Di-kasakdalan

26 5 0
                                    

Sa wikang banyaga binabase,
kaya ano na ang sarili nating wika wala ng sibli?
Ginagamit ng hindi maintindihang salita,
para magmukhang siyang tama.

Ang wika'y ginagamit sa pangsukat ng katalinuhan,
ngunit ang gumagamit nito'y pinapairal lamang ang kaniyang sariling katangahan.
Magandang gumamit ng ibang wika,
ngunit sa madla makipagusap ng naaayong mga salita.

Sarili nating wika'y mahalin,
kung kaya't dapat natin itong aralin.
Wika'y nalalaman kung ano ang tradisyon ng isang nasyon,
marahil dapat lamang ito gamitin ngayon.

Isang paraan ng pagiging makabayan ay magsalita ng sariling wika,
upang madama ang pagmamahal sa sariling bansa.
Ito'y hindi sa uri ng pamumuhay,
kundi ito'y ingatan ang wika upang sa mahabang panahon ay mabuhay.

Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon