Battered

258 11 4
                                    


NOTE: This story is inspired by Stephen King's IT. This is about child abuse. The theme might offend some people. But I love this story.

Nagising ako nang araw na iyon na iba ang hitsura ng kisameng bumungad sa 'kin. Ang kisame sa bahay namin ay puting-puti, ang kisameng nakikita ko ngayon ay kulay asul. Nasa maling bahay na naman siguro ako. O sa motel. Sometimes, a night with drugs and filthy prostitutes could lead to this.

Ilang minuto din yata akong tulala lang sa kisame kung hindi lang ako biglang nagulat dahil sa isang sigaw.

"Tulog pa rin 'yong anak mong tamad?! Bakit hindi mo ginising, hayup ka?" dumadagundong ang tinig na sabi ng isang lalaki. Nasundan iyon ng impit na sigaw ng isang babae.

Napabangon ako mula sa kama. Hindi pamilyar sa 'kin ang mga tinig. Hindi ko sila kilala.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang isang lalaking malaki ang katawan. Naka-itim na sando siya at puting boxer shorts na puro mantsa. Nakita ko na punong-puno ng tattoo ang braso niya. He smelled terrible--sour, rotting.

His eyes were bloodshot and his lips were chapped. Nakakuyom ang kamao niya habang nakatitig sa 'kin.

Aawang pa lang sana ang bibig ko para magtanong kung sino siya nang bigla siyang lumapit sa 'kin at sinampal ako. Sobrang lakas na nahulog ako sa kama. Hindi ako makagalaw, nag-iinit ang pisngi sa sobrang lakas ng sampal niya. Pero agad na hinila ng lalaki ang braso ko para ibangon ako mula sa sahig.

"Magtitinda na kayo ng nanay mo, nakahilata ka pa diyan!"

Nanay ko? My mother passed away when I was a baby. And I am still certain I don't know this man. What was happening?

"Sino ka ba?" nagawa kong itanong. "Hindi kita kilala."

"Gago kang bata ka, ah!" Umigkas ang kamay niya at sinampal ako uli. Bibig ko ang pinuntirya niya. My lips bled. I could taste it now in my mouth.

"Bumaba ka na, para makarami kayo ng tinda!" Itinulak niya ako. Natapat ako sa salamin sa loob ng kuwartong iyon. At saglit akong natulala.

Wala ako sa... wala ako sa sarili kong katawan. Ang nakikita ko sa salamin ay isang batang halos buto't balat na lang, namamaga ang labi dahil sa sampal at may pasa sa ilalim ng mata. Maputlang maputla na parang may sakit, wala nang ngipin sa harap at may mahabang peklat sa kaliwang pisngi.

Hindi ako 'to! Ano'ng nangyayari? Bakit... hindi ako 'to!

"Bilisan mo na! Bumaba ka na!" Tinulak ako muli ng lalaki.

Litung-lito na ako, pero wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Lumabas ako ng kuwarto, bumaba sa kahoy na hagdan na parang bibigay na. Nang makababa ako ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa sofa. Maputla di siyang tulad ko, at humpak na humpak ang pisngi na parang hindi kumakain. Sa kandungan niya ay may bilao ng puto. Tumingin siya sa 'kin at nakita kong pinangiliran ng luha ang mga mata niya.

"Anak..." she said. Nang makalapit ako sa kanya ay humawak siya sa pisngi ko. Nakatitig siya sa sugatang labi ko. Dumaloy ang mga luha sa pisngi niya at agad niyang pinunasan iyon. "Anak, tara na, para makauwi tayo nang maaga."

Hindi ako nakasagot. Tumayo ang mama ko, bitbit ang bilao. Titig na titig lang sa 'min ang lalaking sumampal sa 'kin, parang mayroon pang pagbabanta. Sumunod ako sa babaeng tinawag akong anak at lumabas kami ng bahay.

I am still confused but at least, I have an idea about what was happening. I woke up in a body of a battered child, with a battered mother and a cruel father.

It sent sinister shivers down my spine.

Nang makalas kami sa bahay ay tirik na tirik na ang sikat ng araw. Hindi pa kami nakakalayo sa bahay ay pawis na pawis na ako, at ganoon din ang babaeng nanay ng batang may-ari ng katawan na 'to.

Wheel of NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon