CHAPTER 8

14.5K 288 5
                                    

Nagising ako na wala si Macky sa tabi ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil pakiramdam ko di pa ko ready harapin sya agad agad. Di ko alam san ko sisimulan ang mga gusto ko sabihin sa kanya. Bumangon ako at nakita ang note sa tabi ng lampshade.

Good morning my love! Hindi na kita ginising dahil alam ko pagod ka. See you at the office. Kailangan natin magusap. I love you...

Love lots,
Macky

Napangiti nalang ako pagkatapos ko basahin. Morning pa now hapon na ko nagising halos isang oras nalang PM na. Nagmamadali na ako bumangon at bumaba. Naabutan ko ang mga anak ko na nanonood ng movie.

"Hi! babies..." sabay halik ko sa pisngi nila.

"Hi! mom." sabay din nilang bati sakin.

"Mom where's dad?" Mariam ask.

"Pumasok sa office baby may mga importante sya gagawin, why?" tanong ko.

"Pwede ba natin sya sunduin?" tanong naman ng baby boy ko.

"Why baby?" nagtatakang tanong ko naman.

"We wanted to surprise him mom, Please..." nag-puppy eye pa ang baby boy ko.

"Okay baby, may magagawa pa ba ako kung ganyan ang itsura mo? Sya sige na magprepare na kayo para sa pagpunta natin sa office." napangiti nalang ako sa kacutan nya.

"Yehey! Thanks mom." sabay na mabibilis nagtatakbo para maghanda ang mga anak ko, napailing nalang ako.

Ganun kalapit ang mga anak ko kay Macky. Kitang kita sa kanila na mahal nila si Macky.

Madali kami nakarating sa office ni Macky pero wala sya dun.

"Nasa rooftop po sya maam ariam." pagbibigay alam ng sekretarya ni Macky.

"Anong ginagawa nya dun?" kibit balikat lang ang sinagot nito pero may kakaibang ngiti sa mga labi. "Okay nevermind, pupuntahan ko nalang muna sya."

"Babies puntahan ko lang si Dad nyo sa rooftop ha dito muna kayo kay yaya ha" sabay silang tumango at mabilis ako nagtungo sa elevator.

May kakaibang kaba ako naramdaman ng sumakay ako sa elevator, binalewala ko nalang dahil abala ang isip ko sa pagtataka kung ano ang ginagawa nya sa rooftop.

Bumukas ang pinto ng elevator. Bumulaga sakin ang pulang carpet na may mga red petals na nakasabog. Nangangatog ang tuhod na lumabas ako sa elevator at dahan dahang naglakad patungo sa table na nakasetup pero di ko nakita si Macky.

Kinakabahang tinawag ko si Macky...

"Macky?" tawag ko pero walang Macky na lumabas, narinig ko ang music sa kanang bahagi ng rooftop, lumabas ang mga larawan ko sa screen, halos lahat puro stolen shot, mga panahong inlove na inlove pa ako kay Marquise, batang bata pa ako noon. Sa kabila ng music narinig ko ang boses ni Macky.

Simula noon ikaw lang ang tanging babae na nagpatibok ng mabilis at malakas sa puso ko, bukod tanging ikaw lang ang nagpakaba sakin ng todo todo, kahit ibaling ko sa iba ang pagtingin na meron ako sayo walang kahit isang nakapantay sayo. Sa kabila ng si Marquise ang minahal mo at hindi ako, kahit masakit sakin na sa kanya ka naitadhana noon, ginawa ko ang lahat ng kaya ko para sayo, wala ng ibang babae na minahal ko ng ganito kundi ikaw lang Airam, alam ko kasalanan ang mahalin ka ng una dahil sa kapatid ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mas mahalin ka habang lumilipas ang araw, habang tumatagal. Alam ng Diyos na umiwas at pinigilan ko ang naramdaman ko pero hindi ako nanalo dahil kahit yata baligtarin ko ang mundo ikaw at ikaw pa rin talaga. Hindi ko hiniling at di ko akalain na darating sa punto na mawawala ang kapatid ko kung kailan masaya at buo na kayong pamilya. Tanggap ko na ang lahat noon. Nang malaman ko na may sakit si Marquise at hiniling nya noon na ipinapaubaya ka na nya sakin hindi ko alam ang mararamdaman ko. Marquise knows how much i love you Airam and that is the reason why kasama sa will nya ang pakasalan mo ako. Gusto nya ibigay sayo ang makakapagpasaya sayo makabawi manlang sya sa lahat ng kasalanan nya. Nagpapasalamat ako kay Marquise dahil kahit alam nya ang tunay na nararamdaman ko para sayo hindi sya nagtanim ng galit at sama ng loob sakin. Alam ko masyado mabilis sayo kung agad agad kita yayakagin pakasalan pagkawala ng kapatid ko kaya binigyan kita ng space at lumayo ako. Ngayon bumalik na ako handa na ko para gawin ang lahat mapaibig ka lang Airam at kahit gamitin ko ang will ni Marquise gagawin ko makuha ka lang at mapasakin. Mahal na mahal kita Airam. Pagkatapos ng nangyari kagabi napagisipan ko na ito na ang tamang oras para gawin ko ito.

Nanginginig at walang humpay ang pag agos ng luha ko, parang di ko mapaniwalaan ang lahat,naghalo halo na ang nararamdaman ko, mula sa pintuan lumabas si Macky at naglakad palapit sakin.

Huminto sya sa harapan ko at lumuhod.

"Airam... will you marry me?" nakatingala at nakangiting tanong ni Macky, kakaiba ang kislap ng mga mata nya.

Walang lumabas na kahit isang salita mula sa labi ko. Hindi ko magawang magsalit at sumagot. Lumipas ang ilan minuto nanatili pa din sya nakaluhod sa harapan ko at walang tigil pa din ang pagdaloy ng luha ko.

After all these years mahal nya pa rin pala talaga ako. Noon pilit ko iniignore ang nakikita ko sa kanya pero ngayon sobrang linaw na ng lahat sakin. Simula una hanggang ngayon alam ko na kung gaano nya ako kamahal.

"Yes. Yes Macky... I will marry you..." mas lalo dumaloy ang luha sa mga mata ko, masayang masaya ako sa desisyon ko, alam ko na sasaya ako sa piling nya, dahil deep inside mahal ko na rin sya kaya ko rin pinaubaya sa kanya ang sarili ko, gusto ko bigyan ng chance ang sarili ko na sumaya ganun din ang mga anak ko.

"Salamat babe... di mo alam kung gaano mo ako pinasaya." bakas na bakas sa gwapo nya mukha ang kasiyahan, niyakap nya ako at mabilis na siniil ng halik.

"Thanks mom! Were so happy for both of you. Magiging tunay na Daddy ka na namin Dad." yumakap at humalik samin ni Macky ang mga anak ko.

Sana simula na to ng masayang buhay namin ng mga anak ko kasama si Macky...

Wala na ko mahihiling pa...

SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon