Pisara

469 26 3
                                    

Sa damdaming may mga tinatago,
parang sa dilim ay nagtatagong kwago.
Mensaheng pinaulat,
ika'y hindi namulat.

Ang hindi natapos na lalakbayan ay hindi na maaaring lakbayan pa muli,
sapagkat sa mga lubak ako na nahuhuli.
Inaayos ang sirang mga daanan,
ngunit wala nang paraan.

Ginabayan at sayo'y nagwika,
ngunit ang mga galaw mo'y
tulad pa rin sa isang bata.
Parang isang nilinis na baboy,
bumabalik muli sa putik
at nagpalaboy-laboy.

Munting pagpasalamat hindi magawa,
ikaw ba'y walang awa?
Ika'y aking inahon,
ngunit inalon muli ng mga
salita ng iyong kampon.

Pagsasabi ba ng tama ay masama?
O gusto mo lamang ikaw parati ang tama?
Mga sinasabi ko'y nakakasakit,
ngunit hindi ito panglalait.

Kung ako sa iyo'y nanggagago,
ikaw na bahala magisip ng masama
basta ako nais kong makita ang iyong pagbabago.
Ilang beses mo itong binaliwala,
pero hindi mo maitatanggi na
mayroon ditong tama.

Kahit na'y naputol ang ating komunikasyon,
Natutuklasan pa rin na ang iyong mga gawa'y hindi pa rin naayon.
Siguro nga'y hindi na lamang ako magsasalita,
tutal mga wika ko'y parang letra sa
pisara na hinahayaan at binubura.

Ni galit, ni inis ay aking tiniis,
ngunit wala na akong magagawa
kaya ako'y lumihis.
Ako'y itinatakwil at minumura,
kahit na gayon hindi ako nakitulad
sa gaya nilang basura.

Itsura'y maganda sa malapit
o malayo man,
ugali ay kasing tulad ng
nabubulok na laman.
Dahil baka wala kang mga prueba
akin na lamang dinadaan sa sulat,
kaya ito iyong ikalat.

Ano ba ang iyong gusto?
Lahat ay nagawa ko na
hindi ka pa rin nagbabago.
Bawat salita ko ay hindi mo tinandaan,
sapagkat isang kang hindi
magandang huwaran.

Ayos na sa akin kung ayaw mo sa akin,
gayunpaman ang sarili mo'y
kailangan mong baguhin.
Sa totoo lamang 'yan ang rason,
kung kaya't wala kanang kaibigan
na malapitan ngayon.

Naging alipin,
sa sariling kaibigan na
dapat ay aking iibigin.
Gayunpaman ang maduming budhi,
ay hindi na itinuloy dahil hindi ito maaari.

Aking ginawa dahil sa awa,
ngunit 'di nakapagpigil at
naglaho parang bula.
Muli, ako'y nagpapasalamat sa 'yo,
ginawa kona ang lahat para sa iyo'y makapagserbisyo.

Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon