Ang Pessimistic Princess ng Pasig
Gumising ako nang maaga para mag-audition sa isang reality show sa TV. Nagluto ako ng almusal ko at naghanda ng isusuot. Hindi ako tinulungan ni mama dahil naniniwala siya na nagsasayang lang daw ako ng oras.
“Ang napipili lang sa ganyan, ‘yung magaganda. ‘Yung mukhang foreigner. Mukha ka bang foreigner?” sermon sa kanya ng nanay niya kahapon.
“May napili na ring hindi maganda, ‘Ma, sa ibang season,” sabi ko.
“‘Yung mga ganyan ‘yung unang natatanggal. O kaya sila ‘yung patawa dun sa show. E, di rin naman nakakatawa itchura mo. Sayang lang pamasahe mo diyan.”
Pero may kakaiba kong skills, sabi ko sa isip. Magaling ako sa Math. Math Genius ng Pasig ang gusto kong branding. Kaya kong mag-multiply ng hindi nagca-calculator! For sure ma-i-impress sila doon!
Kaya eto na ako, isang madaling araw. Ang haba ng pila sa labas pa lang ng mall kung saan gaganapin ang audition. Halu-halo ang pabango. Mga basa ang buhok. Makukulay ang suot. Excited ang lahat. Animated ang kilos.
“Hindi ako maganda, pero tatlo ang utong ko. Mabuhok pa. For sure kapag pinakita ko sa judge ang dede ko, mapipili ako,” narinig kong sabi ng isang babae.
Isang nanay ang panay ang suklay sa buhok ng anak. “Anak kapag di ka napansin, patunugin mo na lang kilikili mo. Tunog tao. Uso ‘yon noon.”
Isang magjowang maganda at guwapo ang naglalambingan habang nangangarap.
“Sana pag napili tayo, maging love team tayo,” sabi ng babae. “Pangarap ko magkaroon ng romcom na ako ang bida. Ipractice nga natin mga linya natin.”
Parang tinatamad naman ang lalaki. “Ayoko, babe.”
“Sige na. Batuhan tayo ng linya, ah? Sabihin mo, you had me at my worst…”
Umikot na lang ang mga mata ko. Basic bitches. Kaya n’yo bang icompute ang 4578x3597 sa isip n’yo lang?
Nang makapasok at makarating sa holding area ay maingay pa rin ang mga tao. Umupo na lang ako sa sahig dahil nangangalay na ako.
“Miss, puwedeng makitabi?” nakangiting tanong ng isang babae na may kasamang matandang lalaki. Tatay niya siguro.
“Sige.” Umusog ako para makatabi ang babae at ang matanda.
“Alice,” pakilala ng babae, inilahad ang kamay. Tinanggap ko iyon. “Si Papa. Sinasamahan ako.”
Nginitian ko ang tatay niya. Magkamukha sila ng tatay niya. Parehong hugas monay na nasobrahan sa pampaalsa ang mukha. Parehong magkadugtong ang dalawang kilay. Parehong maumbok ang ilong.
Imposibleng mapili, naisip ko. Walang may gustong makakita ng ganitong mukha sa national TV.
“First time mo mag-audition?” tanong sa akin ni Alice.
Tumango ako.
“Ako, hindi. Tip ko lang sa ‘yo, dapat dito pa lang, kapansin-pansin ka na. Hindi puwedeng hindi ka mag-stand out.”
“Kaya pala ganyan suot mo,” komento ko.
Mukhang kurtina sa classroom ang suot nito.
Tumawa si Alice. “Oo. Saka dapat kapag nagsasalita ka, medyo lakasan mo. Dapat witty ang mga sinasabi mo. Malay mo may isa pala dito na staff ng show, nagkukunwari lang na nag-o-audition. Dapat kapansin-pansin ka na.”
Nag-usap pa kami about sa audition process. Hindi na tumatalab ang aircon sa holding area. Medyo mainit na. Maasim na rin ang amoy ng katawan ng mga naroon. Panay na ang punas ng pawis ng papa ni Alice.
BINABASA MO ANG
Wheel of Nightmares
Cerita PendekThis is a short story collection that wants to exploit and shock you. Read with caution.