Z-C 15: Cured

376 139 1
                                    

*Edira's pov*

Naghintay kami ng ilang minuto, nang makita na namin yung mga lalaki na nalilito kung saan titingin ay agad na binaril namin ni Ate Elly.

Boom bagsak.

Kaya pala hindi ko nakita si Lance at Kuya dahil gumapang pala sila papunta kay Mr. Wilson.
Nang makaabot na sila kay Mr. Wilson ay agad nila itong tinutukan ng baril sa ulo.

Pumunta si Ate doon kaya pupunta nadin ako kaso yung telang nakatakip sa kabilang bahagi ng kamay ko ay natanggal kasabay ng pagsuka ko ng dugo.

Shit.

Nagulat si Kuya Landy at Ate Elly ganoon din si Lance at Mr. Wilson.

"May kagat siya!" sigaw ni Mr. Wilson

"We know" si Ate Elly at lumapit sa'kin

"You okay?" tanong niya at inalalayan ako.

"Yeah, I'm okay kailangan ko ng lumayo" sabi ko pero hinawakan niya ang kamay ko

"No, you don't need. Kanina pa yang kagat mo, 8 hours" sabi ni Ate Elly

"W-what!? 8 hours?" gulat na sabi ni Mr. Wilson

"Bakit ngayon kalang ba nakakita katulad nito?" nakangising saad ni Kuya

"No, but how? She-She's the last ingredients of cure!" tumayo si Mr. Wilson at muntik ng matumba.

"What!?" si Lance naman ngayon na nanlilisik na ang mga mata

"Ikaw ang nakakuha sa cure, naturukan ka diba?" mahinhin na tanong ni Mr. Wilson

"Yeah"

"Siya nga!" halos natatawang sabi ni Mr. Wilson

"What!" si Kuya Landy

"He-Her blood!" sigaw ni Mr. Wilson at inagaw ang baril kay Lance at pinutukan ang sariling ulo.

Tapos na ang laban. Wala na si Mr. Wilson.

Inalalayan ako ni Kuya Landy papalabas habang si Ate Elly naman at Lance ang nauna samin.

Nakasalubong pa namin sina Zach at ang iba pa naming kasama.

"Kailangan na nating umalis!" sigaw ni Hellion

"Nailikas na ang lahat?" tanong ni Kuya sa lahat

"Tapos na, dinala na sila nina Spike at Ryle" sabi ni Timothy

Nang makarinig kami ng ungol ay naalerto ang lahat.

"Labas na!" sigaw ni Hellion

Sumunod na ang lahat at nagsilabasan. Naalala ko yung binigay ni Ms. Cathy sakin na remote control. Sabi niya sa bomba daw iyon, kinuha niya iyon dahil may plano daw siyang tumakas tapos ay pabobombahin ang boung gusali.

Nang makalabas kaming lahat ay umalis ako sa pagkahawak ni Kuya sa'kin at nagmamadaling kinuha ang remote at pinindot ang kulay pulang botton.

Lumabas doon ang oras, isang minuto bago puputok ang bomba. Kailangan naming makaalis dito.

"1 minutes, kailangan na nating umalis!" sigaw ko

Nagsipasok na ang lahat at nagmamadaling umalis, huminto kami sa may puno at doon lang namin narinig ang malakas na pagsabog.

Nasusuka ako kaya nagmadali akong lumabas ng sasakyan, sumuka ako ng dugo pero hindi lang iyon dugo may kasama iyon na kulay itim.

"Era!" si Zach na nasa tabi ko na

"Zach, I'm okay" ngumiti ako sa kaniya at pinahiran ang dugong nasa bibig ko

Tumango siya at pumasok ulit kami sa sasakyan. Nang makarating na kami sa safe house ay bumaba kaagad ako. Ibinigay ni Lance ang kaniyang jacket sa'kin, siya lang kasi ang may dalang jacket. Isinout ko iyon at pumunta kaagad sa experiment room kung saan sina Mama at Papa.

Nagulat pa sila nung una kaso nung hinubad ko na ang jacket ay nataranta sila. Lumapit si Kuya Landy sakin at inalalayan akong humiga sa isa sa mga kama.

