Z-D 3: The Missing

580 175 13
                                    

*Zach's pov*

Nagising ako ng dahil sa ungol na nagmula sa labas, agad akong nataranta kanina wala pa ito pero ngayon marami na sila.

Zombies.

Madilim pa kaya agad kong ginising sila Spike.
Gigisingin ko sana si Edira ng wala ito.

Shit, you woman!

"Where's Edira?" si Ryle na kinakusap kusap pa ang mga mata

"I don't know nakatulog ako ng magising siya" sabi ko naririnig ko pa ang mura ni Ryle

"Baka nasa bus" si Spike kaya napatingin ako sa bus na nasa gilid lang namin naka-park.

Aakma sana akong lalabas ng may sumulpot sa gilid ng bintana ko, dalawang zombie. Mabilis ko itong naisara at huminga ng malalim.

Nasaan ka ba Edira?

"Shit nakapalibot na ang mga zombie sa'tin" sabi ni Spike na may tinatanaw sa side mirror ng van

Tumingin ako doon, marami nga. Pero saan ito galing? Wala naman ito kanina.

"I need to go out," sabi ko at aakmang bubuksan ang pinto ng van ng may humawak sakin

"Bro, delikado" si Ryle sa mahinang boses

"Yeah but I need to" sabi ko at kinuha ang kutsilyo at baril bago lumabas

Kailangan kong makalabas at makapunta sa loob ng bus, kailangan kong puntahan si Edira.

Sabi nga ni Edira 'zombie can react to sound' kaya umiiwas ako sa matutunog na bagay

I simply knock the window of bus, sa unang subok ko ay hindi nila binuksan at napapigil ako ng hininga ng may dumaan sa gilid ko galing sa likod na zombie. Nang sa pangalawang pagkakataon ay binuksan na nila, batang babae iyon at nagulat pa siya ng makita ako.

I think she called someone dahil nawala siya, bago iyon ay nag signal siya ng 'wait'. And I wait someone, si Timothy ang humarap sakin through window.

"Nasaan si Edira?" I quickly ask him, kumunot ang noo niya sa tanong ko

"Bakit? Nasaan ba?" he asked in low

"Papasukin niyo ko" sabi ko rito at nagnod naman siya, he signal na pupunta ako sa may pinto para makapasok kaagad ako.

Naglakad ako papunta doon without any sound.
Bumukas ang pinto ng bus pero kaunti lamang iyon, nagmamadali akong pumasok at naghabol ng hininga.

Shit.

"So, where's Edira?" I asked pero kunot lamang ang noo niya

"What do you mean, Zach?" It was Lance who asked

"Wala siya sa loob ng van ng magising kami" I said in low.

Nakatanggap ako ng suntok galing kay Lance kaya halos matumba ako, he was so mad. Girlfriend ba niya si Edira? Why so affected?

"Sorry" paghingi ko ng tawad

"Oy, nasaan si Edira my bes?" tanong ni Fionna na siguro ay kagigising lamang dahil kamut kamut niya ang kaniyang mga mata.

Walang sumagot sa kanya kaya tumayo siya at binuksan ang isa sa mga bintana.

"Shit!" she murmured at napaupo sa sahig ng bus

Pinuntahan siya ni Frank, yung kasama nila Timothy dito. Agad namang isinara ni Lucy ang bintana.

Natigil kami ng may tumunog na makina kasabay nun ang mga ungol ng mga zombie, yung van. Shit nakalimutan ko sina Spike. Dali dali akong pumunta sa bintana at binuksan iyon.

Project Edira: Zombie Apocalypse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon