Wiper

24 1 1
                                    


Michael and Tammy broke up in the middle of an expressway.

"I'm sick of it. I'm so sick of you babbling about your work, responsibilities. Having a date with you feels like listening to a podcast," sabi ni Michael habang pinapatakbo ang kotse sa kabahaan ng madilim na expressway. Mga puno na isinasayaw ng hangin ang mga sanga ang nasa magkabilang gilid ng kalsada. Bumubuhos ang ulan at niyayakap ng hamog ang ilan sa mga kotse sa unahan. "Puro insurance, puro investment, nakakapagod."

"Ano pa bang pag-uusapan natin, ang tagal na natin? Saka, hindi naman kita pinupuwersa ah," sabi ni Tammy. "Gusto ko lang prepared ka. Para kasing wala kang plano--"

Tumiim ang bagang ni Michael sa inis. "My plan is to enjoy my life--"

"--You can enjoy life when you feel secure--"

"--St. Peter doesn't make me enjoy life. It reminds me it has an end--"

"--ano'ng masama sa St. Peter?"

"Basta," gigil na sabi ni Michael. "I'm tired of this podcast anymore."

"I'm tired of this vlog-like relationship bullshit as well. You want me to be honest?"

Umikot ang mga mata ni Michael. "Oh, here comes a holier-than-thou rant."

"Wala kang direksyon." Dinutdot niya ang balikat nito nang sinasabi niya iyon. "Wala kang pupuntahan."

"Meron. Meron. I am going to get out of this relationship."

"Oh eh di go. I don't give a flying queef!"

Pagkatapos niyon ay katahimikan. Nabigyan nang pagkakataon ang ulan na iparinig ang takatak ng tinig nito sa bubong at bintana. Naririnig na rin ang tunog ng windshield wiper na walang tigil sa paggalaw sa bintana.

Shwuck. Shwuck. Shwuck.

Umusog si Tammy sa gilid, kadikit ng pinto ng passenger seat. Tumanaw sa bintana at tinanaw ang madilim na langit. Walang bituin, sinasakal ng mga ulap.

Wala ring sinasabi si Michael, nakatutok lang sa kalsada ang titig.

May tatlong oras pa silang travel time.

Gumuhit ang kidlat sa hindi kalayuan. Tahimik sila nang mahigit isang oras din hanggang sa basagin ni Tammy ang katahimikan.

"May babae ka na ba?" tanong niya na nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

"Wala."

"I think you're lying."

"Isipin mo ang gusto mong isipin--"

"Alam ko password mo," putol ni Tammy. "Nakita ko na may nag-chat sa 'yong babae, tapos biglang nawala yong message."

"Binasa mo?"

"Ano kung binasa ko?"

"Invasion of privacy."

"Bilang ko na bawat nunal sa titi mo. Ano'ng privacy ka diyan? Saka ang sabi ko, biglang nawala 'yong message."

"Kaibigan lang 'yon."

"Funny that you have a specific girl in mind."

"Saka kung may ka-chat na ako, does it even matter?"

"Yes because it means you are a bum and a cheater."

Katahimikan na naman. Naririnig na niya maging ang tunog ng paghinga ni Michael. Paghingang minsang narinig niya sa tapat ng tainga niya habang nasa ibabaw siya nito.

Inabot ni Michael car stereo, nagpatugtog. Kanta ni Bugoy na Koykoy ang narinig ni Tammy. She groaned with disgust.

"I hate your taste in music," mariing sabi ni Tammy.

Wheel of NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon