NANATILI muna kami ng one week bago umuwi. Naging masaya ang one week namin magkakasama. Wala na ko mahihiling pa dahil buo ang pamilya ko at masaya.
Pinagmamasdan ko si Macky habang hawak sa kaliwang kamay si Mariam at karga naman si Marqie. Habang pinagmamasdan ko sila na naglalakad sa unahan ko pumasok sa isipan ko si Marquise. Sigurado ako na kung nakikita nya kami ay masaya sya.
Hindi nawawala ang pagmamahal ko kay Marquise. May espesyal na bahagi sa puso ko na nandun si Marquise at habang buhay ko yun dadalhin at hindi mawawala.
Mahal ko si Macky pero iniingatan ko na din ang puso ko. Sa dami ng mga pinagdaanan ko hindi ako kampante bilang asawa nya. Maraming nakakalat na tukso sa paligid.
"Babe okay ka lang ba?" tinapik ako ni Macky.
"Yes okay lang ako."
"Kanina pa kita tinatanong babe. May gumugulo ba sa isip mo?" usisa nito.
"Wala naman, masaya lang ako na buo tayo at magkakasama, sana hanggang sa huli buo pa rin tayo." nakangiting sabi ko.
Hindi ko maiwasang hindi umasa dahil kilala ko si Macky, mabait sya at ramdam ko na mahal nya kami. Tinanggap nya ko sa kabila ng lahat ng mga nangyari.
"Let's go. Pupunta pa ako sa office may kailangan ako tapusin trabaho." lahad nito sa kamay nya at inakbayan ako habang hawak ko si Mariam at karga naman nya si Marqie.
PUMASOK si Macky sa office. Balik sa dati ang buhay namin. Pumapasok nalang ako sa office kapag may mga meetings. Kadalasang sa bahay nalang ako nagtatrabaho sa kagustuhan na din ni Macky para naasikaso ko ang mga bata ganun din ang bahay.
"Mam Airam." narinig ko tawag ng katulong habang kumakatok, tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Yes manang?"
"May babae po sa labas, di po namin sya pinapasok dahil ngayon lang po namin sya nakita. Kayo daw po ang gustong makausap." paliwanag nito.
"Sige manang ako nalang po bahala." lumabas ako ng library at pinuntahan ang babae sa gate.
Binuksan ng guard ang gate ng makita ako. Natanaw ko ang babaeng nakatalikod.
"Miss hinahanap mo raw ako?" tanong ko ng makalapit sa gate pero di ako tuluyang lumabas, naglagay ako ng distansya.
Humarap sya sakin at laking gulat ko ng si Eiden pala ang naghahanap sakin. Anong kailangan nya? Bigla ang kabang bumundol sa dibdib ko. Wala si Macky nasa office at ang mga bata. Tanging ako lamang ang nandito sa bahay ang katulong at ang guard.
"E-Eiden?" kinakabahan na usal ko.
"Nagulat ba kita? Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. May sekreto ako sasabihin sayo. Alam ko naguguluhan ka kung sino ba ako sa buhay ni Macky at ano ang mga lihim na tinatago nya." nakangising sabi nito.
Natakot ako sa kany ngunit hindi ko pinahalata. Natatandaan ko ang mga records nya sa mental hospital. Kailangan maging at ease ako para hindi nya ako magawang saktan.
"Sumama ka sakin. Ayoko dito makipagusap sayo. Napakaimportante ng sekretong nalalaman ko tungkol kay Macky." paanyaya nito.
Dahil alam ko na may problema sya sa pagiisip at delikado syang babae nais ko sanang tumanggi. Ngunit ayoko magalit sya at saktan kami ng pamilya ko lalo ng mga anak ko.
"Sige. Pasok ka muna." pagpayag ko, pinapasok ko sya at naghintay sya sa garden namin. Binulungan ko ang guard namin na wala dapat makaalam lalo na si Macky ng pagsama ko kay Eiden.
Nagbihis ako at mabilis na binalikan si Eiden. Nakangiti ito humarap sakin.
"Let's go Airam, marami pa ako sasabihin sayo." nagpauna na ito sa paglabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)
RomanceSelfless Wife II former Battered Wife Revenge II