"Initiation"

456 12 2
                                    

Noong unang beses na inalok nila akong gawin iyon, inisip ko bakit ako. Wala bang qualifications?Hindi ba dapat maganda? O kaya may silicon na boobs? O baka naman dapat yong brusko pa rin, 'yong mukhang lalaki pa rin, para close to home. Pero sabi nila, hindi na raw kailangan ng qualifications. Basta daw discreet at marunong ng blowjob.

"Sige, marunong akong mag-blowjob," sabi ko. Kahit ang totoo, hindi ko pa nagagawa 'yon buong buhay ko.

Binigyan ako ng time and place. Sa isang resort somewhere in Tanay. Ang may-ari daw ng resort na 'yon, member ng fraternity. Magagamit daw namin ang function hall.

Sinundo ako nong mga member ng fraternity. O malay ko ba kung fraternity. Baka secret society. O samahan lang ng mga adik. Vague. Ang alam ko lang, nang araw na 'yon, ako ang susi para matuloy ang initiation ritual nila.

"Nag tooth brush ka ba?" tanong sa 'kin ng nagda-drive ng van, si Brent, 'yong founder ng fraternity. Ngiting-ngiti siya na tumingin sa 'kin sa rearview mirror. Nakaupo ako sa likod ng van.

"Oo naman," sabi ko. "Nag-mouth wash pa nga."

"Puta, prepared!" natatawang sabi ni Brent.

"Sigurado ka bang marunong ka?" tanong ng isa pang member. "Magaling ka ba?"

"Baka gusto mong gawin ko sa 'yo, para malaman mo kung gaano ako kagaling," sabi ko. Kahit ang totoo ay natatakot ako. Kahit ang totoo ay nilalamig ang buong katawan ko at pinipigilan ko lang na manginig. Sa labas, sobrang dilim. Puro puno ang makikita, parang nang-aabot, parang gusto akong pigilan ng mga payat na sanga.

"Putang-ina brod, hinahamon ako!" natatawang sabi ng lalaki na kumuwestiyon sa 'kin. "'Pag pinagawa ko ba sa 'yo, lulunukin mo, ha??"

"Wala akong sasayangin," sabi ko.

"Gago, kadiri!" sabi niya, sabay tawa uli.

Hindi na ako nagsalita. Tumingin na lang sa labas ng bintana.

Pagkatapos siguro ng tatlumpung minuto, narating namin ang resort. Nakapasok kami agad, nakareserve kasi ang buong resort para sa amin.

Ihininto ni Brent ang sasakyan sa tapat ng function hall. Pagkatapos ay nilingon niya ko, ngumisi. "Handa ka na?"

Lumunok ako bago tumango. "Handa na."

II.

Nang makapasok kami sa function hall, nakaramdam agad ako ng panlalamig, nakatodo yata ang aircon. Isa lang ang bukas na ilaw, aandap-andap pa kaya madilim ang lugar. Amoy alak, amoy sigarilyo, amoy pabango. Nakakahilo sa loob ng function hall.

Naroon ang ibang members ng fraternity. Naghiyawan sila nang makita kami.

Naroon din ang mga "bibinyagang" bagong miyembro ng fraternity. Wala na silang suot maliban sa mga briefs nila. May piring ang mga mata nila at para silang takot lahat. Inisa-isa ko silang tingnan--mga lima din sila--hanggang sa makita ko ang lalaking dahilan kaya ako pumayag sa alok ni Brent.

Siya ang pinaka-tahimik sa limang bibinyagan. Siya rin ang pinakapayat. Siya ang hindi mapakali ang mga paa, halatang nate-tense. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin hanggang sa huminto na siya sa panginginig, gusto kong sabihin sa kanya na puwede naman niyang hindi ituloy ang lahat, puwede naman kaming umalis na lang doon.

"Ihanda na 'yang mga 'yan!" sigaw ni Brent. "Naiinip na 'ko, gusto ko na mapanood ang mga reaksyon nila."

Iyong ibang members ng frat, lumapit sa lima. Binitbit nila na parang mga plastic bag, kinaladkad papunta doon sa parang isang mataas na monkey bar. May mga tali na nakalawit sa bawat bakal sa itaas ng monkey bar na iyon. Sa ilalim ng monkey bar itinapat ang mga lalaki.

Wheel of NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon