KASAMA ko na ang mga anak ko sa hospital ngunit wala pa rin si Macky. Sa lahat ng taong tinanong ko iisa lang ang sagot nila. "Wag ka magalala Maam Airam babalik si Sir Macky. Magtiwala ka lang sa kanya. Magiging maayos ang lahat."
Naghintay ako sa kanya. Dumilim na sa labas pero wala pa rin sya. Nagaalala na ako. Kahit tawag or text wala ako natatanggap mula sa kanya.
Macky nasaan ka na ba? Iniwan mo na ba ako? Sumama ka ba talaga sa kanya? May tiwala ako sayo pero di ko mapigilan ang sarili ko na masaktan at magisip ng negative. Mahal kita Macky...
Hanggang sa makauwi kami wala pa rin si Macky. Inayos ko ang mga bata bago ako nagpahinga. Laking pasalamat ko at hindi ganun kalala ang trauma ng mga anak ko. Maayos na sila. Ilan araw lang at babalik na rin sila sa normal.
Nakatulugan ko na ang pagiyak at paghihintay ngunit wala pa rin Macky sa tabi ko nang magising ako.
Macky nasaan ka na ba. Nagaalala na ko. Bakit hanggang ngayon wala ka pa???
"Maam Airam..." tawag ng katulong na kumatok sa pinto "Nasa ibaba po si Chief. Legaspi"
"Sige susunod na ako." agad ako bumangon at nagayos bago bumaba.
Sana may balita na... dasal ko habang pababa ng hagdan.
"Good evening Airam." bati ni Philip sakin.
"Good evening din Philip. May balita na ba sa asawa ko? Nasaan na sya? Bakit hanggang ngayon wala pa sya?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
"There's nothing to worry. Nasa maayos sya lagay. Maya maya lang ay uuwi na sya. Inasikaso lang nya yun mental hospital na pagdadalhan kay Eiden para makasiguradong hindi na sya magdadala ng problema sainyo." paliwanag nito.
Salamat sa Diyos... dininig nya panalangin ko. piping pasasalamat ko, para ko nabunutan ng tinik sa dibdib, lahat ng pangamba at takot na naramdaman ko nawala sa kaalamang nasa maayos sya kalagayan.
Napaupo ako sa sofa at naiyak. Nawalan ng lakas ang tuhod ko. Tears of joy. Nakahinga ako ng maluwag.
"Salamat naman kung ganon Philip."
"Wala ka na dapat ipagalala. Magbabantay pa din kami dito at sa pinagdalhan kay Eiden para makasigurado sa kaligtasan nyo. Paano mauuna na muna ako. Kailangan ko pa bumalik e. May maiiwan na mga tauhan ko magbabantay sainyo." paalam nito.
"Sige Philip. Maraming salamat isa ka talagang mabuting kaibigan." nakangiting kinamayan ko sya.
"Maasahan nyo ko kahit kailan Airam. Parang kapatid na turingan namin ni Macky." saad nito bago umalis, hinatid ko sya hanggang sa pintuan.
Umakyat ako sa silid ng mga anak ko para icheck sila kung maayos ang lagay. Parehong mahimbing na ang kanilang tulog. Muli ako bumaba para ipaghanda si Macky ng paborito nyang ulam. Maghihintay ako hanggang sa makauwi sya.
Nakatapos ako ng paghahanda pero wala pa rin Macky na dumarating. Naghintay ako sa living room.
NAKARAMDAM ako ng haplos sa mukha ko at agad ako nagmulat ng mga mata.
"Macky..." agad ko sya niyakap, napaiyak ako na nauwi sa hagulgol.
"Wag ka na umiyak. Tapos na lahat. Naayos ko na at sinigurado kong wala na magiging problema at di na mauulit ang mga nangyari. Nandito na ako. Hinding hindi ko kayo pababayaan." pilit ako kinakalma ni Macky.
Kumalas ako sa pagkakayakap at minasdan ang gwapo nyang mukha. Yun pa rin ang suot nya damit. Halata sa mukha nya ang pagod. Naawa ako bigla sa asawa ko.
"Sorry kung nakadagdag ako sa problema. Hindi ako nakinig sayo at tumakas pa ako para makipagkita kay Eiden."
"Shh love naiintindihan kita ang mahalaga ngayon maayos na kayo at ligtas. Hinding hindi na ako papayag na mauulit pa ang nangyaring yun. Kakalimutan na natin ang nangyari." masuyong sabi nito. "Maayos na ba ang mga bata?"
Tumango tango ako "Oo mahimbing na ang tulog nila, babalik kami sa doctor para sa follow up, wag ka na magalala di naman sila ganun natrauma sa nangyari, pasalamat tayo sa Diyos." at yumakap muli sa kanya.
"Kumain ka na. Pinagluto kita ng paborito mo." masuyong sabi ko.
"Sige sabayan mo ako. Bigla ako ginutom." nakangiting sabi nito at hawak kamay kami pumunta sa dining room para kumain.
Masayang masaya ako na nasa tabi ko na sya. Ang sarap nya pagmasdan habang maganang kumakain.
"Baka naman maubos na ko kakatitig mo?" nakangiting biro nito.
Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa pagkain.
"Hayaan mo mamaya ikaw naman kakainin ko." sabay kindat pa nya.
"Ubusin mo na yan kinakain mo puro ka kalokohan." nakangiting sagot ko.
"Excited ka ata na kainin kita e?" biro pa nito.
"Kahit kailan talaga napakapervert mo!" i rolled my eyes on him.
Im happy now that he is with me. Sana wala na mangyaring masama. Maging maayos na sana ang lahat. Mawala na lahat wag lang ang mga anak ko at ang mahal kong asawa na si Macky. Kakayanin ko harapin ang lahat basta nasa tabi ko sila...
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)
RomanceSelfless Wife II former Battered Wife Revenge II