Mangha

53 5 0
                                    

Ika'y napakaganda,
walang ikakapantay tulad
sa tala sa umaga.
Noong ika'y aking nakita,
bigla akong nataranta.

Nabalisa sa iyong mga sinabi,
ngunit napansin ko
lamang ang iyong
katangi-tanging ngiti.
Umaapaw ang kagandahan,
'Di mawari kung saan ang pinanggalingan.

Ipaabot mo sa iyong mga magulang
na akin silang binabati,
dahil magandang dilag
ang aking pinili.
Tila yata isang modelo,
ang ganda'y 'di makukuha nang
kahit na sino.

At isa pang henyo na napakatalino,
kawang gawa ay binibigay ng todo-todo.
Pagpapasalamat ko sa iyo'y sobra-sobra,
'di ko lamang masabi nang isa-isa.

Sa tuwing ika'y naalala,
unang tumatatak ay
kaakit-akit na dalaga.
Unang tingin ay nakamamangha,
at paniguradong wala
na ditong makakukuha.

Hiling ko sana'y ika'y mapasaakin,
ngunit ako'y matatakutin.
Takot na baka ako'y iyong ibaliwala,
at baka masaktan pa ng malala.

Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon