Ang pagpapanggap

42 7 0
                                    

Sa totoo lamang mayroon na akong nakikilala na tulad sa 'yo,
nagbago rin sila kagaya mo.
Lahat ng mga paguusap ay hahantong lamang sa pangagamit,
ano ba iyong kinakamit?

Kapag sila'y hindi nangangailangan,
ang interes nila'y nawalan.
Satingin ko'y ika'y iniiwan ng iyong mga kakilala,
dahil sayo wala naman silang mapapala.

Sa ganyan mong ugali,
masangsang at hindi muna
inaayos ang sarili.
Maganda ang aking desisyon,
dahil sa mga gawa mo'y hindi ako sumasang-ayon.

Napapaisip na lamang ako na ang mas magandang paraan ay ika'y aking iiwan,
dahil hindi mo din na naman ako pinapakinggan.
Mga gawain ay kaya monang gawin,
madali lamang ito kung ika'y sisipagin.

Ngunit ika'y napapadala sa iyong katamaran,
kaya't natatambakan ng gawain ng lubusan.
Sa mga ginawa mo,
ayos lamang sa damdamin ko.
Salamat sa ginawa mo para sa akin,
at sa mga alaalang dinaan, sana'y 'di mo makalimutan.

Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon