"MARIAM? MARQUIE? Nasan kayo? Mom's here! Please answer me."
"Mom! Mom!!!" narinig ko tawag ni Mariam, nakakasilaw ang liwanag di ko sila maaninag, nasisilaw ang mga mata ko pero pinilit mo sila aninagin.
"Dyan lang kayo. Wag kayo aalis dyan. Lalapit na ko." naglakad ako palapit sa kanila kahit na nakakasilaw ang sobrang liwanag na di ko alam kung san nagmumula.
Malapit na ako. Malapit na malapit na...
"Mom we love you so much..." nakangiti habang magkahawak kamay si Mariam at Marquie.
Unti unti sila naglaho nang hahawakan ko na sila...
"NO!!!" sigaw ko habang lumuluha. "Please wag nyo ko iwan..." humihikbing pakiusap ko.
"Love wake up." narinig ko ang boses ni Macky. "Wake up please." nagmulat ako ng mga mata, bakas sa mukha nya ang labis na pagaalala.
"Kamusta na pakiramdam mo?" masuyong tanong nya.
"Macky ang mga b-bata." napahagulhol ako at yumakap sa kanya. "Ang mga bata Macky may kumuha sa kanila. A-alam ko na si Eiden yun."
"I know. I know. She called me too. Dont worry ako na ang bahala sa lahat. Just trust me. I'll save them." niyakap nya ako ng mahigpit, nanginginig ako sa sobrang takot at pagaalala para sa mga anak ko, sila ang lahat sakin, hindi ko kayang may mangyaring masama sa kanila. "Please calm down babe. Aalis ako mamaya sa tinakdang oras ni Eiden. Ililigtas ko mga anak natin. Magiging ayos din ang lahat." kumalas ako sa pagkakayakap at tinitigan sya.
"A-anong sabi nya nun tumawag sayo? S-sinaktan ba nya mga anak ko? M-maayos ba lagay nila? S-san kayo magkikita? Sasama ako." sunod sunod kong tanong habang naluha, hindi ko kayang may mangyayaring masama kay Mariam at Marqie.
"No babe. Stay here. Kailangan mo magpahinga." hinaplos nya ang mukha ko, kitang kita ko ang sari saring emotion sa mga mata nya pero pinipilit nya magpakatatag para sakin at sa mga anak mamin.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nakaunipormeng pulis. "Sir oras na po." pagbibigay alam nito.
"T-teka teka san kayo magkikita? A-ano bang sabi nya?!"
"Lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita noon pa. Mahal ko kayo ng mga bata." hinalikan nya ako ng matagal, pakiramdam ko parang namamaalam sya na parang di na kami magkikita ulit.
Nawala na sya sa paningin ko. Naiwan ako tulalang nakatingin sa pintuang nilabasan nya.
Bakit ganun? Ni isa sa mga tanong ko di nya sinagot. Ano bang nangyayari? Bakit di nya magawang ipaalam sakin?
Lord sana po iligtas nyo po si Macky at mga anak ko. Wag nyo po sila pababayaan. Sila ang lahat sakin. Di ko kakayanin kapag may nangyari sa kanila. Please wag nyo po sila pababayaan parang awa nyo na po. Pinapaubaya ko na po sainyo ang lahat.
Mabilis akong kumilos, bumaba ng kama at madaling naghanap ng damit sa bag, mabuti nalang may damit na pwede ko maisuot, dumiretso agad ako sa cr at isinuot ang damit saka ipinatong ang hospital gown na suot ko kanina, at mabilis na lumabas, binuksan ko ang pinto habang hila hila ang dextrose ko na nakasabit.
"Mam bilin po ni Sir na wag kayo palalabasin habang di pa po clear ang lahat. Delikado po." sabi ng pulis na nakabantay sa pintuan.
"Magpapahangin lang ako. Di ko kayang nasa loob lang ako nahihirapan ako huminga. Di ako lalayo."
"Pero Mam... sige po pero nasa likod nyo lang po ako." napipilitang sagot nito.
Tumango ako at ngumiti.
Binilisan ko ang lakad pero di masyadong nagpahalata. Dahan dahan ko kinakalas ang dextrose ko. Lumiko agad ako sa hallway patago sa bantay ko at tinungo ang fire exit. Patakbong bumaba ako ng hagdan habang hinuhubad ang hospital gown na pinatong ko sa damit ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pants ko at tinawagan ang huling numerong tumawag sakin bago ko nawalan ng malay.
Dalawang ring palang ay sumagot na ang nasa kabilang linya.
"Magkita tayo. Nasan ka?" diretsang ko agad sa kanya.
Sinabi nya ang lugar kung nasaan sya.
Nakalabas ako ng hospital at agad sumakay sa nakaparadang taxi na nakita ko nakapark sa gilid ng entrance ng ospital. Sinabi ko ang address ng lugar na pupuntahan ko at umandar na ang kotse.
Hintayin nyo ako...
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)
RomanceSelfless Wife II former Battered Wife Revenge II