*Landy's pov*
"Kailangan na nating kumilos!" sigaw ko sa lahat.
Nakauwi na kami galing sa pagligtas sa mga kasama nila Era. Speaking of Era, I miss her.
Mag-uumaga na at sigurado akong naging isa na si Era sa kanila.
Sana lang nabaril ko yung zombie'ng iyon sana buhay pa siya. Wala kaming sapat na lakas para lumaban, ang iba samin umiiyak parin.
Lalo na't iyong si Zach. Si Elly naman gustong gusto nang umalis at papatayin si Mr. Wilson, ang nagpapalaganap nitong pandemya.
Nung una ayaw pang maniwala ni Mama at Papa, na naging zombie na ang Era namin. Gusto kong sisihin ang sarili ko.
"Aalis na tayo!" sigaw ko ulit
Sumama samin sina Hellion, Dammiel, Mike, Lance, Zach, Timothy, William at iba pang kasama nila.
Kailangan namin mahanap ang cure at mapatay si Mr. Wilson.
*Edira's pov*
Imbis na kumuha ako ng taong pagiikspermentuhan ay pumunta ako sa second floor kung saan yung nagpapahiram sakin ng lab coat.
Isinauli ko yung lab coat sa kaniya at ibinigay ang inutos ni Mr. Wilson na kumuha ng tao.
Umalis na si Ms. Garcia at naghintay lang ako dito sa loob ng kwartong ito.
Pinagkakatiwalaan ko na siya. Sana lang hindi niya ako ibuking.
Naisipan kong lumabas ng building at gumawa ng plano. Umaga naman na kaya lumabas ako ng bintana at bumaba, kailangan kong harangan ang dadaan ng mga tao mamaya.
Hinarangan ko ng mga nakikitang kong mga malalaking gamit tulad ng box, kahoy at iba pa.
Minamalas nga naman may tatlong zombie.
Kinuha ko iyong kutsilyo at lumapit sa kanila bago sila sinaksak sa leeg dahil kung baril ang gagamitin ko tiyak na madidinig iyon.Napatay ko na ang lahat at ginawa ko na ang paghaharang ng walang ingay. Kaso nahinto ako ng may marinig akong papalapit na sasakyan.
Pumasok ako sa pinto sa likod dahil nga sa sinira ko ang kandado kanina kaya nakapasok ako. Sisigaw sana iyong mga taong nasa selda ng signalan ko sila na huwag maingay.
Kinuha ko iyong baril ko at kinasa bago itinutok sa may pinto kapag bubukas yun ipuputok ko sa ulo ng pumasok.
Naghintay muna ako ng ilang minuto kaso wala parin. Naalerto ako ng may pumihit dun dali dali kung itinutok ang baril.
Bumukas iyon, ipuputok ko sana kaso natigilan ako dahil hindi iyon ang mga kalaban kung hindi sina Kuya Landy at Ate Ally.
"E-Era?" nagtatakang tanong ni Ate
"B-buhay ka!" sigaw naman ni Kuya Landy
"Buhay nga" sabi ko
"Paano?" sabay pa talaga ang dalawa
"Well, I don't know. Nakagat ako pero hindi ako naging zombie" sabi ko at ipinakita ang kagat sa kamay ko
"What the!" halata sa mukha ni kuya Landy ang pagkamangha
"Kayo lang ba?" tanong ko sa kanila
"Marami kami, kami muna ang pumasok. Sisignalan ko nalang sila kapag okay na" anang Kuya Landy at ipinakita ang earpiece sa tenga
"Sakin na yang isa" sabi ko dahil dalawa ang earpiece ni Kuya
"Connect yan sa lahat" sabay abot nung isang earpiece
"Fine Ely will be my name if I'm going to use it, I need to go, help this people" utos ko sa dalawa
"Oh, wait. Huwag niyong sabihin sa kanila na buhay ako hindi pa ako sure. Baka mamaya maging zombie na ako" sabi ko at hindi na sila nagreklamo
Inilagay ko ang earpiece sa tenga at pumunta ulit sa second floor sa hagdan na ako gumamit.
Nandoon na si Ms. Garcia hinubad niya ulit ang lab coat at ibinigay sakin. Lumabas ulit ako at pumunta sa experiment room. Nandoon nadaw lahat ng cure sabi ni Ms. Garcia.
"Ms. Cathy, pumunta ka dito" sabi nung isang naka lab coat
"Ihalo mo ang last ingredients sa cure" sabi niya
Hinalo ko na ang last ingredients sa cure at dahil ako lang mag-isa sa table kumuha ako ng maliit na garapon at naglagay ng cure doon.
Nang matapos ang paghahalo ibinigay na iyon kay Mr Wilson, itinurok iyon ni Mr. Wilson sa kinuha ni Ms. Garcia at naghintay kami ng ilang segundo pero walang nangyari.
"Fuck this, find the last ingredients!" nagulat kami ng biglaang pagsigaw ni Mr. Wilson
Umalis na si Mr. Wilson sa experiment room at kami nalang ang nandito sa loob, si Ms. Kim at ang iba pang mga trabahador.
"Palagi nalang palpak lahat ng gamot na nagagawa natin" maktol ng isa
"Pano kaya kung walang cure?" yung isa naman
"Huwag ka ngang magsalita ng tapos"
"May cure naman talaga, nawala lang" yung isang lalaki
"Paano nawala?" tanong ko sa kanila
"Bali balita naisama daw sa mga ordinaryong gamot" sagot nung isang lalaki
"At sabi pa n'ung kumuha ay dinala raw sa skwelahan, sino nga yun?" si Ms. Kim naman ngayon ang nagsalita
"Ah, si Ms. Hellia!" sigaw nung lalaki sabay bagsak ng kanyang kamay sa lamesa
Hellia? That's my mom.
"Si Ms. Ledesma?" pakunwaring tanong ko
"Ay oo, siya nga" si Ms. Kim
Si Mom?
Kung nawala ang cure ng gamot dahil naisama ito sa mga ordinaryong gamot, hindi kaya.
Shit.
"Cr muna ako" sabi ko sa lahat bago ako lumabas ng experiment room, agad akong pumunta sa second floor.
Kumatok ako at binuksan iyon. Nagmadali akong pumasok at hinubad ang lab coat. In-open ko na yung earpiece ko.
"Hello? Hello? This is Ely" sabi ko
"Ely? Who?" boses iyon ni Hellion, pakialamero talaga
"Ely, this is Landy, what is it?" ngayon naman si Kuya Landy na ang sumagot
Nadinig ko pa ang pang aasar ni Hellion kay Kuya, babae daw ni Kuya si Ely. Shit.
"Nailabas na ang lahat?" tanong ko
"Nailabas na, may kailangan ka?"
"Yes, may isa pa dito," sabi ko
"Copy,"
"Kuya, abangan niyo siya sa second floor sa may bintana doon ko siya papalabasin, hindi na safe sa first floor"
"Copy that Er-- Ely" muntikan na yun Kuya.
Pinalabas ko na si Ms. Garcia sa bintana dahil naroon nadaw si Kuya nag aabang, aalalay daw siya sa pagbaba kay Ms. Garcia.
--
Pls. vote and comment.
Gamsahabnida❤️
BINABASA MO ANG
Project Edira: Zombie Apocalypse
Science FictionC O M P L E T E D What the hell is happening? Totoo ba ang mga nakikita ko? Ito na ba ang paraan ng katapusan ng mundo? Nung una gulay lang at mga karne ng mga baboy o baka lang kinakain ng mga tao ngayon nag-iba na at ito ay ang mga kapwa nila tao...