natapos. Dali-dali ko iyong tinalikuran at pinaandar ang wheelchair patungo sana sa aparador nang mapatigil ako sa nakitang isang malaking painting na nakapatong din sa easel.
Napasinghal ako. Ang lakas talaga ng loob niyang itabi pa 'to.
Sa huli ay napapalunok, nanlalamig ang mga kamay akong lumapit doon. Doon ko na mas napagmasdan ang kabuohan ng painting. Nananatiling nakikita ang magagandang hubog nina Carolina at Leonardo pero hindi na malinaw ang mga mukha nila hindi tulad ng dati, dahil nabasa ang painting na 'to ay kalat na kalat na ang mga kulay.
"In all things, the only I regretted was that being your daughter."
Nanlabo ang mga mata ko sa pagbabadya ng luha. Nahawakan ko ang painting hanggang sa dumausdos ito pababa at makabasa ako ng sulat doon.
"Descrito... El Siglo de XVIII."
It's my mom penmanship. Descrito. Hindi ako makapaniwala na nakuha kong saktan ang ama ko sa pamamagitan ng descrito.
"I hate you! I just wished that you were the one who died and not my mom!"
Tuluyang nanikip ang dibdib ko nang sunod-sunod pang manumbalik sa ala-ala ko ang nangyari sa nakaraan. Napapadaing na nagtakip ako ng tainga. My twelve-year-old voice having an argument with Dad just echoed in my whole system that made me feel want to ruin everything!
BINABASA MO ANG
Painted Heart
Fantasy"Paano kung isang araw, magising ka na lang sa loob ng ipininta mo?" Set in the 18th century, people wouldn't believe it if Zenaida said that she was transported in a classical painting; a retired famous painter who woke up inside the painting she o...