A Conversation between a Mother and Her Rapist Son

80 5 1
                                    


When you're a mother, and you have to introduce your kid to a teacher, you wanna say, "Ito'ng anak ko, gustong maging piloto." "Ito'ng anak ko, gusting maging engineer." "Ito'ng anak ko, gustong maging abogado." They say that even if it's not really their child's dream, it's theirs. And no mother would want their son to grow up a rapist.

Nanay: May pagkukulang ba ako? Bakit?

Pupunasan ng nanay ang luha niya, habang nakasandal siya sa pinto ng silid ng anak niya. Nakatingin siya sa anak niyang nakaupo sa kama, nakayuko.

Nanay: Anak... ako ba ang may kasalanan? Kami ba ang may kasalanan ng papa mo? Kapag ba naririnig mong binubugbog ako ng tatay mo sa loob ng kwarto, inaakala mo ba na nagme-make love kami? Dahil ba kapag may gusto kang laruan, o pagkain, gagawin namin ang lahat para makuha mo? Dahil ba we never said no to you? Kaya you never took no for an answer?

Walang isasagot ang anak. Luhaang lalapit ang ina sa anak. Uupo sa kama. May mauupuan siyang kapirasong turquoise na tela. Brief.

Nanay: Anak...

Hahablutin ng anak ang brief. Di niya masasabi na brief iyon ng huling menor de edad na lalaking minolestiya niya sa loob ng silid.

Ilalagay ng ina ang mga kamay sa tapat ng dibdib at tuloy tuloy na iiyak. Maririnig ang tahol ng aso ng kapitbahay. Ang kahel na ilaw sa silid ay ipinakitang lalo bawat tiklop sa gilid ng lumuluhang mata ng ina.

Nanay: Dahil ba hindi kita nakuhang tanungin kung ano'ng pinagdadaanan mo? Dahil ba hindi ko inalam kung paano ka magmahal?

Magsasalita ang anak. Basag ang tinig.

Anak: Nay, 'di lang gano'n kasimple ang lahat. Kailangan mong marinig ang buong kwento, ang side ko ng story.

Ang kuwentong nagsimula bilang mahihinang bulong hanggang sa lumakas at maging nakabibinging sigawan ay ganito. Ang kanyang anak ay nambibiktima ng mga menor de edad na lalaki, karamihan ay nasa trese anyos pa lang. Dadalhin ng kanyang anak ang mga lalaki sa motel, sa talahiban, o kahit saang lugar na puwede itong mag-iwan ng marka sa lumalaki pa lamang na katawan ng mga lalaki. Ang ilan ay inaalok daw ng pera. Ang ilan ay tinatakot.

Marami na raw nabiktima ang kanyang anak pero walang kahit isang nagsalita dahil siguro sa hiya o sa takot. Nagkwento naman na daw ang mga lalaki sa iba, pero wala ding nagsalita sa mga iyon. Kapag lalaki ang naabuso ay wala yata talagang nagsasalita para sa mga ito.

Anak: Nay, may side ako ng story! Kailangan mo lang marinig, promise, nay.

Nanay: Anak...

Hindi masabi ng nanay na sure, there are three sides to every story. Yours, mine and the truth. Except when it's rape.

Anak: Basta hindi ako dapat husgahan. Hindi pa nila naririnig ang panig ko.

Uubo ang anak. Bahagyang masusuka. Tatalsik sa kamay niya ang asido ng tiyan na may halong semilya ng huling lalaking minolestiya niya sa silid na iyon. Ipupunas niya iyon sa shorts niya.

Anak: Lalaban tayo sa korte nay. Lalaban tayo. Nato-trauma na din ako sa ginagawa nila sa 'kin a. May epekto na din sa mental health ko, kaya lalaban tayo.

Uubo uli ng asido ng tiyan na may halong semilya ang anak.

Matutulala ang nanay sa bintana. Ang kamay na nasa dibdib ay dudulas papunta sa kandungan.

Kakagatin ang labi para hindi tumakas ang mga salitang, "Anak, ang tamang gawin ay ang sumuko. Ang tamang gawin ay aminin mo ang ginawa mo sa mga batang 'yon at tanggapin mo ang parusa. Ang tamang gawin ay makamit ng mga bata ang hustisya. Kahit iyon man lang, maibigay sa kanila. Kasi anak, may kinuha ka sa kanila na hindi na nila mababawi. May sinira kang bahagi ng pagkatao nila na hindi na nila mabubuo. Kaya ang tamang gawin ay sumuko ka, at pagbayaran ang ginawa mo sa kanila."

Pero hindi talaga iyon masasabi ng ina. Kapag sumuko ang kanyang anak ay mabubulok na ito sa kulungan. Mawawala na sila sa mundo ng tatay nito nang hindi pa ito nakalalabas. Dadaan ang mga Pasko, Bagong Taon na hindi nila ito kasama. Ang hapag-kainan ay palaging kulang.

Sigurado ding sasaktan ito sa loob. Siguradong gagawin din dito ang ginawa nito sa mga biktima nito. Sigurado na bababuyin din ito at tatanggalan din ito ng dignidad. Hindi niya kayang mangyari din dito lahat ng ginawa nito sa mga biktima nito.

Anak: Nay, ano? Sumagot ka. Lalaban ka kasama ko, 'di ba? Lalaban tayo, 'di ba? Sumagot ka, nay, please. Magaling ang abogado natin at wala naman silang matibay na ebidensya. Posible akong ma-abswelto, nay. At promise ko, 'pag na-abswelto ako, di ko na uulitin. Di ko na uulitin.

Titingin ang nanay sa anak. Noong bata ang anak niya, at ipinakilala niya sa teacher, sinabi niya, "Ito'ng anak ko, pangarap ding maging guro." Sinabi niya iyon ng may ngiti sa mga labi niya, hinihimas pa niya ang tuktok ng ulo ng anak.

Sana, puwede niyang ibalik ito sa pagiging bata.

Pipikit ang ina at dadaloy ang luha. Tatango siya at pipisilin ang kamay ng anak. Hahalik-halikan niya iyon, kahit bakas doon ang amoy ng ari ng huling lalaking minolestiya nito sa silid kanina.

Anak: Nay, mahal kita. 'Wag mong hayaang makulong ako, nay. 'Wag...

Yayakapin siya ng kanyang anak. Hihimasin niya ang pawisang likod nito at maalala niya kung paano niya nilalagyan ito ng bimpo doon noon. Maamoy niya ang pulbo sa pisngi nito at maaalala din niya kung paano niyang pinupulbuhan ito bago pumasok sa eskuwela, kung paanong pinapahiran niya ng insect repellent ang mga binti nito at kung paanong siya ang nagbibitbit ng mabigat nitong bag.

Kung paanong tutulungan din niya itong buhatin ang mabigat nitong konsensya.

Hinigpitan niya ang yakap nito sa pagbabaka-sakaling sa mga bisig niya ay magiging bata itong muli.

Wakas

Note: I wrote this story when I saw a post about a gay guy molesting children. I wondered how the conversation with his mother went. Naisip ko, if I am a parent at ginawa iyon ng anak ko, pagtatakpan ko ba siya?

This short story is really frustrating because I wanted the rapist to go to jail. Pinigilan ko ang sarili kong ganoon ang gawing ending. So there is the story.

Pero I need to say this, say no to the culture of silence. There are no three sides to the story if it's rape. We should only listen to the side of the victim.

And here are some hotlines that are important to remember:

PNP-Women and Children Protection Center (WCPC)

24/7 AVAWCD Office: 8532-6690

Email: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph

NBI-Violence Against Women and Children Desk (VAWCD)

Hotline: (02) 8525-6028

Inter-Agency Council on Violence Against Women and Their Children
Landline: (02) 8735-1654 loc. 122 / (02) 8733-6611
Mobile numbers: 09178671907 / 09178748961
Email address: iacvawc@pcw.gov.ph

Wheel of NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon