Ipapakita sa 'yo ng mga litrato kung paano kami nagbago ng mga kaibigan ko sa paglipas ng mga taon. Yong mga litaro namin eight years ago, we are all single, kaya may mga shots na we were on our way to a bar. O kaya may shots na nag-out of town kami, namundok, nag-beach. May isa pa na kita na halos yung boobs ng isa kong friend. Maliit naman, para lang magang pigsang hinog. We're all smiling that type of smile na lagalag pa, may pangako pa ng pagiging bata, marami pang panahon.
Soon the photos became about engagements. At siyempre after no'n, weddings. Noong una, isa lang ang ikinasal. Tapos parang domino, nagsunod-sunod na. Parang napressure na lahat.
Sa group photos sa wedding, ang mga kaibigan ko, isa-isang nang nagkakaroon ng lalaki sa tabi nila. Ako, pinapupunta na sa dulo ng photographer. "Teh wala kang kasama? Hindi kasi even. Dito ka sa side." Ako yong panira ng symmetry ng litrato.
At ngayon, um-attend ako sa kasal ng kaibigan ko na natitira na lang single. Ibig sabihin, ako na lang ang unmarried.
Nasa reception na kami. Parang garden resort, may berdeng berdeng damo ang lupa at sa di kalayuan, lumalagaslas ang tubig sa fountain. May fairy lights ang arko kung saan naroon ang upuan ng groom at bride. Hapon na, nagpipinta na ang palubog na araw ng mga naghahalong kulay sa langit. Malamig na ang yakap ng hangin.
Sa gitna ng garden, may pa-game ang mga host sa mga may asawa na. Pa-quiz na eme, susubukan kung gaano nila kakilala ang isa't-isa. Siyempre di ako sumali kasi wala naman akong partner.
Bakit kasi about love at relationship pa rin ang games sa kasal? Bakit kasi di na lang sack race? Lalaban sana ako.
"Yosi?" alok sa 'kin ng kasama kong babae sa mesa, may inaabot na sigarilyo sa 'kin.
"No thanks," sabi ko, ngumiti.
Ngumiti din siya, inipit ang puwitan ng sigarilyo sa mga labi at sinindihan. Hinuthot at binuga, gumuhit ng malilikot na linya sa ere. Pa-seventy na siguro siya, puting-puti na ang buhok niya. Marami na ring tiklop ang gilid ng mga mata. Pero napipintahan pa rin ang mukha ng mga kulay, may mascara pa.
"Tita ako ng groom," sabi niya, napansin sigurong nakatanga ako sa kanya.
"Kaibigan po ako ng bride," sabi ko.
Tumango siya, nakatingin sa mga couples na naglalaro. Nginuso niya ang mga yon. "Friends mo din yang mga kasali, 'di ba?"
"Opo," sabi ko.
"Eh ba't di ka din sumali? Killjoy ka?" sabi nito.
"Hindi po. Wala lang pong asawa."
"Wala kang boyfriend?"
Gusto ko nang mainis. Bakit ba ang matatanda, puro pag-aasawa ang bukambibig?
"Wala po, eh."
Tumawa siya. "Baka naman pompyangan gusto mo." Pumalakpak pa.
"Hindi po, ah. At offensive po 'yan, saka baka marinig kayo ni pastor."
Natawa lang ang matanda. Humithit uli sa sigarilyo. "Pareho pala tayo." May amusement sa tono niya. "Single."
Tumingin ako sa kanya. Nagpokus ako sa kamay niyang gamit niya sa paninigarilyo. Walang singsing. "Hiwalay na po kayo?" tanong ko. Pinakialaman na naman niya ko, eh di pakialaman ko na rin.
Umiling siya, pinatay ang sigarilyo sa platito ng buko pandan. "Wala, hindi ako nag-asawa talaga."
"Bakit po?"
Nagtaas siya ng mga balikat. "Noon, gustong-gusto ko na, eh. Nagkakaroon na ng boyfriend ang mga kaibigan kong pa-virgin, gusto ko na ring magkaroon. Sinermunan nila ako. Sabi nila, bakit daw ba ko atat na atat. Meron daw nakalaan para sa lahat, darating din naman daw ang para sa 'kin, wag daw akong magmadali." Kumuha siya ng compact mirror sa bag, binuksan ang tiningnan kung maayos pa ang lipstick niyang pulang-pula. "Hindi naman dumating."
BINABASA MO ANG
Wheel of Nightmares
ContoThis is a short story collection that wants to exploit and shock you. Read with caution.