Alalay

12 2 0
                                    

Anong araw man lumipas,
magulang ko pa din ay
sa akin nagpalakas.
Sila sa akin ay gumabagay,
lahat ng bagay mayroon sa
akin nakaalalay.

Utang na loob ko sa kanila ang lahat,
kung kaya't onting regalo nila para
sa akin ay sapat.
Hindi magrereklamo, hindi magaaklas,
dahil kung wala sila ako agad ay magwawakas.

Parang isang bisikleta,
sila'y mga pedal upang ito'y gumana.
Ngunit ako lamang ang munting bakal na umiikot,
pinapagana upang ang paroroonan ay maabot.

Susunod sa kanila palagi,
dahil sigurado ka sa kanila'y
hindi ka itutungo sa mali.
Paglaki mo'y sila ay iyong alagaan,
upang buhay mo pa'y madagdagan.

Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon