Z-C 12: Greedy Old Man

379 143 1
                                    

*Edira's pov*

Kailangan kong lumayo sa kanila bago pa ako maging isang katulad ng mga hunghang.

Lumiko ako at huminto muna sa may gilid dahil sumuka ulit ako.

"Shit this life!" sigaw ko.

Nagtago ako sa may lalagyan ng basurahan, doon ako umupo at natulog muna bago paman ako maging hunghang.

Pagkagising ko, iyon parin ang paningin ko walang nagbago. Tao parin ako.

Gabi naman na ah.

Pero bakit? Bakit hindi ako naging katulad nila?

Huminga ako ng malalim.

Tinignan ko iyong nakagatan kong kamay makikita mo doon ang baon ng ngipin at namumula narin ito, pumasok sa isip ko iyong plano namin nina Kuya.

Tumayo ako at tinignan ang mga baril ko. Naroon pa iyon. Isinukbit ko kasi sa loob ng leggings ko.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at kinuha ang dalang baril. Wala na ang sasakyan nila.

Pumasok muna ako sa bahay na tinuluyan namin. Baka may mahanap pa akong armas doon. Nang makapasok ako ay hindi ko napansin ang isang hunghang sumugod ito sakin pero umiwas siya ng makalapit na siya sakin.

Why?

Hindi ko na iyon inabala at naghanap nalang ng magagamit. Kinuha ko ang mga tubig at tinapay na naiwan ata nila. Pumunta ako sa kwarto at nakita ang iilan sa mga baril.

Kinuha ko iyong bag na nasa cabinet nakita ko to kagabi kaya alam kong may bag dito. Inilagay ko ang tatlong baril doon at dalawang tubig pati narin yung mga tinapay.

Kinuha ko yung tela na kulay itim at pinunit iyon. Inilagay ko iyon sa nakagatang kong kamay at yung nabaril kong balikat.

Bali nakasando ako pero parang nag-jacket lang ang kabila kong kamay. Isinukbit ko na ang bag sa likod ko at lumabas na ng bahay pero natigil ako ng makita ko ulit yung mga nakakulay puti ang lahat na sout.

Nang makaalis na ang mga iyon ay agad akong nagtungo sa gasoline station na pinuntahan namin ni Lance nung tumakas kami. Sana lang naman at naroon pa ang isang motor dalawa iyong nakita namin pero pinili naming mag-iisa nalang.

Narating ko na ang gasoline station, sinuswerte nga naman naroon pa iyon. Kinuha ko ang susi at pinaandar ko ang motor bago ko sinundan ang sasakyan ng mga nakaputi kanina kahit na malayo alam kong iisa lang ang daan na patutunguhan nila.

Hindi ako nagkamali dahil nasundan ko ang sasakyan nila at huminto sila sa may harap ng isang gate. May bumukas doon at pumasok sila doon.

Umalis ako sa pagkaangkas at naghanap ng babakodan, aakyat ako para makapasok. Pero parang hindi na kailangan dahil may pinto akong nakita sa likod.

Dahan dahan ko iyon pinihit kaso naka-lock, mahihirapan pa ako nito. Naghanap ako ng mapapatungan dahil may nakita akong bintanang bukas sa ikalawang palapag.

Sumasakit iyong nabarilan ko at sumama narin yung nakagatan pati narin ang bigat ng bag. Pumatuloy ako sa pag akyat hanggang sa makarating ako sa mismong bintana.

Nagulat ako ng may magsalita muntik na akong mahulog.

"Naibigay mo na kay Mr. Wilson?" tanong nung isa

"Naibigay ko na, pero bakit wala paring cure?"

"Tumahimik ka nga baka may makarinig sa'tin"

"Pabalik balik na tayo sa pag eekperemento ng cure kaso hindi effective"

"Baka may nakalimutan na sangkap"

"Eh diba may cure na nung una?"

"Meron na nga kaso nawala, balita nga naisama daw sa mga ordinaryong gamot"

"Ordinaryong gamot? so, kaya pala nagmamanman ang mga tao ni Mr. Wilson sa kabahayan"

"May paparating" sabi nung isang babae at agad na umalis

Sinilip ko muna bago ako pumasok sa loob. Pinasok ko ang mga kwarto kailangan kong makahanap ng lab coat para hindi ako mahalata.

Pagpasok ko sa isang pintuan ay napatigil iyong isang babae, nagulat pa siya nung makita ako pero hinubad niya iyong coat niya at ibinigay sa'kin.

"Use this" sabay abot ng lab coat

"But?"

"Yeah, I know you want to find the cure, right?"

"You know where is it?"

"No one knows where's the cure, kasi nawala iyon but I know you're here to help us. Gusto na naming makawala dito" sabi ng babae

"Thanks for coat, yeah I'm here to help you but I need to find first the cure," tumango siya "here" inabot ko ang isang baril.

"I trust you girl" sabi niya

"Thanks"

"Be safe, marami pa ang kailangang iligtas nasa first floor sila"

"What?"

"Nangongolekta sila ng mga tao para pag eksperimentohan, ipinapakain sila sa halimaw at ituturok sa kanila ang cure na nagawa na palpak naman"

"Thanks for information"

Bago ako lumabas na naka lab coat na may name tag na 'Ms. Cathy Garcia'.

Nakakasagupa ko na yung mga tao sa loob nitong experiment room pati narin yung mga naka puti lahat at yung mga armadong lalaki.

"Ms. Garcia, ito yung last ingredients ng cure, ikaw daw ang magdadala niyan kay Mr. Wilson sa office niya" utos sakin ni Ms. Kim

"Okay, Ms. Kim"

Makikita na kita Mr. Wilson, mapapatay narin kita.

Nasa harap na ako ng pintuan ng office ni Mr. Wilson, alam ko dahil ipinakita ito ni Kuya samin nung nagplano kami.

Binuksan ko ang pinto, dala dala ko iyong parang tubig na nasa malaking garapon.

"Mr. Wilson, this is the last ingredients Ms. Kim told me" inilagay ko sa harap ng lamesa niya

"Good, kumuha ka ng isang tao sa kulungan para maikspermentuhan na natin." utos ni Mr. Wilson na sinang-ayunan ko naman.

Pumunta ako sa first floor gamit ang hagdan ng marating ko na ang kulungan nagulat ako sa mga nakita. Sa isang selda ay ang mga bata, sa isa naman ay iyong mga matatanda, sa isa naman ang mga studyante, may nakita pa akong kaparehas namin ng uniform ang iba naman sigurado akong kina Leo.

Nagsigawan ang lahat na nasa selda. Gusto ko silang iligtas kaso paano? Iisa lang ako marami sila. Kuya nasaan kayo?

--

Pls. votes and comments

Gamsahabnida❤️

Project Edira: Zombie Apocalypse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon