5 year ago..Wala ng halimaw na humahabol sa lahat, wala ng halimaw na kumakalat kalat sa paligid at wala ng halimaw na nangangain ng tao.
Tapos na ang laban 5 years ago ng dahil sa dugo ko ay nailigtas ang lahat laban sa nag-eexist na mga halimaw.
"Mommy, nag-eexist po ba ang mga monster?" tanong ni Edisha
"I think so, baby"
"Like what, mommy?"
"Hi, Babe?" hindi ko na nasagot ang tanong ng anak ko ng magsalita ang kararating ko lang na asawa
"Babe!" agad ko siyang yinakap at hinalikan sa pisngi
"Daddy!" si Edisha naman ang humalik at yumakap
"How's your day, Babe?"
"Not bad" ngumiti si Zach sa'kin
Nagkaanak kami ng dahil sa nangyari samin nung iniwan kami sa safe house. Nung una ayaw pang maniwala ni Kuya Landy na nabuntis ako ni Zach kung hindi dahil sa pregnancy test kaya ayun nasuntok ni Kuya si Zach.
Si Ate Elly naman tawang tawa nun dahil nag-oover act lang daw si Kuya.
Nung manganak na ako kay Edisha pinag-isang dibdib kami ng family ko.
And now Edisha is 4 years old. Umalis na siya sa harap namin at tinapos ang pinagagawa kong aralin.
"Anong not bad? Sabihin mo nalang na pagod ka" sabi ko
"No, I'm not tired" umiling siya at lumapit sakin
"Huy, lalaki ikaw nga magsagot sa tanong ng anak mo!" kunwari nagtatampo ako
"Ano ba ang tanong?"
"Nag-eexist daw ba ang monster?"
"Ano naman ang sinagot mo?"
"Wala. Syempre dumating ka kaya hindi natuloy" sabi ko at hinalikan ko siya
"Kung hindi ako dumating anong isasagot mo?"
"Syempre, nag-eexist tapos tayo yung hero n'un" natatawang sambit ko
"Tayo lang ba?" sabay halik sa leeg ko
"Ano kaba, Zach nandiyan yung bata oh!" hinampas ko yung dibdib niya
"Busy siya, remember may pinagawa ka" ulit ay hinalikan niya ang leeg ko
"Mom, Dad get room for two of you, please" salubong ang kilay ng anak namin sa pagkakasabi nun
"Yes we will anak" sabi ni Zach at hinila ako papuntang kwarto namin.
---
"Mommy, Daddy pwede ba tayo pumunta kina Lolo Dad?" request ni Edisha samin ni Zach, kumakain kami ngayon dahil nga sa weekend at walang pasok sa trabaho si Zach.
Nagtatrabaho si Zach sa ginawang shop ni Kuya at sa asaw nitong si Ate Cathy. Speaking of them, hindi ko inaasahan na magkakatuluyan sila, may mga anak nadin sila.
"Yes, Baby. Tapusin mo na yang kinakain mo" sabi ni Zach kay Edisha
"Oh, I forgot Babe, may meeting with family tayo ngayon kasama ang mga kaibigan natin" muntik ko ng kalimutan ko yun ahh
"Baby, I think we can't visit your Lolo Dad" sabi ni Zach sa bata
"It's okay Dad, may pupuntahan din naman tayo di ba, Mom?" tumingin si Edisha sa'kin
"Yes, Baby"
"Yey, I'm excited to meet Marco!" masayang sabi ni Edisha
Si Marco ang anak ni Mellien at Will. Mas matanda ng buwan si Edisha kaysa kay Marco.
"Si Marco lang ba? How about your cousins?" tanong ko
"Syempre Mommy, excited rin" nakangiting saad siya
Nang matapos kaming kumain ay pumunta na kami sa lugar kung saan kami magkikita lahat. Hindi naman lahat talaga, busy ang iba sa'min kaya hindi makadalo.
"Mommy, nandito na sila" sabi ni Edisha at kinalabit pa ang sout kong dress
"Yeah"
"Era!" tawag sakin ni Mellien at kaagad na niyakap ako
Si Marco naman ayun hindi na nakapagmano sakin dahil hinila na ni Edisha sa may palaruan.
"Era, Bro" si Will naman ang bumati sa'min
Naupo na kami sa damuhan at inilagay na ang mga gamit namin, semi-picnic ang gagawin namin ngayon.
Mayamaya ay dumating naman sina Fionna at Tim kasabay sina Frank at Lucy.
"Best!!!!!!" sigaw ni Fionna ng makarating siya sa amin at yinakap ako.
"Best! Tim" bati ko sa dalawa
"Hi, Frank, Lucy" bati ko rin sa dalawa
Kasunod n'un dumating naman sina Kuya, Ate, at Lance kasama ang kanya kanyang mga pamilya nila.
Yinakap nila ako isa isa at ganoon din ang ginawa ko. Ang mga bata naman nagpuntahan na sa palaruan.
Umupo na kaming lahat ng magsalita si Mellien.
"May paparating pa, si Dani at Leo" aniya kaya tumingin kami kung saan dumaan kami kanina.
"Dani! Leo!" sigaw ni Fionna na nginitian naman ng dalawa
Naupo na kami at inayos na ang mga gamit na aming dinala lahat.
Si Ate Elly at si Kuya David ay nag kaanak ng kambal, iyon ay sina Mavi at Marie. Si Kuya Landy naman nagkaanak ng tatlo, sina Kyle, Catherine at Lannie. Kay Lance naman ay dalawa din, sina Ellance at Ellince.
Kina Fionna naman ay si Fatima. Kay Dani at Leo, Leannie. Kila Frank at Lucy, si Carlo.
"Mga bata, kainan na!" tawag ni Fionna sa mga bata
Na kaagad namang sumunod at nagsipuntahan sa kaniya kaniyang pamilya.
Pero si Catherine, anak ni Kuya Landy ay tumabi sakin. Hinayaan ko nalang dahil nakay Zach naman si Edisha.
"Catherine, dito ka nga" suway ni Ate Cathy sa anak
"Okay lang, Ate" sabi ko dito at umupo nalang.
Nang matapos kaming kumain lahat ay nagchikahan kaming mga babae. Yung mga lalaki naman nakipaglaro sa mga bata.
"May chika ako sa inyo" pinangunahan ni Fionna
"Ako rin"
"Me, as well"
"Tungkol ba sa mga bata?" tanong ko na ikinatango nilang lahat
"Sa'kin kasi tanong ng tanong si Edisha kung totoo daw ba ang monster" kwento ko
"So, anong sagot mo?" si Mellien
"Syempre nagsagot ako ng 'I think so'" sabi ko
"Yan din ang sinagot ko" sabay na sabi ni Mellien, Dani, Lucy, at Ellise.
"Sakin naman ay 'No' ayaw ko kayang ma-spoil anak ko" sabi ni Ate Elly na sinang-ayunan naman ni Ate Cathy
"Iba sakin ehhh" si Fionna na yumuko at kunwaring may tinatanaw sa malayo
"Ano naman?" si Mellien ang nagtanong
"Ang sinagot ko kay Fatima ay 'Yes, they're exist'" sabi niya
At doon mabilis na tumayo si Fionna at tumakbo patungo kay Tim bago tumalon at umangkas sa likod.
Sinundan siya ni Mellien na ganoon din ang ginawa kay Will. Nakisabay narin sina Dani, Lucy, Ellise, Ate Elly. Naiwan nalang kami ni Ate Cathy na tumatawa sa kanilang ginawa.
Nakitawa narin ang mga bata sa ginawa ng kanilang mga magulang. Napasigaw ako ng buhatin ako ni Zach ganoon din si Ate Cathy ng buhatin din siya ni Kuya Landy.
And that naghabul-habulan kami kasama ang mga bata.
*End*
Pls. vote and comment.
Gamsahabnida❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/308807169-288-k634080.jpg)
BINABASA MO ANG
Project Edira: Zombie Apocalypse
Science FictionC O M P L E T E D What the hell is happening? Totoo ba ang mga nakikita ko? Ito na ba ang paraan ng katapusan ng mundo? Nung una gulay lang at mga karne ng mga baboy o baka lang kinakain ng mga tao ngayon nag-iba na at ito ay ang mga kapwa nila tao...