*Edira's pov*
Pauwi na kami dala dala ang mga nakuha naming pagkain at mga panlaban. Nasa likod parin ako kasama na ni Jack.
Sa likod ko inilagay ang katana ko at nasa kabilang kamay ko naman ang mini uzi at nasa loob ng damit ko ang kutsilyong dala dala nung nasa cafeteria pa kami.
Huminto muna kami sa may puno dahil naiihi na daw sila, shit na malupet..
Tumalikod ako dahil baka may makita pa akong hindi maganda.Umiihi sila na para bang normal lang dahil nagtatawanan sila, ako naman ay mapapalaban sa paparating na mga hunghang, apat sila.
"Shit" I murmured bago kinuha ang katana sa likod ko.
First time kong gamitin itong katanang nakita ko kanina.
Inuna ko yung mas malapit sakin tinusok ko ang kanyang ulo, sa pangalawa naman ay pinutulan ko ng ulo. Sinipa ko muna ang isa at pinugutan ng ulo yung isa huli kong pinatay ang yung sinipa ko.
Perfect.
Nakarinig ako ng palakpak."Nice" si Will katatapos lang nila sa kanilang ginawa.
"Duh! Pasalamat kayo nandito ako baka nadeads na kayo" I said and I heard someone chuckled.
Si Ryle.
"What's the funny Ryle?" I asked him
"Namumula ka" he said kaya dali dali akong pumikit at huminga ng malalim.
Nang maikalma ko na ang sarili ko ay umalis na kami. May bahid ng dugo na yung katana ko.
Pinunasan ko iyon gamit ang telang nakita ko"May bus!" I heard someone shouted na nasa loob ng sasakyan
It's Ryle.
Mabilis kong hinanap ang sinasabing bus ni Ryle. May roon nga nasa loob ng bakuran ng isang bahay, baka sina Zach at Tim na ito.
Sana lang.
Huminto kami at pinasok ang loob ng bakuran dahil nga sa nakalock ang gate ay nag over de bakod kami.
Nang makapasok kami sa loob ay kinatok iyon ni Will pero walang nagbukas, kumatok ulit si Will at nakarinig na kami ng yabag tapos ay may nagkasa.
Itinutok ko na rin ang baril ko sa pinto, baka hindi ito sina Zach. Nagbabakasakali lang.
Baka kalaban.
Bumukas ito at may babaeng lumabas may hawak itong baril.
"Edira?" tawag nito sakin
Doon ko lang naalala isa ito sa mga kasama ni Tim sa bus, isa siya doon sa natutulog.
"Jana!" I shout.
"Jana, ba't mo binuksan ang pin-" hindi na natuloy ang sasabihin nitong isang babae ng makita niya ako-kami.
"Edira!" Dani shouted
Kaya nakarinig kami ng ungol sa mga hunghang, minamalas nga naman. Dali dali kaming pumasok sa loob at inilock kaagad ang pinto.
"Era? Will?" boses iyon ni Tim, I smiled to him
"Era!" Lance said tapos ay yinakap niya ako, sa chest niya lang yung ulo ko dahil nga mas maliit ako sa kaniya
"Era my best!" sigaw ni Fionna kaya humiwalay ako kay Lance at yinakap ko ng mahigpit si Fionna.
"Best buhay ka!" aniya
"Yeah"
"Alam mo ba yung si Zach ayaw maniwala sakin" she said habang yakap parin sakin
"Speaking of him, where he is?" tanong ko
"Yung kapatid ko at pinsan ko?" dagdag ni Ryle.
Tinuro ni Fionna ang kwarto kung saan sina Ryla at Khloe dahil daw natutulog ang mga ito. Itinuro naman ni Tim sakin kung nasaan si Zach nandoon daw sa likod ng bahay.
Bago ako umalis sa kanilang harapan ay nagfist bump pa sina Timothy at William.
Pumunta na ako ng likod para hanapin si Zach, binuksan ko ang pinto at nakita ko doon si Zach na nakayuko at parang..
Shit, umiiyak siya.
Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Zach!" tawag ko sa kaniya at dali dali niyang pinunasan ang kanyang mukha bago humarap sakin
"Edira?"
"Zach"
"Edira!" aniya at tumakbo papunta sakin kasabay ng mahigpit na yakap.
Dahil nga sa may kaliitan ako kina Tim, Will, Lance, at Zach ay nasa chest lang ang mukha ko kapag nakayakap ako sa kanila.
Yeah kapag yakap ko sila.
"I miss you" he whispered
Miss niya daw ako. Sheyt.
"I miss you" ulit niya kaya tumango ako
Well, miss narin kita. Ang landi mo!!
Unti unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.
"Ba't kasi lumabas kapa nun?" tanong niya habang nagkasalubong ang kaniyang dalawang kilay
"Eh, nagmanman kasi ako n'un tapos ayun napagod ako, nagpahinga muna ako tapos pagdilat ko may mga hunghang na" kwento ko dito
"Eh paano ka nakalabas sa mga yun?"
"They can't see in the dark" proud kong sabi
"Wag munang uulitin yun huh? You make me worried" aniya at yinakap ulit ako
Tumango ako.
"Kasama mo ba sina Ryle at Spike?"
"Si Ryle lang, si Spike naman na sa iba pa naming kasama, lumabas kasi kami dahil wala na kaming stock ng pagkain kaya ayun" ani ko
"May kasama pa kayo ni Ryle?"
"Yeah, sina William"
"Thanks to them" sabay yakap sakin
"Uhm, Zach bitaw na please" pagpupumiglas ko dito dahil humigpit pa nang pahigpit ang pagkayakap niya
"Oh, sorry"
Naisipan na naming bumalik sa loob dahil tinawag na kami ni Timothy. Gusto nilang sumama samin dahil ayaw na daw nilang mapahiwalay sa akin ulit daw. Di joke lang sa amin talaga yun.
Kinuha na nila yung mga pagkain na nakuha nila at inilagay na iyon ni Will, Tim, Lance at Frank sa bus. May mga baril din sila.
Halos ayaw pumahiwalay ni Fionna sakin at sunod lang din ng sunod si Zach samin ni Fionna, tanga lang?
Lumabas na ang lahat at nagsipasukan na sila sa bus habang kami naman ang bumabaril sa mga hunghang na lumalapit sa amin.
Doon na din sumakay si Ryle sa bus at ako naman doon kina Will, sa likod parin ako kasama ni Leo dahil nasa loob na si Jack.
Yung mga hunghang na sumusunod sa amin ay binabaril namin ni Leo. Dalawa na ang akin dahil ibinigay ni Will sa akin ang kaniya.
Feeling ko namumula na ako dahil naghahabol ako ng hininga kapag binabagsak ko ang dalawang baril na hawak ko.
Nang makarating kami sa bahay na aming tinutuluyan ay sinalubong kami ni Spike, Ken, at Carlo. Binuksan nila ang gate at doon na namin ipinasok ang mga sasakyan dahil sa may pagkamaliit lamang ang bakuran, nasa labas nalang ang bus.
Bumaba kami ni Leo at binabaril ang lumalapit sa amin na mga hunghang, nakisali na din si Zach at Tim sa amin hanggang sa nakapasok na ang lahat.
--
Plss vote and comment.
Gamsahabnida❤️
BINABASA MO ANG
Project Edira: Zombie Apocalypse
Science FictionC O M P L E T E D What the hell is happening? Totoo ba ang mga nakikita ko? Ito na ba ang paraan ng katapusan ng mundo? Nung una gulay lang at mga karne ng mga baboy o baka lang kinakain ng mga tao ngayon nag-iba na at ito ay ang mga kapwa nila tao...