Layunin

14 3 0
                                    

Panibagong pamumuno ngayon,
nilalabanan ng iba dahil natalo ang kanilang kampon.
Mga akusasyon sa bagong pinuno,
dinidiinan nila nang husto.

Pagbigyan pa ng pagkakataon,
ang kandidatong kalaban niyo noon.
Kapag hindi niya natupad ang mga pangako,
'wag na muli siyang iboto.

Ang politiko parang larong pambata,
magtutulakan kayo hanggang sa may masugutan nang walang awa.
At kapag natalo'y magsisihan,
kung kaya't nagkakaroon ng kaguluhan.

Intindihin na ang pamumuno'y mahirap,
lalo na sa ngayon na maraming korap.
Tignan at hintayin ang gagawin,
sa mga sinabi ng panibagong pinuno sa kaniyang mga layunin.



Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon