Found Footage

117 5 1
                                    


Found Footage

NOTE: Of all the stories I have written for Librong Itim, this one made me sick. I hope you wouldn't find the darkness of this story too overwhelming. 

"Okay na ang cam? On na?" tanong sa 'kin ni Peter, boyfriend ko for five years. May self-diagnosed anti-social disorder.

"On na," sagot ko, ngumiti. Itinutok ang handy video recorder sa boyfriend ko. Mukha siyang multo sa kadiliman ng school ground ng abandong paaralan kung saan kami naroon. Maputla kasi ang boyfriend ko, lubog ang mga mata at payat na payat. Dahil siguro sa cocaine.

Tumitig ang boyfriend ko sa camera. "Babe alam mo ba ang urban legend ng Lourdes School for Women? Dati 'tong school para sa mga babae. Kaso nagsara kasi marami sa mga estudyante ang naging bayolente," sabi ng boyfriend ko. "Sikat ang lugar na ito sa Pilipinas. Marami raw multo sa lugar na ito. Sabi nila, kapag nagpunta ka sa lugar na 'to nang may problemang dinadala, magpapakamatay ka. Kasi para daw merong boses na nag-uutos sa 'yo na magpakamatay. Sinasabi ng mga residente na maraming unreported incident ng suicide sa lugar na ito. Creepy 'no, babe?"

Napangiti ako. Hindi kami naniniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa lugar. Pero tingin namin ay puwede naming gamitin ang reputasyon ng lugar para makagawa ng isang amateur "found footage" film. Buo na namin ang script. Isa kaming couple na nagpunta sa lugar na iyon para mag-explore. Makakalabas kami pero "susundan" kami ng mga multo mula sa paaralan. Sa ending ng pelikula ay pareho kaming makikita na nakabigti sa kisame.

"Lapit ka dito, babe, ang lamig, eh."

Sumenyas si Peter na lumapit ako. Lumapit naman ako sa kanya at itinutok ko sa 'min ang camera gamit ang isang kamay ko. Si Peter naman ay ngingiti-ngiting humalik sa 'kin, habang ang kamay niya ay nasa dibdib ko.

"It's cold out here," sabi niya, malakas para marinig sa camera. "Let's fuck our brains out."

Natawa ako. "Ano ka ba, babe."

"I am horny. Kapain mo," sabi niya, nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng pantalon niya. "Let me fuck you here, please."

Sabi ni Peter, mas papatok daw ang "found footage" nila kung mayroong scenes na sexual in nature. Hindi ko naman siya kinontra. Hindi ko siya kinuwestiyon. It was probably the cocaine. I like cocaine, too.

"Saka na, babe," sabi ko sa kanya, tinutulak siya gamit ang isang kamay. "I-explore muna natin 'tong lugar..."

"Hmm... fine..." sabi ni Peter, habang hinahalikan ako sa leeg. "Pumanhik tayo sa fourth floor. I think we can fuck there."

Natawa na lang ako. Pabirong tinampal siya sa pisngi. "Puro fuck nasa isip mo," sabi ko. "Tara na nga."

So we explored the school. Napapaligiran ang school ground ng mga nagtataasang puno at building. Pinili naming pumasok sa building na pinakamalaki at mukhang pinaka-luma na. Ang boyfriend ko ang nauuna dahil siya ang kinukuhanan ko sa camera. May night vision ang camera kaya nakikita bawat galaw niya habang pumapanhik kami ng hagdan ng building.

Napakalamig ng building. Nakakapanginig sa lamig. Tahimik na tahimik sa building, maririnig bawat bagsak ng hininga namin ni Peter.

"Look at this, babe," sabi ni Peter, habang nasa hagdan kami papunta ng third floor. May nakasulat sa pader ng hagdan, tinutukan iyon ni Peter ng dala niyang flash light: WALA NG PAG-ASA. IWAN NA ANG MGA PANGARAP. IBALIK ANG HINIRAM NA BUHAY

"Tang-ina babe, ang creepy," sabi ni Peter. Naninilaw na puti ang pader at brown na mamula-mula naman ang sulat. Para bang isinulat gamit ang dugo at natuyo na lang.

Wheel of NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon