Sampung Segundo

18 0 0
                                    

Ang kwento sa isang saranggola,
noong napalipad ko ito sobrang saya.
Pero nang dahil sa malakas na hangin ito'y nadala at ang saranggola ko'y naputol ang tali,
sinisi ko ang aking sarili sa nagawa kong pagkakamali.

Pwede ba ulit ibalik sa una?
Sapagkat 'yun ang panahong masaya pa.
Sa matatamis niyang salita ako'y naaaliw,
"nangungulila ako sayo, oh giliw."

Dahil sa mga sinabi niya tumatak 'yun sa isipan ko,
mga hindi makakalimutang araw na nagtatawanan tayo.
Buhay-buhay ay napaguusapan,
at biglang nag-iba ang ihip ng hangin at nanlamig ka na ng tuluyan.

Ayos sana kung palaging masaya,
gayunpaman hindi 'yun mangyayari sapagkat siya'y may inuunang iba.
Mas malaking pamantayan,
mas lalo nang hindi na makakamtan.

Lahat ng problema sinabi ko na sa iyo,
ngunit hindi talaga natin maaayos ang gulo.
Disente naman ang aking postura at disposiyon ngunit ika'y palaging magulo,
hindi ko maayos ito kaya sinunod ko ang 'palatuntunang sampung segundo'.









Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon