HEADLINE sa television at newspapers ang pagkakahuli sa Papa ni Eiden. Hindi na namin ikinagulat ang nangyari. Maraming illegal na aktibidades ang mag-ama. Idinadaan nila ang lahat sa negosyo nila para hindi halata ng mga awtoridad. Wala naman sikretong di nabubunyag. Walang nagawa ang mga koneksyon nila kaya nahuli at nakakulong na ngayon ang Papa ni Eiden ngunit si Eiden ay nawawala, patuloy pa rin ito hinahanap ng pulisya.
"Natatakot ako Macky." tumabi ako ng higa kay Macky at yumakap, sa loob ng isang buwan unti unti na nakakabawi ang kompanya at nakahikayat pa ng mga bagong investors, pero doble ingat na kami dahil baka may makalusot ulit na maaring makasira at makapagpabagsak sa kompanya.
"Don't worry babe nandito ako at di ko kayo pababayaan. Magdadagdag tayo ng security." humalik ito sa noo ko. "Magpahinga ka na. Wag ka na magisip. Unless may gusto ka pa ibang gawin." anito na nakangisi ng napakapilyo.
"Pervert!" sinampal ko sya ng pabiro sa mukha nya. Nagagawa nya talagang alisin ang takot na nararamdaman ko.
"Baka lang naman makakalusot ako babe medyo one week ng wala e." tumawa ulit ito.
"Napakahilig mo talaga!" tumatawang sabi ko, we just cuddle and go to sleep facing and hugging each other.
I love this life Lord please sana po tuloy tuloy na...
MAAGA ako gumising para maghanda sa pagpasok sa opisina. For now nagwork na ko ulit sa company dahil gusto ko tulungan si Macky sa lahat ng bagay. Gusto ko magkatulong namin harapin ang pagsasaayos ng kompanya.
"Manang kayo na po bahala sa mga bata. Agahan nyo po ang pagsundo. Magiingat po kayo." bilin ko sa katulong namin.
"Mariam and Marqie ang bilin ko ha. Ano nga yun?" tanong ko sa dalawang anak ko.
"Wag na wag kami makikipagusap at lalong wag sasama sa ibang tao. Hihintayin si Yaya na sunduin kami." chorus na sagot ng dalawang anak ko.
"Good. Wag kakalimutan okay?" paninigurado ko.
"Yes Mom!" chorus muling sagot ng mga ito.
"Let's go babe? Kids ang mga bilin namin ng Mom nyo susundin ha." paalam ni Macky. Sabay kami pumapasok sa office.
"Wait kunin ko lang yun niluto ko lunch for us." kinuha ko ang lunch box at sumama na palabas sa kanya.
Kinakabahan ako habang papalayo angsasakyan namin sa bahay. Hindi ko maipaliwanag at maintindihan kung bakit. Nahalata ni Macky na hindi ako mapakali.
"Masama ba pakiramdam mo?" nagaalalang tanong nito.
"H-Hindi naman. B-Bigla kasi ako kinabahan." sagot ko. "Dala lang siguro ng stress nito mga nakaraang araw." sagot ko nalang.
"Take a nap love traffic pa naman. Gigisingin nalang kita pagnandun na tayo." nagaalalang sabi nito.
"O-Okay love." pumikit ako at pinilit ang sarili ko makatulog, lumulutang ang isip ko at kumakabog ang dibdib sa kaba.
Relax Airam bumabalik na sa ayos ang lahat. Wala na problema.
"Love wake up. Nandito na tayo." gising ni Macky.
Inayos ko ang sarili at lumabas na ng sasakyan. Naglakad kami papunta sa elevator.
"Ayos na pakiramdam mo?" nagaalala pa rin tanong nito.
"Yes im fine now." nagsinungaling ako dahil ayoko ng magalala sya, pero nandito pa din ang kaba.
"Babe? Your phone is ringing." untag ni Macky. "Okay ka na ba talaga? Ihatid nalang kaya kita pauwi?"
Hindi ko namalayang nagriring pala ang cellphone ko.
"No love Im okay." iwas ko at sinagot ang phone.
Unknown number...
"Hello. Who's this?" tanong ko.
"Mom! Dad! Help us!" sigaw ng mga batang humihingi ng tulong. Wait... MARIAM??? MARQIE???
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig at nawalan ng kulay ang pakiramdam. Nanginig at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.
"Love???" takang tanong ni Macky.
Tumingin ako sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko.
Dinig ko ang pagtawa ng pamilyar na boses na yun. Tumatawa sya na parang nagwagi sa isang contest.
"Babe?" tanong ni Macky at hinawakan ako sa braso. "Sino yan?"
"Wag mo sasaktan ang mga anak ko parang awa mo na. Please." pagmamakaawa ko.
Hinablot ni Macky ang phone pero ended na ang call.
"Ang mga anak ko..."
Nanghinang nawalan ako ng malay at bumagsak sa mga bisig ni Macky...
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)
RomanceSelfless Wife II former Battered Wife Revenge II