"Yes baby. I want to marry you. Alam mo mahal kita bakit nabigla ka pa?" nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nya.
"NO! Hindi ako magpapakasal sayo. Just forget what happened between us. It was nothing but just a kiss..." pagsisinungaling at pagkakaila ko pa "Babae ako at nadala lang ako sa ginawa mo paghalik saken, matagal akong nalulungkot at magisa kaya siguro madali na bumigay ako. That's it! Walang meaning!"
"Pinaglalaruan mo ba ako Airam?" puno ng hinanakit na tumingin sya sa mga mata ko, kitang kita ko ang lungkot na rumehistro sa mga mata nya. Alam ko nasaktan ko sya but this is the only way para matapos na to.
Ayoko ng magmahal. Ayoko na masaktan. Ayoko na makaramdam ng kahit ano. Mas gusto ko magfocus sa mga anak ko at sa trabaho ko.
Binalot kaming dalwa ng katahimikan bago sya muli nagsalita.
"Magpapakasal ka saken Airam. Sinisigurado ko yan sayo." matigas na pagkakasabi nya at puno ng kasiguraduhan.
Naiwan ako tulala. Napaupo nalang ako ng kawalan ng lakas ng mga tuhod ko sa bilis ng mga pangyayari. Damang dama ko ang galit at hinanakit ni Macky.
I had to say those things to protect myself from getting hurt again, baka di ko na kayanin ang another heartbreak.
•••
"Magbihis at magayos ka. May pupuntahan tayong importanteng tao." walang ekspresyon na utos ni Macky habang nagaalmusal kami ng umagang yun.
"I am not going anywhere with you." hindi tumitingin na sagot ko.
"Sasama ka saken sa ayaw at sa gusto mo Airam." maawtoridad na sabe nya.
"Im going to party with Michelle. Its her birthday and I cant say no to her. Im sorry di ako makakasama sayo. Excuse me." poker face at tumayo na ako.
"Babies dito muna kayo sa house ha im going to help your tita michelle para sa party nya tonight. Bukas tayo naman magkakasama lumabas. Okay lang ba?" paliwanag at pagpapaalam ko sa mga anak ko.
"Yes mom." Marian answered me.
"Okay babies." hinalikan ko sila isa isa bago ko umakyat para magayos na.
"What the hell are you doing here?! Pano ka nakapasok?!" gulat na tanong ko ng mabungaran si Macky sa kwarto ko pagkatapos ko magshower.
Ngumisi lang sya habang humahagod ang tingin nya saken simula ulo pababa.
"Get out! Now!" sigaw ko.
Imbis na lumabas mas lalo pa sya lumapit saken hanggang inches nalang ang pagkakalayo ng mukha namin sa isa't isa. Hinapit nya ako sa bewang at niyakap. Naramdaman ko ang mainit nya hininga at labi na dumadampi sa leeg ko.
"Okay lalabas na ako pero last time na ito dahil sa susunod di mo na ko mapapalabas ng kwarto natin." dahan dahan sya kumalas sa pagkakayakap saken at sobrang tiim ng titig nya saken.
Nanlalambot na napasandal ako sa pinto ng tuluyan na sya makalabas.
"He was teasing me. Oh God please ilayo mo ako sa kanya." napapailing nalang ako sa sarili ko at binilisan ang pagaayos ng sarili para makaalis na agad at di na ako macorner ni Macky.
Patapos na ako ng kumatok at tinawag ako ni daday ang maid namin. Binuksan ko agad ang pinto.
"Mam bilisan nyo daw po lumabas hinihintay po kayo ni Sir Macky sa library importante daw po ang sasabihin sainyo ng abogado."
Nagtaka ako kung ano ginagawa ng abogado.
Mabilis ang naging kilos ko at dumiretso agad sa library. Napako ang mga mata ni Macky at Attorney saken."Anong mahalaga natin paguusapan?" walang ekspresyon na tanong ko.
"Maupo ka muna para mapakinggan mo mabuti ang lahat baby." nakangising utos ni Macky saken. Sinunod ko sya at agad na pinagsalita ang abogado. Pinaliwanag nya ang lahat sakin isa isa ang mga kondisyon na nasa will ni Marquise. Di ko akalain na may ganitong will na iniwan si Marquise.
"Hindi ako naniniwala na magagawa ni Marquise saken to." di makapaniwalang sambit ko.
"Totoo lahat ng narinig mo baby." ngiting tagumpay ang nakita ko sa mukha ni Macky. Kung noon sobrang bait ng image nya saken ngayon di ko na maipaliwanag ang pagbabago ng tingin ko sa kanya.
"Wala na bang ibang way attorney?" umaasa ako na baka may iba pang way para hindi na masunod ang gusto ni Marquise.
"Meron. Kung papayag si Mackenzie sa gusto mo na wag na sundin ang will ni Marquise. Nasa kanya ang lahat rights para sa mga ito." sabay tingin ng abogado may Macky.
"Wala ka ng choice baby kundi ang pakasalan ako or else lahat lahat ng para sayo at sa mga anak mo ay hindi mapupunta sainyo." ngiting tagumpay ang nakabakas sa mukha nya at nangingislap ang mga mata sa tuwa.
"No Macky hindi ko magagawang magpakasal sayo para lang makuha ang mga iniwan ni Marquise saken. Kaya ko buhayin ang mga anak ko magisa and you know that." matigas na pagtutol ko.
"Tignan nalang natin." di pa din nawawala ang ngisi sa labi ni Macky.
Pakiramdam mo monster ng tingin ko sa kanya. Gagamitin nya ang will ni Marquise makuha lang ako at magpakasal sa kanya. Tiim bagang na lumabas ako ng library at dumiretso na sa venue ng party ni Michelle.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)
RomanceSelfless Wife II former Battered Wife Revenge II