PUMASOK ako sa isang abandonadong building. Naramdaman ko ang pagtutok ng baril sa ulo ko mula sa likuran.
"Wag kang gagalaw kung hindi pasasabugin ko ang bungo mo!" sabi ng lalaking nasa likuran ko, di ko magawang silipin ang itsura nya sa takot na kalabitin nya ang baril at iputok sakin.
Nanayo agad ang balahibo ko at malakas ang kabog ng dibdib ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Pinagpapawisan ako ng malamig, gusto ko himatayin sa sobrang nerbyos at takot pero hindi pwede.
"Hala! Sige lakad!" utos nito.
Di ko kailangan magpadaig sa takot. Kailangan ko maging matapang para sa mga anak ko at kay Macky.
Dumiretso kami sa 6th floor ng building, kumaliwa sa isang hallway, saka huminto sa tapat ng isang kwarto sa pinakadulo.
Naramdaman ko ang pagpiring sa mga mata ko. Di ako kumibo o pumalag sa takot na baka barilin ako bigla at di ko na magawang iligtas ang mga anak ko.
Tinulak ako papasok nun lalaki. Narinig ko ang palakpak at palapit na tunog ng takong sa bandang unahan ko. Nanatili akong nakatayo at naghihintay ng susunod na mangyayari.
"Magaling! Ang lakas din naman ng loob mo sumugod saken ng walang kalaban laban ano?! Ngayon ko lang napatunayan na isa kang malaking istupida!" napalatak ito.
"Ano bang nagustuhan ni Macky sayo?! Kung ikukumpara sakin walang wala ka namang panama!!" tumawa ito ulit. "Matagal ko na gustong gawin sayo to e!"
Naramdaman ko ang paglapat ng palad nya na nagpabiling sa mukha ko, sunod sunod na sampal ang natamo ko kay Eiden. Namanhid na ang mga pisngi ko. Di ako kumilos at tinanggap ang pananakit nya sa isiping baka saktan nila ang mga anak ko.
"Igapos yan!" sabi nito maya maya.
"Eiden please wag mo sasaktan ang mga anak ko. Parang awa mo na. Susundin ko lahat lahat ng gusto mo. Ibalik mo lang sakin ng ligtas ang mga anak ko. Nagmamakaawa ako sayo." pakiusap ko.
"Oh really my dear?!"
"Yes, im willing to do everything kapalit ng mga anak ko." sabi ko pa.
"What if I want your company, yun iniwan sayo ni Marquise? at si Macky? Kaya mo ba ibigay sakin?" seryosong tanong nito.
Di ako nakaimik. Di ako nakasagot.
Matagal ang katahimikang bumalot sa pagitan naming dalwa.
Si macky???
Ang asawa ko???
Kaya ko ba sya ibigay???
Ang company na iniwan ni Marquise na tanging ala ala nya???
Kaya ko ba???
Kapalit ng mga anak ko???
Nanginginig ang mga labi ko at ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko sa isiping ibibigay ko sa kanya ang dalawang bagay na mahalaga sakin.
"Ano? Kaya mo ba?" basag nito sa katahimikan. "Oh sige kahit si Macky nalang kapalit ng mga anak mo." pagbabago nito ng isip.
"Pumapayag ka ba?" tanong pa nito. Hinila nito ang buhok ko at sinampal ako. "Ano?! Ibibigay mo ba?!"
"S-sigurado ka ba na ibabalik mo ang mga anak ko kapalit ni Macky?" paninigurado ko.
"Oo. Wag ka magalala may isang salita ako." sabi nito. "So ano?! Pumapayag ka na ba?!"
"S-sige. P-Pumapayag ako." pagpayag ko. "P-pumapayag na ako..." napaluha nalang ako sa sakit na nararamdaman ko, ang pisngi na sinampal nya, ang sakit na dulot ng isiping ibibigay ko sa Macky sa babaeng to.
"Macky im so sorry. Sana mapatawad mo ako. Im only doing this for our children. Im so sorry. Sana maintindihan mo ako..."
BINABASA MO ANG
SELFLESS WIFE 2 former BATTERED WIFE REVENGE 2 (ON-GOING)
RomanceSelfless Wife II former Battered Wife Revenge II