"Ma, kunan niyo na ako ng dugo" ngayon lang ako nakapag utos kina Mama at Papa ng ganito.

"Bakit naman anak?" nagtatakang tanong ni Papa

"She's the last ingredients of the cure, no wonder kung bakit hindi siya naging isang zombie ng makagat siya, 8 hours." hinagod ni Kuya Landy ang buhok ko at hinalikan ako sa noo

"Pagaling ka" sabi niya at lumabas na ng kwarto.

May hinanda sina Mama na blood pouch at injection.

"Bear with it, anak" sabi ni Mama at itinusok na ang injection sa may pulopulsohan ko at naramdaman ko na ang pagdaloy ng mga dugo.

Nakuhanan na ako ng isang liter ng dugo. Ginamot narin ni Papa ang tama ng baril ko at kagat.

Parati akong umiinom ng tubig dahil daw sa minu-minuto ay namumula at kailangan daw din iyon sa dugo.

Ineksperimento na nina Mama ang nakuha kong cure at ang dugo ko. Gabi na at naisipan kong lumabas ng kwarto hindi naman sa nahihilo ako kapag naglalakad.

May naisip akong kagagahan at pumasok sa kwarto kung saan natutulog ang mga kapatid ko.
Tig-isa isa sila ng kama pero naisipan kong si Ate Elly ang kunwari kagatin ko.

Kaso mali ako mulat na mulat ang mata ni Ate Elly nagulat pa siya nung makita ako kaagad akong lumapit sa kaniya at sinabi ang gusto kong mangyari.

Tumawa siya kaya tumawa narin ako.

Kunwari nasa taas niya ako at aakma ko siyang kagatin at sisigaw siya ng pinaka-malakas na pati lahat ng tao ay magigising.

"Gawin na natin" sabi niya at nahiga sa kama.

Pinatungan ko na siya at sabay pa kaming nagbilang hanggang tatlo.

"1,2,3, go"

"Ahh, ahhhhhh, ahhh" sigaw ni Ate sa pinakalakas na sigaw

Ako naman kunwari kagatin ko siya pero hinaharangan niya yung balikat ko para hindi siya makagat.

"Landy, Lance!!" tawag ni Ate sa dalawa na agad namang naalerto at nagmamadaling bumangon.

Bumukas ang pinto ng kwarto kaso hindi ko na tinoun ang sarili doon at kay Ate nalang na patuloy parin sa kakasigaw.

"What the hell is happeni-- Era!?" si Hellion

"Shit!" si Kuya Landy na pinipigilan ako kaso patuloy pa rin akong nagpapanggap na kakagatin si Ate Elly

"Tulong Landy!!" patuloy parin si Ate sa kakasigaw

"Lance yung kumot mo!" sigaw ni Hellion kay Lance.

Si Lance naman nagmadaling kinuha ang kumot at itinakip sa mukha ko.

"Ahhh!!" patuloy parin sa kakasigaw si Ate Elly

"What is happe- what?" boses yun ni Zach

Kararating lang siguro. Huli na sa mga nangyayari.

"Ahhhh, ahhhhhhhhh!!!" sigaw parin si Ate Elly

Kaso napalitan iyon ng tawa!!

"Ahhhh! Hahahahaha"

"Bitawan mo nga Lance" utos ni Ate kay Lance, nasa mukha ko parin iyong kumot.

Ate Elly laughed.

Umalis ako sa pagkakapatong kay Ate at sabay kaming nagsabi ng

"It's a prank!" sabay tawa kaso nabatukan kami ni Ate Elly

"Buwiset kayong dalawa!" sabi ni Kuya Landy at binatukan ulit kami.

"Ehh, si Era yung namuno nito" pagtatanggol ni Ate sa sarili

"Pero sumabay ka naman" akala mo ha

"Atleast effective" at nag apir kami.

Nang makaalis na sina Hellion pati narin ang iba ay tumabi ako kay Ate Elly natulog.

I miss her.

--

Pls. vote and comment

Gamsahabnida❤️

Project Edira: Zombie Apocalypse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon