Z-C 14: Fighting with Old Man

385 143 2
                                    

*Landy's pov*

Nang makababa na yung babae galing sa second floor ay agad kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Agad din kaming umalis doon.

Sumunod sina Spike, Ryle, at Frank dala ang Van, School bus at pick-up dahil nga sa hindi kasya sa dami ng taong ikinulong ni Mr. Wilson.

"This is Ely, babalik pa kayo rito?" tanong ni Era sa earpiece

"This is Landy, yes pupunta pa kami diyan"

"Copy, may cure na ako, nariyan kay Ms. Garcia pero kulang pa ang sangkap"

"Kulang? Bakit?"

"Nandoon ako nung hinalo na ang mga gamot, nandoon din ako nung itinurok na ang syringe sa balat ng isang zombie kaso no effect parin"

"Copy that, Ely. Wait us there"

Sabi ko at pinatay na ang tawag. Nang makarating kami sa safe house ay bumaba na ang lahat.

Babalik pa kami doon para patayin si Mr. Wilson, sasama ulit yung mga kasama namin kanina.

*Edira's pov*

"This is Ely, maging alerto kayo. Nagkagulo na dito" sabi ko sa earpiece, nagkagulo na dahil nalaman ni Mr. Wilson ang pagkawala ng mga tao sa selda.

"Copy that Ely, malapit na kami" sabi ni Kuya

Lumabas ako at nagpanggap na walang nangyari, nagkagulo parin ang mga armadong lalaki sa paglilibot at pagmamanman.

Dumiretso ako sa experiment room dahil nakahanap na ulit daw ng last ingredients. Ako muli yung naghalo. Nang matapos na ay pumasok si Mr. Wilson doon at nilagyan ang syringe bago itinusok sa balat ng zombie.

Naghintay ulit kami ng ilang minuto kaso walang nangyari. Itinumba lahat ni Mr. Wilson ang lahat ng botelyang may makukulay na mga tubig o acid.

Sa sobrang galit niya aksidente niyang napindot ang isang button. Button kung saan bubukas ang pinaglagyan ng mga eksperimentong halimaw o zombie.

Agad akong naalerto ng nagpumiglas ang isang zombie sa kaniyang pinaglagyan. Lumabas narin lahat ng mga naka lab coat kasama doon si Mr. Wilson at dali daling isinarado ang pinto.

Humiwalay ako sa kanila at pumunta sa ulit sa second floor.

"This is Ely"

"Ely papasok na kami"

"Copy that, papunta na ako."

Agad akong nagtungo sa seldahan kung saan papasok sina Kuya Landy.

"Ops, may grupo ng mga armadong lalaki" sabi ko ng makita ang mga lalaki. Napatago ako sa may kabinet at kinuha ang baril.

Nang mawala na sila ay agad akong pumunta sa pinto.

"I'm here already, wait. May paparating" agad akong nagtago ng may makita na naman akong grupo ng mga lalaki.

Kaso nakita ako at tinutukan ako ng baril sa ulo.

"Pasok" pasimple kong sabi sa earpiece

Sinipa ko yung lalaking magtutok sa ulo ko ng baril ng pumasok sina Kuya.

"Ely, upo!" sigaw ni Kuya kaya ginawa ko, umupo ako at binaril nila Kuya ang mga armadong lalaki.

Nakahandusay na ang mga ito ng magmulat ako ng mata. Huminga ako ng malalim bago humarap kina Kuya.

"Thanks Kuya Landy"

Nagulat pa ang lahat ng humarap ako at magsalita, ngumiti lang ako sa kanila at sinabihan silang kailangan na naming kumilos dahil sa nagkakagulo na ang lahat.

"Kuya, Ate, Lance sumama kayo sa'kin, remember Mr. Wilson" sabi ko sa mga kapatid ko

"Hell, kayo na bahala sa mga armadong lalaki" sabi ko na ikinawingi ni Hellion

"Hell?" aniya

"Sorry, my bad HELL" mas diniinan ko pa ang pagsabi ng Hell.

"Tsk."

Sina Kuya, Ate at Lance naman sumama na sakin pupuntahan namin iyong lalaking iyon. Nasa amin na ang cure kaso kulang pa.

Nang makarating kami sa harap ng pinto ng opisina ni Mr. Wilson ay pumasok kaagad si Kuya Landy at Ate Elly sumunod naman kami ni Lance.

Kaya pala walang nagbabantay sa labas dahil narito sila sa loob pinalibutan nila si Mr. Wilson.

Isa isa kaming tinutukan ng mga baril sa ulo, tumawa lang ng tumawa si halimaw ay este Mr. Wilson.

"Well, well, well" sabay palakpak

"Kayo pa talagang apat huh? Hahaha!"

"Pano kaya kung uunahin ko iyong panganay?" tinuro niya si Kuya Landy

"Pwede rin yung bunso" tinuro naman si Lance

"Yung pangalawa nalang kaya?" si Ate Elly

"Si Ms. CATHY GARCIA na nagpapanggap nalang kaya?" sabay tawa ng malakas

Pagkatapos niyang tumawa ay umupo siya at parang may kinakausap tapos tumawa ulit ng malakas. Baliw.

"Kung ang cure ang pinunta niyo dito, wala, walang cure"

He sighed.

"Nawala ang cure, naisama sa mga ordinaryong gamot"

He laughed.

"You!"

Tinuro niya kami isa isa at tumawa na naman.

"Mamamatay kayo dito!" sigaw niya

"You wish!" sigaw ni Ate Elly sa kaniya

"Yes, I wish may nakawala ng mga zombie dito sa loob ng building na ito" at tumawa ng malakas

Pano ko yung nakalimutan?
Nandoon ako nung nakawala yung isang zombie, pano kaya kung nakalabas yung?

Hindi nako nakapagpigil at binaril ko na sa balikat si Mr. Wilson, naalerto din sina Kuya kaya binaril narin nila yung mga lalaki na nagtutok samin kanina.

May nakapalibot kay Mr. Wilson, anim ang mga ito at sinisigurado talaga nilang hindi masasaktan si halimaw.

Nagtago kami ng magpaputok iyong anim na lalaki. Naalerto si Ate Elly at gumulong papuntang ilalim ng mesa.

Ganoon din si Lance, doon ko lang nakita na may hawak si Kuya Landy na bomba. Hinagis iyon at dali dali akong humupo kasabay ni Kuya.

Wala akong makita dahil kulay puti lahat, doon ko lang naramdaman na may humawak sakin. Si Ate Elly.

--

Pls. vote and comment.

Gamsahabnida❤️

Project Edira: Zombie Apocalypse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon