Pinto

10 1 0
                                    

Ako'y nananabik sa ngiti mo,
kung kaya't ako'y muling
magbabalik sayo.
Gayunpaman hindi ngayon,
mahaba-haba pa ang oras at
naghihintay ako ng pagkakataon.

Sana'y sa aking paghingi ulit ng tawad,
matanggap mo agad.
Nangungulila umaga't gabi,
at gusto kitang makatabi.

Ang mga salita na binitawan ko noon,
nais ko sanang bawiin ngayon.
Magulo talaga isip ko,
paumanhin 'di ko malaman-laman ang totoo.

Pagbibigyan kita ulit,
basta't huwag kanang magagalit.
Ang mga ayaw mo'y aking rerespetuhin,
at ang mga problema mo ay aking iintindihin.

Bagkus, maghintay ka muna at ako'y gumagawa ng paraan,
upang ika'y aking mabalikan.
Ngunit kung hindi tayo magkasundo,
bubuksan ko na lamang ang pinto para sayo.




Unificado Poemas Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon